HABANG kumakain ng gabihan, laman pa rin ng isipan ni Amihan si Chrissy. Hindi maalis sa isipan niya ang naging reaksiyon nito nang yakapin niya ang asawa. Babae rin siya, at malakas ang kutob niya na may gusto ito kay Alvin. Biglang naputol ang pag-iisip niya nang maramdaman na may humawak sa kanyang kamay. Paglingon, saka nakita ng babae na si Alvin pala iyon. Agad siyang ngumiti dito. “Yes?” tanong pa niya. Bumuntong-hininga ito. “Kanina pa ako nagsasalita ditong mag-isa, hindi mo naman ako pinapansin. Mukhang malalim ang iniisip mo,” puna nito sa kanya. Binigyan niya ng matamis na ngiti ang asawa. “Sorry.” “Tell me, is there a problem?” “Ha? Wala,” mabilis na sagot niya. “Tapos k

