“ANONG ginagawa natin dito sa bahay namin?” nagtatakang tanong ni Amihan. Lumingon si Alvin sa asawa. Kung mag-uusap sila tungkol sa nakaraan nila ni Chrissy, mas gusto niyang kaharap si Hiraya at Himig para may magpatunay sa sasabihin niya. Gusto ng lalaki na makasiguro. Kung mayroon man siyang kinatatakutan, iyon ay ang mawala si Amihan sa kanya. “Gusto kong kaharap ang kambal kapag nag-kuwento ako sa’yo,” sagot niya. “Anong kinalaman ng mga kapatid ko? Talagang kailangan mo pa ng witness? Ano bang malay ko kung magsasabwatan lang kayo!” galit na sagot nito. Habang nasa byahe sila ay hindi siya kinikibo nito at buong sandali itong nakasimangot. “Babe… mga kapatid mo ‘yon, kung may gagawin man akong kalokohan, ako ang u

