HINDI makapaniwala si Amihan na kay Alvin pa rin siya bumagsak. Parang nananadya ang tadhana. Sa dami ng nilapitan niya, walang kahit na sino ang tumulong sa kanya. Kaya alang-alang sa Bloom Breeze at sa Mommy niya, pumayag siya sa kasal na kondisyon nito.
Fiance. Hindi maintindihan ni Amihan kung bakit parang lumundag ang puso niya matapos marinig ang salitang iyon.
“Mel, starting today, kapag pumunta siya dito sa office. Hayaan mo siyang pumasok sa loob ng opisina ko. Kung tumawag naman siya at nagkataon na nasa meeting ako. Make sure to tell me, okay?”
“Yes Sir,” magalang na sagot nito, pagkatapos ay lumingon sa kanya.
“Nice to meet you po, Ma’am.”
“Nice to meet you too,” nakangiting sagot ni Amihan.
“You can go home now. May pag-uusapan pa kami.”
“Salamat po.”
Nang buksan nito ang pinto ng opisina, bumungad kay Amihan ang maganda at modernong disenyo ng opisina nito.
“Have a seat. Feel at home,” anang binata.
Binaba lang niya ang gamit sa sofa, pagkatapos ay ginala ang tingin sa buong opisina.
“Kelan ang libre mong schedule?” tanong ni Alvin.
“Hindi ko pa alam, bakit?”
“Wala naman. Gusto lang kitang ipakilala sa mga tauhan ko.”
Kinunutan niya ito ng noo. “Kailangan pa ba ng ganoon?”
“Of course! Your soon to be husband is the owner of AS Industrial Technologies. Dapat lang na makilala ka ng mga tao sa mundong ginagalawan ko,” sagot nito.
Nagkibit-balikat siya. “Okay. But really, you don’t have to be kind to me. Alam naman natin pareho na kaya tayo ikakasal ay dahil sa business.”
“Correction, kaya tayo ikakasal dahil umutang ka sa akin.”
“Ah, so parang ako naman ang naging collateral ngayon?”
“Actually, hindi ko naisip ‘yan, ikaw lang!” tila nang-aasar pa sa sagot nito.
Gustong mainis ni Amihan sa lalaki. They barely know each other, pero kung makapang-asar ito sa kanya akala mo ay matagal na silang magkakilala.
“Marunong ka magtimpla ng coffee?” mayamaya ay tanong Alvin.
“Oo naman.”
“Do you mind to make some coffee for us?”
Hindi siya makapaniwala sa narinig mula dito.
“Inuutusan mo ba ako?”
“Ah, hindi naman… pero parang ganoon na nga! Isipin mo na lang practice ‘to para kapag nagsama na tayo sa iisang bahay. Alam mo na kung anong gusto ko sa kape ko.”
Marahas siyang bumuntong-hininga bago lumapit sa isang mahabang mesa sa gilid kung saan naroon ang kape.
“Anong gusto mo sa kape mo?”
“Ikaw bahala.”
“Fine.”
Matapos magtimpla ng kape para sa kanilang dalawa. Agad nitong tinikman iyon.
“Hmmm… masarap… I love it!”
Naupo si Amihan sa sofa di kalayuan mula kay Alvin.
“So, anong pag-uusapan natin?” tanong ng binata.
“Gusto kong malaman kung kelan ko makukuha ang pera?”
Napangiti ito saka umiling.
“Bakit nagmamadali ka? Hindi naman ako uurong sa sinabi ko. Relax!”
Napabuntong-hininga siya sa kunsumisyon.
“Hindi sa ganoon! Kailangan kong malaman kung kailan para masabi ko sa bruhang Chrissy Thompson na iyon kung kailan ako magbabayad dahil ginigipit n’ya ako! We supposedly have two more months left, pero bigla niyang ginawang fifteen days.”
“Alright, I’ll give you the money the day after our wedding.”
“What?! Pagkatapos pa ng kasal?!”
“Yes, why? Ayaw mo?”
Umiwas siya ng tingin sa binata. Habang tumatagal ang oras na kasama niya ito ay lalo siyang naiinis sa isang ito. Tila nananadya at naniniguro.
“But I need the money as soon as possible! Kung iniisip mo na tatakasan kita, hindi ako ganoon!”
Bahagyang napaatras si Amihan ng haplusin ng likod ng kamay nito ang pisngi niya.
“Oh, so defensive. Wala naman akong sinabing tatakbuhan mo ako. Babe, you have to learn how to wait. Hindi biro ang halagang involve dito.”
Tumikhim siya saka pasimpleng umatras.
“Sige, ganito na lang, let’s get married in two weeks!” she said desperately.
Gustong mag-walk out ni Amihan nang bigla itong tumawa ng malakas na para bang nang-aasar pa ito lalo.
“Anong nakakatawa?!” asik niya dito.
“Wait… you’re surprising me really… are you that excited to marry me?”
“Huh… you wish…” pagsusuplada niya. “Sino ba ang may ideya ng kasal na ‘to? Hindi ba ikaw?”
Tumawa na naman ito.
“Puwede ba tumigil ka na nga diyan?”
Tumikhim si Alvin saka inayos ang coat ng amerikanang suot nito.
“Okay, fine… if that’s what you want.”
“And I want just a civil wedding. Just our family and close friends.”
“Sure, whatever my bride wants.”
Bigla siyang natahimik matapos marinig ang huling sinabi ni Alvin. May konting kurot siyang naramdaman. Those words reminded her of the past. Minsan na rin niyang narinig iyon kay Eugene bago sila ikasal. Muli siyang nakaramdam ng pait sa kanyang puso.
“Tatawagan ko agad ‘yong kaibigan ko na wedding planner. I’m sure, magagawan niya ng paraan na makapag-prepare in two weeks,” sabi niya.
Mayamaya ay natahimik silang dalawa. Nang hindi nakatiis ay muling tumingin si Amihan kay Alvin.
“Can I ask you something?”
“Sure, ano ‘yon?”
“Bakit kasal ang naisip mo hingin na kondisyon? I mean, I’m sorry for asking, but I’m just curious. Ang dami naman diyan na ibang kondisyon na puwede mong hingin. Bakit kasal?”
“Bakit naman hindi?”
“Alvin, marriage is a lifetime commitment. Sa Netherlands kami kinasal ng ex-husband ko kaya madali sa amin ang maghiwalay dahil may divorce doon. Dito sa atin, wala. Gusto ko lang makasiguro kung desidido ka ba talaga dito?”
Marahan napailing si Alvin.
“Why are you asking me these questions?”
“Concern lang ako. You’re only twenty-eight. Marami ka pang puwedeng gawin kapag single ka. Baka lang kasi nabibigla ka.”
Bumuntong-hininga si Alvin at pumihit paharap sa kanya.
“Look, Amihan. Pinili ko ang kasal, dahil gusto kitang pakasalan,” sagot nito habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.
Her heart started beating fast. Puno ng hindi mapangalanan emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito at tila inaabot ang kanyang damdamin.
“B-But why me?”
Kinuha ni Alvin ang kamay niya pagkatapos ay hinalikan ang likod niyon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Dumoble ang kabog ng dibdib ng dalaga. There is something in his gazes towards her that makes her heart anxious yet excited. And the moment his lips touches her skin, an unfamiliar heat slowly crawls in her whole system.
“Because I like you. I want to you to be my wife.”
Napako ang tingin niya kay Alvin. Their gazes mated. Gusto ni Amihan na bumawi ng tingin pero hindi niya magawang alisin ang paningin sa binata. Those gorgeous pair of brown eyes, seem like they saying something to her.
Ilang sandali pa, nagawa ni Amihan na umiwas ng tingin at malakas na tumikhim. Pasimple niyang binawi ang kamay na hawak nito.
“Nga pala, pagkatapos ng kasal. You have to move and live with me,” sabi nito.
“Kailangan pa ba ‘yon? Hindi ba sa papel lang naman tayo kasal?”
Umangat ang isang sulok ng labi nito.
“Saan ka nakakita ng mag-asawang hindi makasama sa iisang bubong? Unless na hiwalay na sila.”
“Oo na, sige na!” napilitan sagot niya.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Alvin. Matapos makita kung sino ang nag-text ay lumingon ito sa kanya.
“Excuse me, I have to answer this message.”
“Okay.”
Habang abala sa pagte-text ang binata, bigla niyang naalala ang suhestiyon ni Vivien. Ilang sandali pa, ay muli na siyang hinarap ni Alvin.
“Ah, nga pala, may isa pala akong gustong hilingin sa’yo,” aniya.
“Ano ‘yon?”
“Pagkatapos ng kasal natin at mabayaran ng Bloom Breeze ang utang sa’yo, gusto kong maghiwalay din tayo.”
Naghintay siya ng sagot mula kay Alvin. Pero nanatili lang itong tahimik na nakatitig sa kanya. Ngunit ang ekspresyon nito ay unti-unting nagbago. Napalis ang ngiti nito at sumeryoso ng husto ang mukha. Nang hindi pa rin sumagot ang binata ay nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag.
“Ayaw ko lang kasi na matali ka sa ganitong relasyon. You’re only twenty-eight. Marami ka pang makikilala na kasing-edad mo at mas bagay sa’yo. Ayokong ipagkait sa’yo ang chance na iyon.”
Impit na napatili si Amihan ng biglang hawakan ni Alvin ang braso niya. Then, pushed her towards the sofa. Halos nasa ibabaw na niya ito at nilapit nito ng husto ang mukha sa kanya. His body is pressing against her.
“A-Alvin… what are you doing? Get off me!”
Hindi agad ito sumagot, sa halip ay nakatitig lang ito sa mga mata niya. Ang klase ng tingin na binibigay nito sa kanya ng mga sandaling iyon ay tila naghahatid ng kaba sa dibdib niya. Biglang nanuyo ang lalamunan siya. Umahon ang kaba sa dibdib niya, kasabay ng init na naglakbay sa kanyang katawan.
“You really hate this wedding that much, huh?”
“That’s not what I mean,” depensa niya.
Biglang kinabahan ng husto si Amihan ng bumaba ang tingin nito sa labi niya. Ilang sandali itong nakatitig doon na para bang gusto siya nitong halikan. Mayamaya ay muling umangat ang tingin nito.
“If that’s the case, then, sisiguraduhin kong mawawalan ka ng dahilan para iwan ako,” halos pabulong nang sabi nito.
Hindi napaghandaan ni Amihan ang sumunod na kilos nito. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang sakupin ng binata ang kanyang labi. And it’s not just a simple kiss, he’s French kissing her!
She was supposed to push him away. Magalit. Magwala at sampalin ang binata. Pero kabaligtaran ang naging reaksiyon ng katawan niya. Heat took over her body. Para siyang biglang nawala sa sarili at kusang nagpadala sa init na tumutulay sa kanyang katawan ng mga sandaling iyon. Ang paraan ng paghalik nito sa kanya ay para bang nakakalunod. Hanggang sa tuluyan na siyang nadala at tuluyan tumugon sa halik ni Alvin. Binuka ni Amihan ang labi at pinatuloy sa loob ang dila nitong tila kanina pa nagmamakaawang papasukan niya.
The way his tongue playfully mated with hers. Ang paggalaw ng labi ng binata ay para bang dinadala siya sa mundong ginawa nito para lamang sa kanila. She can hear the s****l sound of their lips smacking and sucking each other. Nobody kissed her that way before. Hindi napigilan ni Amihan ang mapaungol habang magkahinang ang kanilang mga labi matapos maramdaman ang kamay nitong natunton ang isang umbok ng kanyang dibdib.
Alvin’s kiss became more aggressive. Mas malalim. Mas mapusok. Mas mainit na tila napapaso ang kanyang kamalayan. Ang mga halik na pinapasalap nito kay Amihan ng mga sandaling iyon ay mapag-angkin. They were both panting when he abandoned her lips and move down to her neck.
Napapikit ng mariin si Amihan nang maramdaman ang tila nagbabaga sa init na labi nito na dumampi sa kanyang balat. Napaliyad siya at tuluyan kumawala ang ungol sa labi niya nang maramdaman na dinilaan siya nito doon. Hanggang sa bigla na lang itong huminto.
Nang tingnan ni Amihan si Alvin, doon lang niya namalayan na nakatingin ito sa kanya. Bigla ay natauhan siya at tinulak ito palayo saka bumalikwas ng bangon at lumayo dito at umiwas ng tingin. Nang muling ibalik ang tingin dito, doon lang nag-rehistro sa kanyang isip ang emosyon sa mukha nito.
Alvin’s face is so serious. Nang mga sandaling iyon, kahit hindi sabihin at base na rin sa nangyari ngayon lang, alam ni Amihan na hindi ito nagbibiro. Mayamaya ay napangiti ito pagkatapos ay tahimik na tumayo at lumapit sa office table nito bago binuksan ang isang drawer sa gilid niyon. Nang lumapit ito muli sa kanya ay may hawak na itong maliit na black velvet box. Nanlaki ang mata ni Amihan nang makita ang laman niyon. It’s a diamond engagement ring. Kinuha nito iyon pagkatapos ay sinuot sa daliri niya.
“A-Alvin… hindi na kailangan ng ganito.”
Seryoso pa rin ang mukha na tumingin ito sa kanya.
“Keep it. It’s my gift for you for our upcoming wedding. I want you to have the best life while you’re with me. And also, I will claim you on the night after our wedding.”
When he said those last lines. Alvin is not warning her. Sinasabi nito ang mangyayari na para bang wala siyang choice kung hindi ang sundin ang kagustuhan nito. At hindi maintindihan ni Amihan kung bakit imbes na magalit ay lihim pa yatang natutuwa ang damdamin niya. She will have s*x with her brother’s bestfriend, who happens to be ten years younger than her. She should be ashamed by now. Pero sa halip, para yatang excited pa siya?