SPG WARNING CONTENT!!! This chapter contains s****l scenes that is not suitable for MINORS. Please skip this Chapter if you're 18 years old & below. Thank you so much. “YOU WANT to talk about it?” Napalingon si Amihan nang maramdaman niyang bumangon si Alvin at sumandal sa headboard ng kama. Tumingin siya sa asawa. Naroon ang pangungumbinsi sa ekspresiyon ng mukha na sabihin niya kung anong gumugulo sa kanyang isipan. She has nothing but praises about her husband so far. Alvin has been so patience with her. Nakikita niya ang effort to para bigyan siya ng space. Kahit na hindi siya nagsasabi ng iniisip o problema niya. Hindi ito nag-uusisa. Hindi ito nagpupumilit na magsiping sila. Kapag tumatanggi siya ay maluwag nitong tinatanggap. Hindi rin ito

