BINAGSAK niya ang katawan sa sofa pagdating sa bahay doon sa Lisse, Keukenhof Netherlands. Mag-iisang buwan na ang lumipas nang magsimula ang financial problem ng Bloom Breeze. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakahanap ng tao o bangko na mauutangan.
“Anong balita?” tanong ni Vivien.
Nanlulumo na umiling si Amihan. “Walang gustong magpautang sa Bloom Breeze. Lahat ng nilalapitan ko, isa lang ang sinasabi, masyadong malaki ang twenty million euros. Well, may konti naman naitulong si Daddy at mga kapatid ko. Pero wala pa rin sa one-fourth ‘yon kumpara sa kailangan natin.”
Bumuntong-hininga ang kaibigan.
“May point naman sila.”
“We have sixty more days left. I can’t waste any time,” bumuntong-hiningang wika niya.
“Mahaba pa iyon panahon na ‘yon, huwag kang mag-alala.”
“I can’t help it.”
“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nalusutan tayo ni Chrissy. Paano kaya niya nakumbinsi si Rod na i-collateral ang Bloom Breeze?”
“Iyon din ang tanong sa isip ko,” ani Vivien.
“Pero bakit hindi mo pa kasi tanggapin ang kondisyon ni Mister Sebastian?”
Lumingon siya ulit kay Vivien.
“Magpapakasal ako sa kanya? Please, no way. I’ve failed once and it’s hurting me even until now.”
“Amihan, wala naman nag-fail eh. Eugene just made a decision.”
“And I suffered a lot because of his decision. Naging katatawanan ako. I was mocked and insulted by judgemental people.”
“It’s not your fault. Sila ang magdadala ng mga ginawa nila.”
“Basta… I’m not marrying anyone,” desididong sagot niya.
“Look Amihan, don’t you think this is God’s way to heal your broken heart? For you to move on and forget about Eugene.”
“Ayoko pa rin!” matigas na tanggi niya.
“Ay ang tigas ng ulo talaga… okay, fine! Huwag kung ayaw mo,” pagsukong sagot ng kaibigan pagkatapos ay tinuon na nito ang atensiyon sa cellphone.
“Anyway, isang linggo lang akong magtatagal dito. Uuwi din ako dahil kailangan ko pang kumausap ng mga tao na mauutangan,” sabi pa niya habang naglalakad papuntang kusina.
Napalingon si Amihan ng hindi na kumibo si Vivien.
“Huy! Hindi ka na sumagot diyan?”
“Ano nga ulit ang apelyido ni Baby Boy?” sa halip ay tanong nito.
“Baby Boy?”
“Si Alvin.”
“Sebastian, bakit?”
Hindi na naman sumagot ito. Hindi na pinansin pa ni Amihan ang kaibigan at pinagpatuloy ang pagsalin ng tubig sa baso. Mayamaya ay lumapit ito sa kanya na hawak pa rin ang phone.
“Geez! Girl, if you marry him. I can just imagine you will have the best time of your life,” sabi nito.
“What do you mean?” nagtatakang tanong niya, saka nilapit ang baso sa bibig at nag-umpisang uminom.
Biglang hinarap sa kanya ni Vivien ang screen ng phone. Halos maibuga ni Amihan ang tubig sa bibig niya pagpakita ng larawan ni Alvin. He’s wearing a black low waist pair of jeans with a white tank top. The photo was taken on an outdoor shower. Kaya basa ang damit nito at bakat ang full six pack abs sa damit nito. Naalala niya na minsan nang pinagmalaki ni Migs at Aya sa kanila na magmo-model daw sa isang magazine si Alvin.
“Loka loka ka talaga!” natatawa habang umuubo na sigaw niya dito.
“Grabe girl, don’t tell me, hindi ka na-yummy-han kay baby boy? Look at him! Kung ako inalok ng kasal nito, ako pa magpapa-appointment sa pari.”
Natawa na naman si Amihan.
“Tigilan mo nga ako!” saway niya sabay agaw ng phone ng kaibigan.
“Weh? Tigilan ko daw para siya naman ang titingin?”
“Tse!”
Tiningnan ulit ni Amihan ang picture ni Alvin. May katwiran si Vivien. Hindi na siya magtataka kung maraming babae ang nagkakandarapa dito. Parehong Filipino ang parents ni Alvin pero medyo mestisuhin ang lahi nito. He has a deep set and pair of brown eyes. Matangos ang ilong nito at natural red ang kulay ng labi nito. Bukod sa matipunong pangangatawan nito, may tattoo din ito sa kaliwang balikat. She didn’t really like men with tattoos, pero tila bumagay iyon kay Alvin. He became manlier on her sight. Mas matangkad ito sa kanya, sa tantiya ni Amihan ay aabot ito ng five foot and eleven inches. And damn, Alvin Sebastian is oozing with major s*x appeal. Samantalang siya ay nasa five-six lang, nadadaya lang niya madalas dahil sa high heels na suot.
“Pero may naisip ako,” ani Vivien.
Lumipad ang tingin niya dito.
“Ano?”
“What if… what if lang… bakit hindi ka magbigay ng kondisyon sa kanya?”
Kumunot ang noo niya at tuluyan nakuha ng kaibigan ang kanyang atensiyon.
“What do you mean?”
“Pumayag ka sa arrange marriage, pero may expiration!”
“Expiration? Hindi kita maintindihan…”
“Ganito, girl! Magtatagal ang kasal n’yo hanggang sa mabayaran natin ang utang sa kompanya nila. After that. Quits. Maghiwalay kayo. Iyon eh kung hindi kayo mai-in love sa isa’t isa.”
Marahan natawa si Amihan. “That’s a ridiculous idea! Stop it.”
Ilang sandali pa, sabay silang napalingon sa main door ng marinig ang katok mula doon.
“May inaasahan ka bang bisita?” tanong pa ni Amihan.
“Wala naman.”
Nagtataka na lumapit ito sa pinto. Alas siyete na kasi ng gabi doon sa Lisse at madalas ganoon oras ay wala na halos tao sa lugar na tinitirahan nila.
“Oh gosh,” mahinang bulalas ni Vivien matapos sumilip nito sa glass wall.
“Bakit?”
“The witch is here,” bulong na sagot nito.
Biglang sumeryoso ang mukha niya at tuluyan nasira ang kanyang mood. Pagbukas ng kaibigan ng painto ay bumungad ang nakangiting si Chrissy.
“Hi!”
“What are you doing here?”
“Gusto ko lang naman kayong kumustahin. Ano? Handa na ba kayong iwan ang Bloom Breeze?”
“Sino ang may sabi na isusuko ko sa’yo ang Bloom Breeze? Didn’t Vivien tell you? We will pay you back the soonest possible time!”
Tumawa lang si Chrissy.
“Girl… how? Isang buwan na ang lumipas… balita ko hanggang ngayon, wala ka pa rin mahanap na pambayad.”
Sarkastiko siyang ngumiti.
“Hindi na ako nagulat kung paano mo nalaman. I’m sure pinamamanmanan mo ako dahil ganoon ka kadesperada na maagaw sa akin ang BBI!”
“Oh yes darling! I will do anything just to get what I want!”
Amihan stepped forward.
“Once and for all, Chrissy. Bakit mo ba pinag-iinteresan ang negosyo ko? May sarili ka ng Tulips Business. Bakit hindi ka na lang doon mag-concentrate?!”
Tumaas ang kilay nito saka nagkibit-balikat.
“Just because I want too. Come on, Amihan, mabait pa nga ako di ba? Kung ako lang, I have all the right to take over Bloom Breeze ngayon pa lang. Pero hindi ko ginawa, because I want to give you chance. I still want to play with you. I’m curious, what will it be like if you beg me.”
Napailing siya. “It will never happen, Chrissy, so keep dreaming. At hindi ako naniniwala sa katwiran mo! Alam ko may hidden agenda ka.”
“Gusto mo talaga ng totoo?! Because I hate you! I hate everything about you from head to toe! And I will not stop until I take everything from you!” gigil na sagot nito.
“What did I ever do to you, Chrissy? As far as I know, hindi kita kilala at walang kahit sino sa pamilya ko ang may koneksyon sa’yo. Kaya hindi ko maintindihan kung anong kinagagalit mo sa akin!”
Hindi na nito sinagot ang tanong niya. Pero bakas sa mukha nito maging sa talim ng tingin na binibigay nito sa kanya ang lalim ng galit nito.
“Bloom Breeze is my Mom’s legacy. She loved this. She worked hard for this. Her memories are here. Magkamatayan na tayo, Chrissy, pero hinding-hindi ko ibibigay sa’yo ang gusto mo.”
Nakita ni Amihan na lalong nanggigil ito sa galit.
“I changed my mind. Hindi na ninety days ang palugit n’yo. Starting today,
you will only have fifteen days! Kapag hindi mo binayaran ang utang ng Bloom Breeze sa akin. Whether you like or not, I will take over Bloom Breeze!” sigaw nito sabay talikod at agad na sumakay ng kotse nito saka pinasibad iyon ng mabilis.
“Chrissy, wait! You can’t do this to me!”
Nanlulumo na napasalampak na lang ng upo sa sahig si Amihan. Nang mga sandaling iyon, napatunayan niya kung gaano kaseryoso ang problemang kinakaharap. Na-realize niya na hindi titigil si Chrissy hangga’t hindi nito naaagaw sa kanya ang Bloom Breeze.
“G-Give me my phone,” halos pabulong na sabi ni Amihan.
“Girl… are you okay?” nag-aalalang tanong ni Vivien.
“Give me my phone,” ulit niya.
Agad itong sumunod. Paghawak niya ng cellphone. Nanginginig ang mga kamay na dinaial niya ang numero ni Migs.
“Hello, ate…” bungad ng kapatid pagsagot. Halata sa boses nito na nagising ito mula sa pagkakatulog.
“Call Alvin Sebastian, sabihin mo pumapayag na ako sa kondisyon niya.”
PASADO limang minuto na ang nakakalipas simula ng matanggap ang text ni Amihan na malapit na daw ito sa opisina niya. Mabuti at katatapos lang din ng kanyang meeting kaya dumiretso na siya sa lobby para sunduin ito.
Agad sumilay ang ngiti sa labi ni Alvin nang makitang pumasok sa entrance door si Amihan. His soon to be wife. She’s ten years older than him. Pero mukha lang silang magkasing-edad. She looks really young for her age. Napansin ni Alvin na lahat ng mga lalaking nadadaanan nito ay lumilingon dito. Gusto tuloy niyang tumakbo palapit para bigyan babala ang mga ito na siya na ang nagma-may-ari sa dalagang iyon. Pero pinigilan ni Alvin ang sarili. Gusto niyang magmukhang propesyunal sa harap nito. Sabagay, hindi rin naman niya masisisi ang mga kalalakihan na iyon. Because Amihan’s face is such a stunner. A show-stopper. Amihan Santillan is half-Filipino and half-Dutch. May pagkakahawig ito sa isang Mexican actress-singer na si Thalia.
Lahat yata ng klaseng damit ay bumabagay at nadadala ng maayos ng dalaga. Today, she’s wearing a casual black, sleeveless dress and paired it with a couple of inches high heeled shoes. And her face, Alvin can just sigh while staring at her beautiful face. Her jewel-like pair of brown eyes matches her arched eyebrows. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pangingitim ng eyebags nito, alam niyang wala pa itong sapat na pahinga. Nang tumawag si Migs sa kanya na tinatanggap na ni Amihan ang kondisyon niya. Nabanggit nito na nasa Netherlands daw ng araw na iyon ang kapatid nito. And it’s only been a couple days, kaya tiyak na wala pa itong maayos na tulog. Her nose is dainty and those lush red lips, minsan iniisip ni Alvin kung ano nga ba ang pakiramdam na mahalikan niyon.
He leaned against the back of the sofa and placed his finger on his lips. Her natural ash brown hair is bouncing and swaying in the rhythm of her perfectly curved body as she gracefully walks towards him.
Huminga siya ng malalim at pinigilan ang mapangiti ng husto. Ayaw ipahalata ng binata na sobrang saya niya. His heart is pounding so hard. Sa lahat ng naging girlfriend at naka-fling niya. Walang kahit isa sa mga ito ang nagpagulo ng damdamin niya gaya ng ginagawa sa kanya ni Amihan ngayon. From the time he first saw her at Migs’ house, up to this moment, she has the only power to make his heart go crazy and troubled like this. Only Amihan Santillan.
“Hi,” bati ni Alvin pagdating nito doon sa kinauupuan niya.
“Hi, sorry I’m late again,” sagot nito na may kasamang matipid na ngiti.
“It’s okay. Mukhang kailangan kong masanay na palagi kang late,” nang-aasar na sabi niya, bago tumayo.
Imbes na sumagot ay sinimangutan lang siya nito. Hindi alam ni Alvin kung bakit naaaliw siya sa tuwing nagsusungit ito. Lalong tumitingkad ang ganda nito
kapag naiinis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang huling pag-uusap nilang dalawa. Aaminin niya, nadismaya siya noong una nang tumanggi ito sa kondisyon na kanyang hiningi. Pero inasahan na rin ni Alvin na sa huli ay babalik din ito sa kanya, at hindi siya nagkamali.
“Dito ba tayo mag-uusap?”
“Ah, no, doon tayo sa office ko, let’s go.”
Saktong pagdating nila sa tapat ng pinto ng elevator ay siyang bukas naman niyon.
“Good afternoon, Sir!” bati ng mga empleyado sa kanya.
“Uwian na? Ingat kayo, ha?” nakangiting bilin niya.
“Thank you po.”
Habang nasa loob ng elevator. Napansin niya na tahimik lang si Amihan.
“Are you okay?” tanong pa niya.
Pinilit ngumiti ng dalaga, pagkatapos ay tumango.
“Medyo inaantok lang, alam mo na, jet lag.”
“Tapos nag-drive ka pa papunta dito?”
“Ah no, actually, hinatid ako ni Lia dito, mamaya susunduin din niya ako.”
Pagdating sa pinakahuling palapag, agad bumukas ang pinto ng elevator. Bumungad sa kanila ang pinto ng pribadong opisina niya. Nadatnan pa ni Alvin ang kanyang secretary doon at ilang empleyado.
“Siya si Mel, ang secretary ko. In case tumawag ka at nasa meeting ako, puwede mong ibilin sa kanya. She can be trusted. Matagal na siya sa akin kaya subok ko na loyalty niya. Mel, meet my fiancé.”