UMUWI si Joshana kasama ang iba pang mga staff pabalik ng Manila na hindi na nila kasama si Tresher. Mabuti na nga lang at hindi na nang-urirat ang mga ito tungkol sa hindi pagsabay ni Tresher pabalik ng Manila. Pakiramdam ni Joshana, kinurot ang puso niya dahil sa katangahang ginawa niya. Tama rin naman ito, hindi nga niya maamin sa sarili niya kung ano ba talaga si Tresher para sa kanya. Ilang beses pa niyang gustong batukan ang sarili. Hindi man niya maamin sa sarili ang halaga ni Treseher, pero nagsisimula na niyang magustuhan ito, nagsisimula na siyang mahulog dito.
Nang makarating sila ng opisina, pinauwi na muna niya ang lahat ng mga nakasama niyang staff para makapagpahinga. Siya naman ay nanatili na lamang sa opisina. Nakaharap lang siya sa Desktop, laman ng isipan niya si Tresher. Napamulagat siya nang mag-ring ang phone at rumehistro roon ang pangalan ni Karline.
“Hello Joshana, nasabi na ba sa ‘yo ni Tresher ang nangyari?”
Nagtaka si Joshana kung ano ang tinutukoy nito. Wala namang binanggit si Tresher nang makarating sila ng San Isidro, Isabella. “Anong nangyari? Anong ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong niya rito.
“Inatake sa puso ang Dad ni Tresher, noong biyernes ng gabi oras sa atin.” Natigagal siya sa balitang iyon ni Karline
“T-Teka, bakit mo alam?”
“Kay Jared ko nalaman. Magkaibigan pala sila ng mokong na iyon. Pupuntahan nga sana kita kaso nang tumawag ako sa opisina mo. Ayon sa secretary mo, nagtungo ka nga raw ng Isabella para sa Relief operation project mo.”
“Walang sinabi sa ‘kin si Tresh,” kaya pala napansin na niyang malungkot ito at parang naglalambing dahil nais nito ng comfort. Ngunit ang ginawa pa niya ay itinaboy ito. At pilit nilalabanan ang sarling damdamin para sa lalaki.
“Sabi sa ‘kin ni Jared sumunod pa raw sa iyo si Tresher. So, I thought sasabihin niya sa iyo ang nangyari at pasasamahin ka niya patungong Canada.”
“Baka nahihiya or baka wala talaga siyang balak sabihin sa ‘kin ang nangyari. Pinayagan na niya akong makipag-annul,” malungkot na wika niya.
“Ha?” nagulat si Karline sa sinabi niya.
“Baka iyon ang dahilan. Hindi niya talaga ako gusto. Mas mahalaga sa kanya ang business at imposibleng magkaroon ako ng halaga,” lahad niya rito.
“Gaga ka talaga. Kung hindi ka niya gusto, nang malaman niyang inatake sa puso ang Dad niya e ‘di sana lumipad na siya pabalik ng Canada pero sinundan ka pa rin niya. Manhid ka Joshana, hanggang ngayon hindi mo pa rin maamin sa sarili mo kung ano ba talaga sa ‘yo si Tresher,” huminga ito ng malalim saka nagpatuloy. “Don’t feel VIP, because maybe Tresher is wasting his time for you. Maraming babae sa mundo at sa kagaya ni Tresher, maraming maghahabol ‘don at darating ang araw na malimutan ka na niya.”
Parang umalingawngaw sa utak ni Joshana ang huling sinabing iyon ni Karline. Hindi niya tuloy malaman ang gagawin. She felt the guilt, pakiramdam niya nahampas siya ni Karline ng Desktop na nasa harap niya ngunit ang unang natamaan ay ang puso niya. Lalo yatang nagdurugo ang puso niya dahil sa kagagahang ginawa niya. She hurt her self but she hurt him more.
Nasa opisina pa rin si Joshana at inaasikaso niya ang ibang mga papers nang kumatok ang secretary niya. Ayaw niyang alalahanin ang mga nangyari. Pilit niyang kinakalimutan ang ginawa niya, ang sinabi niya, ang lahat-lahat tungkol kay Tresh. And way of doing it is working hard in her business. May inilapag sa desk niya ang kanyang sekretarya. Inaabala niya ang sarili sa pagharap sa desktop. Ngunit nang sumulyap siya sa folder na nakalapag at buksan iyon, ganoon na lang ang pagkabigla niya.
Tinotoo nga ang sinabing iyon ni Tresher, gusto nga nitong tuparin ang kagustuhan niyang makipaghiwalay. Nakapaloob sa folder ang dalawang orihinal na kopya ng Annulment na may pirma nito. Hindi na siya nakatiis, kinuha na niya ang cellphone at pinindot ang international number ni Tresher. Mabilis namang may sumagot sa kabilang linya.
“Ikaw ang nagpadala ng Annulment papers?”
“I’m glad you received it. Kumusta ka na?” Naramdaman niya sa boses nito ang pagkasabik at kalungkutan.
“Bakit hindi ka nagpaparamdam? Kumusta na ang Dad mo?”
“He died,” malungkot na banggit nito.
Napatungo siya sa sinabi nito. Kaya pala ang tamlay at ang lungkot ng boses nito ngayon. He must need her now, but how?
“I’m sorry for your lost. Hindi ko man lang siya nakita,” napatingin siya sa papers na nakalapag sa desk niya. ”Hindi ko tatanggapin ang papers na ito. We need to talk. In person.”
Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita. “Hindi ko alam kung makakapunta pa ako riyan. Wala ng mag-aasikaso sa business na naiwan ni Dad.”
“My proposal ako, just go here.” Hindi siya sigurado kung mapapapayag ba nito ang kausap. But her voice wants to convince him.
“I will try.”
She ended the call.
She was hoping sana tumalab ang paraan niya para mapabalik ito. Nang makita niya ang annulment papers, nakaramdam siya ng lungkot then after calculating her own feelings. She finally realized, she needs him more than anything else and she wants more existence of him. Magpapakaipokrita siya kapag sinabi niyang hindi niya ito kailangan sa buhay niya, because there is something missing. Nakausap naman niya ang parents niya, at ayon sa mga ito, mabuting tao si Tresher. Boto pa nga ang mga ito para sa kanya kaya hindi sila tumutol. Matagal na rin palang kilala ng parents niya si Tresher, naglihim lang ang mga ito sa kanya.
And if there is one person that they will trust with their daughter, that is Tresher. Mula naman noon ay hindi niya nagawang biguin ang mga magulang niya kahit magpahanggang ngayon. Mataas ang pagpapahalaga niya lalo na ang pagmamahal sa parents niya. Lahat ng desisyon ng mga ito ay hindi man kailan niya nasuway. Masasabi na ngang isa siyang ehemplo ng masunuring anak. Karline’s words and his lost made her realized that he need Tresher more than her own leisure.
Kinausap muna niya sa opisina ang abogado ng kompanya kung tama ba ang decision niya. Plano niyang i-merger ang business ng pamilya niya at ni Tresher nang sa ganon ay maaring manatili ito sa Pilipinas.
Kating-kati na ang mga kamay ni Joshana na mag-skype para makita at makausap ito ngunit gusto niyang tiisin ang sarili, ayaw niyang magmukha siyang naghahabol dito. Dalawang araw na ang nakararaan, pero wala pa ring nagpaparamdam na Tresher Lance Anderson sa kanya. She was still hoping na sana makapunta talaga ito ng Pilipinas.
ABALA pa rin si Tresher sa pag-aayos sa mga papers sa opisina. Ngayon lang siya nakabalik dahil inasikaso pa niya ang libing ng ama. Malungkot pa rin siya sa pagkawala ng ama at hindi pa nga niya natutupad ang pangarap nitong magkaapo at makita si Joshana. Naikwento niya kasi sa kanyang ama noong nabubuhay pa ito ang encounter nila ni Joshana kaya nagkaroon din ito ng interes na makita sana ang dalaga. Kaya lang huli na ang lahat, masyado siyang mabagal para makuha ang loob ni Joshana.
Pinagmamasdan niya ang mukha ni Joshana na ginawa pa niyang wallpaper sa kanyang cellphone para lang hindi ito ma-miss. Natuwa siya sa pagtawag nito, akala nga niya ay bubuksan nito ang topic sa annulment pero na-amuse pa siya ng sabihin nitong hindi tatanggapin ang annulment papers. He likes her more, at nang sabihin nga nitong bumalik siya ng Pilipinas, nagpa-book na siya ng plane ticket. He wants to see her and this time hindi na siya mabibigo na paibigin ito. He maybe lost his dad, but Joshana came to the picture and he will never lose a person like her.
Nag-message siya sa viber na bukas na ang balik niya sa Pilipinas at ipinadala pa niya ang picture ng plane ticket na sasakyan niya. He was excited to see her. Hindi na nga siya makapaghintay na matapos ang araw para makita ito. Balak na rin niyang magtapat dito.
Naghintay si Joshana sa pagbabalik ni Tresh, ngunit tila mailap ang tadhana. Wala pa rin siyang nakukuhang magandang balita sa pagbabalik nito hanggang makatanggap siya ng tawag. Labis na nagpakaba sa kanya ang tawag na iyon. Galing ang tawag sa kanyang ina. Ang ina niyang kasalukuyang nasa Italy at ibinibigay ang masamang balitang nagpalambot sa mga tuhod niya at nagpalabas ng maraming luha sa mga mata niya.
Nagtugma kasi ang plane number at ang sinasakyang eroplano ni Tresher Lance sa balitang may bumagsak na eroplano at sumabog.
‘Diyos ko, hindi ito maaaring mangyari’, dasal pa niya.
Halos panawan siya ng ulirat. Nag-uunahang mga luha ang lumabas sa mga mata niya. Nanlalabo na nga ang paningin niya dahil sa mga luhang walang balak tumigil sa pag-agos.
Nang marinig din ang balita, napaluwas nang wala sa oras si Karline para kumustahin siya. Nakahiga siya sa kama at nakatulalang nakatingin sa kisame. Sinusubukang palakasin ni Karline ang loob niya. Ngunit ginigiit niyang tumawag ang kanyang ina at ito mismo ang nagkompirma. Niyakap siya ni Karline para pagaanin ang loob niya. Ngunit tila mababaliw siya sa kaisipang may nangyaring masama kay Tresh.
Magkasalukap ang dalawang sariling palad, pilit niyang ipinagdarasal na sana nga ay hindi nakasakay roon si Tresher. Ilang beses na rin siyang nagpatulong kay Karline na i-ring ang phone nito. Ngunit walang nangyari.
Hindi na siya makahinga, nawawalan na siya ng pag-asa kahit pa tinulungan na rin siya ni Karline na kumuha ng private detective para hanapin si Tresher.
Iyak pa rin siya ng iyak, isang araw na ang lumipas. Wala pa ring magandang balita ang imbestigador. Hindi na siya pumasok nang dumating ang parents niya at ito na ang humalili sa kanya para sa pagma-manage ng Business na naiwan niya. Nasa tabi lang niya si Karline at hindi siya iniwan nito. Mabuti na lang at may kaibigan siyang nariyan sa tuwing kailangan niya ng tulong at nanghihina siya.
Nagsimula na namang magluha ang mga mata niya, lalo na nang sumunod na araw ay dumating ang detective at may balita sa pagkawala ni Tresher. May inilapag ang detective sa harapan nila. Nasa ibabaw ng table ang sunog na wallet at relo ni Tresher. Hindi siya maaaring magkamali lalo na nang maalala niyang ginamit pa iyon noon ni Tresher.
Nawalan na siya ng ulirat nang makita ang gamit na iyon ni Tresher Lance at nakasakay nga ito sa eroplanong tutungo sana sa Pilipinas. She’s late at di man lang niya nasabi na mahal na niya si Tresher. Pinakawalan niya ang lalaking handa siyang mahalin. Ang tanging lalaking nagpakita sa kanya kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. She lost him.
Walang nakuhang katawan sa pinagbagsakan ng eroplano, kaya nananatiling umaasa siyang buhay pa si Tresher Lance Anderson. His memory will always stay on her mind.
Kahit pa marami na ang nagsabing huwag na siyang umasa at sinasabing sumuko na siya. Nanatili pa rin siya sa pag-asang ligtas ito at marahil ay sa kung saang lugar lang ito naroon. Tiyak niyang babalik ito sa kanya at sa pagbabalik nito, matutuloy na ang naudlot nilang pag-iibigan. This time, she will show what her heart says. This time she will tell everything that he loves him. And this time, she won’t let him lost.
Pinagpasyahan ng pamilya niyang gumawa na lang ng puntod para kay Tresher. Tumutol man siya, hindi pa rin siya pinakinggan ng pamilya niya. Imposible raw na makaligtas pa si Tresher sa pagbagsak ng eroplano, dahil ni isa ay walang nakaligtas. Halos magkadurogdurog rin kasi ang eroplanong sinakyan nito. Sunog na sunog pa ang mga bangkay at mahirap nang makilala. Kung sakali man daw na may nakaligtas, tiyak ay maaring napadpad na ito sa ibang isla. Doon na lamang siya umaasa na sana ay napunta na lang sa ibang isla si Tresher, ligtas at buhay. Kung magkikita man sila sana ay hindi rin nito siya makalimutan.
Ilang araw na’ng walang magandang balita ang private detective na kinuha ni Karline. Ayaw niyang maubusan ng pag-asa. Wala na rin siyang ganang magtrabaho. Samangtalang ‘nong hindi pa niya nakikilala si Tresher, trabaho lang ang buhay niya. Bakit ngayon si Tresher na ang naging buhay niya? Pinagsisihan niyang hindi niya nasabi kay Tresher ang lahat. Pinagsisisihan niyang kung kailan pa ito nawala saka pa siya tuluyang nahulog dito. Kung maibabalik lang niya ang pagkakataong nawala, ang pagkakataong nakasama niya ito, kahit matapakan na niya ang sariling ego. Masabi lang niya kay Tresher na mahal niya ito at handa na siyang isakrepisyo ang anumang bagay na meron siya.