NAPANGITI si Alvin nang bumungad sa kanya ang masayang atmosphere ng bahay. Mula doon sa sala ay rinig niya ang musika na nagmumula sa nakabukas na pinto ng master’s bedroom. Bukod doon ay maaliwalas ang buong bahay. Alam niyang biglaan ang pagpapakasal nila at aaminin niya na hindi siya handa emotionally. Pero sa tuwing nakikita niya si Amihan. Sa tuwing naiisip niya na ito ang babae ang dadatnan niya pag-uwi. He thought he just made the best decision in marrying her. “Amihan?” tawag niya. Nang hindi sumagot ang asawa ay saka siya umakyat sa taas. Pagdating sa loob, nadatnan niyang nag-aayos ng walk-in closet ang asawa. “Hey busy girl,” bati niya. Agad itong napalingon. Pakiramdam ni Alvin ay tumalon yata ang puso niya

