Chapter Eight

1547 Words

“SEAFOODS!” masayang bulalas ni Amihan. Nang lumingon sa kanya ang dalaga, bakas sa mukha nito ang labis na saya habang namimilog ang mga mata at nakanganga. Sa isang eat-all-you-can seafood restaurant niya dinala si Amihan. Naisip ni Alvin na gusto niyang makasama ito bago man lang sila ikasal. Kaya tinawagan niya ang kaibigan at tinanong ang mga paboritong pagkain ng dalaga. “Sinabi ni Migs sa akin na favorite mo daw ang seafoods!” “Dito ba talaga tayo kakain?” Marahan tumango ang binata. “Yes!” Napangiti ang binata. Para itong bata na excited makakain sa paboritong fast food chain. Kitang-kita ni Alvin ang saya sa mga mata nito na para bang walang iniindang malaking problema. “Ano? Tara na sa loob?” tanong pa niya. Sunod-sunod itong tumango habang malapad na napangiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD