“ANO, PARE? Hindi ka pa rin ba sasama sa amin?” tanong ni Jon kay Alvin habang palabas sila ng opisina niya, ang isa sa barkada nila ni Migs simula highschool. Nagulat siya nang biglang sumulpot ito doon sa opisina niya pag-alis ni Amihan. “Sabi ko naman sa inyo eh, pass muna ako ngayon. Pare, I’m no longer a bachelor, I’m now a married man. Kailangan kong umuwi, naghihintay si Misis sa bahay.” “Boo! Boring,” biro pa ni Jon dito. Tinawanan niya lang ito. “Just kidding, ‘tol. Alam ko naman na basta si Ate Amihan na ang pinag-uusapan, hindi ka matitinag.” Nakipag-high five siya sa kaibigan matapos marinig ang sagot nito. Malapit na sila sa kotse niya nang biglang lumabas mula sa isang kotse si Chrissy. Natigilan s

