NAPANGITI si Amihan ng makita ang pagbuka ng mga tulips sa farm nila sa Lisse, Netherlands. Gamit ang video call, tinawagan siya ni Vivien para ipakita ang farm nila. Napuno ng saya ang puso niya. Pansamantala ay nakalimutan niya ang gumugulo sa isip niya. Napangiti siya. Her Tulips farm has always been her sanctuary, her kind of heaven on earth. Lalo na tuwing Spring Season, ang panahon kung saan namumukadkad na ang mga bulaklak. Ang iba sa mga ito, bago pa mamukadkad ay na-ship na sa iba’t ibang bansa para i-export. Habang ang iba naman ay binebenta sa iba’t ibang parte ng Netherlands at kalapit na bansa doon sa Europe. At ang ibang bulaklak naman ay hinaharvest nila agad para ma-preserve ang flower bulbs para sa itatanim nila sa darating na Autumn Season. And they call their t

