INANGAT ni Amihan ang kaliwang kamay saka tiningnan ang diamond ring na suot niya. That precious stone is shining more brightly against the beautiful sunlight. Naroon siya sa tabi ng swimming pool at nakahiga sa sun lounge. Bumuntong-hininga siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang naging reaksiyon ni Alvin nang sabihin niya ang tungkol sa paghihiwalay nila kapag nabayaran na ang perang hiniram ng BBI. That’s more than a week ago.
“If that’s the case, then, sisiguraduhin kong mawawalan ka ng dahilan para iwan ako.”
Bumuntong-hininga si Amihan habang paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isipan ang halik na namagitan sa kanila.
“Damn it!” she exclaimed on her mind.
Hindi siya pinapatulog ng tagpong iyon ilang gabi na. Hindi siya matahimik dahil paulit-ulit siyang ginugulo ng halik ni Alvin. Lalong hindi niya mapaniwalaan ang sarili na ganoon kabilis siyang bumigay. Bakit pakiramdam niya ay delikado ang puso niya sa lalaking iyon? Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito o nang-aasar gaya ng palagi nitong ginagawa sa kanya. Wala sa loob na nilapat niya ang kanan palad sa tapat ng puso niya. Bakit ang bilis na naman ng pintig niyon?
Everything happened so fast and that’s more than a week ago. Kung gaano kabilis lumipas ang mga araw, ganoon din kabilis unti-unting naihanda ang nalalapit na kasal niya. Ang totoo, kinakabahan siya. Nakakaramdam siya ng takot. Her first marriage is a failure. Itong pangalawang kasal naman niya ay dahil sa pera at negosyo. Minsan hindi maiwasan ni Amihan na kuwestyunin ang sarili. Tama ba ang mga naging desisyon niya sa buhay?
Mula doon sa pool area, narinig ni Amihan na bumukas ang malaking gate. Bumangon siya at lumingon sa bandang likuran. Mayamaya ay nakita niyang bumaba ng kotse si Musika na nagtatrabaho bilang isang NBI Agent at miyembro ng isang special task force ng nasabing ahensiya. Kasunod ng sasakyan nito at ang kotse ng dalawang kaibigan niyang wedding planner at designer na siyang gumawa ng kanyang wedding dress. Kaibigan na niya ang dalawa simula pa college, kaya nagawan ng paraan ng mga ito ang maayos ang kasal nila sa loob ng dalawang linggo.
“Don’t tell me ngayon ka lang umuwi simula kahapon?” tanong niya sa kapatid.
Napalingon ito saka ngumiti sa kanya at pinuntahan siya sa pool area. Napansin niya na nanlilimahid sa dumi ang suot nitong damit, puro putik ito maging ang sapatos.
“Saan pusali ka ba nanggaling? Ba’t ganyan ka kadumi?”
“Batangas, may hinabol kaming isang sindikato.”
Napailing siya.
“Ikah, sa totoo lang ako ang kinakabahan diyan sa trabaho mo,” nag-aalala na sabi niya sa kapatid.
“Don’t worry too much, ate. I will be okay,” nakangiting sagot nito.
“Sige na, maligo ka na. Mayamaya tatawagin na tayo ni Dad for breakfast.”
Marahan itong tumango saka dumiretso sa kuwarto nito. Mayamaya ay siyang dating naman ng mga kaibigan.
“Good Morning, girl!” nakangiting bati ni Celine, ang wedding planner.
“Good Morning!”
“Got your dress!” Lyn said, her wedding designer friend.
Dinala ni Amihan ang dalawang kaibigan sa silid niya. Nang ilabas ni Lyn ang wedding dress, napatitig siya doon. Napakasimple lang ng disenyo niyon pero bakit parang mas maganda pa ito kaysa sa gown na sinuot niya noong kasal nila ni Eugene?
“Oh, bakit ganyan ang tingin mo sa damit? Don’t you like it?” tanong pa ni Celine.
Agad siyang napakurap saka umiling pagkatapos ay ngumiti.
“No, it’s not that. I love it actually. Ang ganda n’ya.”
“Okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo,” tanong ni Lyn.
Bumuntong-hininga siya. “Yeah, I’m okay. Napapaisip lang ako. This is my second wedding, and I’m doing this to save my business. Hindi lang ako makapaniwala na mangyayari sa akin ‘to. I though arranged marriage only happens on tv dramas now,” aniya sabay tingin sa mga kaibigan. Naikuwento na niya sa mga ito ang sitwasyon. Sa halip na tumutol ay sinuportahan siya ng dalawa.
“Tama naman ang ginagawa ko, di ba?”
“Maybe. Pero girl, siguro ito na rin ang paraan ng Diyos para makalimutan at tuluyan mo ng pakawalan si Eugene,” sagot ni Celine.
“Ang totoo, natatakot ako.”
“Saan naman?” tanong ni Lyn.
“Dito sa desisyon ko. Baka kasi magkamali na naman ako. Paano kung mas maging worst ang marriage na ‘to kaysa sa una? Ikakasal kami dahil sa negosyo, hindi dahil mahal namin ang isa’t isa,” puno ng pag-aalalang tanong niya pagkatapos ay bumuntong-hininga.
“God, I can’t believe I’m marrying someone with same age as my younger brother!”
Natatawa at napapailing si Celine. “Stop thinking too much. Saka mo problemahin ang mga bagay-bagay kapag nandiyan na. Isa pa, hindi lang ikaw ang gumawa niyan, marami na! I have a friend na mas malaki pa age gap nila, fourteen years, pero maayos naman buhay nila.”
“Saka paano kung kabaligtaran ang mangyari? What if Alvin is the one who will take care of you and love you for real? Mga bagay na dapat si Eugene ang nagbigay?” sabi naman ni Lyn.
“Stop with all those negative thoughts, Amihan. Hindi dahil ganoon ang nangyari sa first marriage mo, ibig sabihin ganoon din ang mangyayari ngayon. Bigyan mo ng chance si Alvin.”
Hindi siya nakaimik sa sinabi ng mga kaibigan.
“O sige na, isukat mo na itong damit, para malaman ko kung may kailangan pa akong ayusin,” pag-iiba sa usapan ni Lyn.
Bago sundin ang sinabi ng huli. Yumakap muna siya sa dalawa saka nagpasalamat.
“Buti na lang nandyan kayo,” sabi niya.
“Ano ka ba? Kaya nga friends tayo eh,” sagot naman ni Celine.
“Right, saka nandito lang kami palagi, ano ka ba?” sang-ayon ni Lyn.
“Thank you.”
“O sige na, isukat mo na.”
“THANK you for trusting Bloom Breeze International, Miss Guerero. I can assure you we will give you fresh tulips from our farm,” nakangiting sabi ni Amihan sa kliyente matapos nitong pumirma ng kontrata na nagsasabi na ang kompanya nila ang eksklusibong magsu-supply ng fresh tulips sa isang Hotel sa London kung saan ito nagta-trabaho. Filipina ang babae at may mataas na katungkulan sa Hotel, nagkataon na naroon din ito sa Pilipinas kaya sinamantala na daw nito ang pagkakataon na makipag-usap sa kanila.
“The pleasure is mine, Miss Santillan. Our boss heard nothing but good reviews about your tulips. Kaya sinabihan niya ako na kailangan kitang makausap. My boss’ wife’s favorite flowers are tulips.”
“Thank you so much for trusting us. We will try our best not to fail you,” sagot naman ni Vivien.
Matapos ang meeting ay agad itong nagpaalam. Paglabas nito ay siyang pasok naman ng Secretary niyang si Liz.
“Ma’am, tatanggap pa po ba ako ng ibang appointment?” tanong nito.
“Ah Liz, siguro hindi na muna. Medyo stress na si Boss. She needs to rest, you know, getting married in few days,” sagot ni Vivien.
Ngumiti siya sa Sekretarya saka tumango bilang kompirmasyon sa sinabi ng Assistant niya.
“Yes Ma’am. Shall I order your lunch?”
“Hindi na. Kakain naman kami sa labas ni Vivien.”
“Okay po.”
Nang maiwan silang dalawa ay saka siya hinarap ng kaibigan. Kababalik lang nito kahapon mula sa Netherlands.
“How’s our farm, by the way?” tanong niya.
“So far, so good. Hindi naman naka-apekto sa operation natin iyong ginawa ni Mister Smith. I mean, for now. Sana bago pa may gawin ulit na kalokohan si Chrissy, makabayad na tayo sa kanya.”
“Alvin promised me he will give me the money after the wedding.”
“Speaking of wedding. Kumusta na pala ang preparations n’yo? I mean, sa isang araw na iyon kasal n’yo di ba?”
Nagkibit-balikat siya.
“Ayos naman. Celine and Lyn are geniuses. Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa ng dalawa na iyon at naayos nila ang lahat in a matter of two weeks.”
“Teka, bakit konti lang ang bisita n’yo?” nagtatakang tanong nito.
“Gusto ni Alvin na huwag munang ipagsabi hangga’t hindi kami naikakasal. Mabuti na rin iyon, para walang mga tsismosang tanong ng tanong,” sagot niya saka kinuha ang bag.
“And, how is he? Sweet ba?”
Amihan rolled eyes, then sighed. Pagkatapos ay napailing na lang siya. Natawa naman si Vivien sa naging reaksiyon niya.
“Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya?”
“Nakakakunsume siya. Ang lakas mang-asar! Wala siyang ginawa kung hindi
inisin ako!”
“Ay, ang sweet!” kinikilig na komento nito.
Kunot ang noo na napatingin siya kay Vivien.
“Anong sweet doon?”
“Iyon mismo! Iyong pang-aasar n’ya sa’yo!”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa’yo? Sabi ko, iyong pang-aasar niya nakakainis na!”
“Ito naman! ‘Wag ka nga masyadong sensitive! ‘Wag kang harsh kay baby boy! If I know, kaya ka inaasar no’n dahil nagpapapansin ‘yon sa’yo.”
“Ay naku! Kumain na nga lang tayo!”
“Hindi pa kayo nag-kiss?”
Biglang nasamid si Amihan sa narinig.
“Oh? Boss, okay ka lang?” bigla ay nag-aalalang tanong nito.
“Kung anu-ano sinasabi mo! Halika na nga!”
Hindi na binigyan pa ni Amihan ng pagkakataon na makasagot ito at basta na lang hinila. Paglabas ng opisina niya. Bigla siyang natigilan nang makita ang isang pamilyar na lalaking parating. Halos lahat ng babaeng staff niya ay tulalang sinundan ito ng tingin. Maging siya ay natulala sa taglay na kaguwapuhan ni Alvin Sebastian.
He’s wearing a leather pair of shoes, black suit and white polo inside without a necktie. Nakabukas lang ang dalawang butones ng polo nito na siyang lalong nagpalakas ng dating nito. Amihan’s heart start going wild. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Nang ngumiti ito, pakiramdam niya ay biglang nanlabot ang tuhod at kanyang puso.
“Oh. My. God. Ang guwapo ni baby boy,” bulong sa kanya ni Vivien.
Nang makalapit si Alvin. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan nito ang pisngi niya ng matagal sa harap ng mga tauhan niya. Narinig ng dalaga ang impit na
tila at bulungan ng mga tao sa paligid.
“Shocks, boyfriend ba ni Ma’am ‘yan?”
“Ang guwapo!”
“Mukhang mas bata kay Ma’am, pero bagay sila!”
“Hi,” bati nito na halos bumulong na ito sa kanyang tenga.
Nakatayo na sa harapan niya si Alvin ay nakatulala pa rin siya dito. Bigla tuloy siyang napapitlag ng may sumundot sa kanyang tagiliran.
“Ay baby boy!” gulat na bulalas niya.
Pinandilatan niya si Vivien na pigil na natatawa, maging si Liz.
Marahan natawa ang binata. “Iyan na ba ang endearment na gusto mong gamitin sa akin kapag kasal na tayo? Puwede rin, kaso, parang mas gusto ko ang babe, mas sexy ang dating.”
“Heh, tumigil ka nga! Nagulat lang ako.”
Natawa lang ang lalaki. “Alam mo, kaya ang sarap mong asarin, kasi lalo kang gumaganda kapag namumula pisngi mo sa inis,” walang prenong sabi pa nito.
Biglang nag-init ang mukha niya, kahit hindi makita ang sarili sa salamin, alam ni Amihan na namumula na siya.
“Di ba, no? Ang ganda n’ya?” baling pa nito sa mga tauhan niya.
“Ano ka ba?! Tumigil ka nga!” nahihiyang saway naman niya.
“Oo naman, Sir!”
“Oh see?” baling naman nito sa kanya pagkatapos.
“Ah eh, sir! Sorry po, tsismosa lang ng very very light, pero, boyfriend po ba kayo ng Boss namin?” tanong ng isa niyang tauhan.
Napatingin siya sa kamay niya ng kunin iyon ni Alvin at hawakan ng mahigpit.
“Oo, bagay ba kami?” proud na sagot nito, pagkatapos ay hinila pa siya nito
palapit.
“Bagay po!”
“Si Ma’am, masyadong ma-sikreto, may boyfriend na pala kayo,” kinikilig na sabi naman ng isang babaeng staff niya.
Bigla siyang napatingin kay Alvin nang hindi alam ang isasagot sa mga ito.
“Eh kasi kailan lang naman ako sinagot ng Boss n’yo. Kung hindi ko pa kinulit at ipagsigawan ko sa lahat kung gaano ko siya kamahal, hindi ako sasagutin! Di ba?” sagot nito sabay tingin at kindat sa kanya pagkatapos ay umakbay pa.
Dahil sa sinabi ni Alvin ay inulan tuloy sila ng kantiyaw ng mga tauhan niya.
“Emeged!”
“Yieeee!”
Lihim niya itong pinandilatan ng mata.
“Sandali lang ha? Mag-uusap muna kami!” biglang paalam ni Amihan sa lahat at walang babala na hinila si Alvin sa loob ng private office niya.
“Ano ang ginagawa mo dito? Bakit bigla ka na lang sumusulpot ng walang pasabi?”
“Ah oo nga pala.”
Humarap ito sa kanya saka muling hinawakan ang kamay niya.
“Gusto sana kitang yayain kumain sa labas. May surprise ako kasi sa’yo!”
“Look Alvin, you don’t have to do this, okay? You don’t have to pretend to—”
“Pretend? Iyon ba ang tingin mo talagang ginagawa ko ngayon?”
Natigilan siya sa sinabi nito.
“Alam ko na napipilitan ka lang na magpakasal sa akin. Pero puwede ba akong makiusap sa’yo? Let me do this, Amihan. Let me take care of you. Hayaan mo na gawin ko ang mga bagay na puwedeng magpasaya sa’yo. Hindi ko mapapantayan ang naibigay ng dating asawa mo sa’yo. But I will try my best to do a better job. If you will just allow me.”
Bumuntong-hininga siya at napatungo. “I’m sorry, I didn’t mean to make you feel upset.”
When Alvin smiled at her. Her heart melts.
“It’s okay. Hindi naman siguro masama kung gusto kong makasama at makilala pa ang babaeng mapapangasawa ko, di ba?”
Mapapangasawa. Hindi maintindihan ni Amihan kung bakit naghatid sa kanya ng kakaibang saya at kilig ang salitang iyon. Ramdam niya ang sinseridad ni Alvin sa lahat ng sinabi nito.
“Okay, if that’s what you want,” nakangiti nang sagot niya.
“’Yan, ngingiti ka lagi. Kung maganda ka kapag nagsusungit ka. Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti.”
Tuluyan na siyang natawa saka umiwas ng tingin.
“Tumigil ka na nga!”
“Let’s go?”
Muli niyang binalik ang tingin kay Alvin saka marahan tumango. When he held her hand and interlocked their fingers, may kung anong damdamin ang bumalot sa kanyang puso. The warmth of his hands brings so much comfort to her. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya ay tila pinapahiwatig na wala na siyang dapat pang alalahanin at parang ayaw na niyang bumitaw pa. Humugot ng hininga si Amihan pagkatapos ay ngumiti sa binata.
“Okay.”