Chapter 40: Motorcycle Racing Hannah Point of View Hindi na ako nagpaalam kina Jaz at Eloisa kundi ay umuwi nalang muna ako sa amin. I want to take a rest from now. Ayokong makita muna si Neithan from now on. At tsaka okay lang naman na mag absent ako dahil hawak ko ang posisyon ng pagkasekretarya dito at nabasa ko sa mga rule na pwede akong umabsent kung kelan ko gusto, pero nakasaad din dito na hindi pwedeng palagi. Nasa harap na ako ng pintuan ng bahay namin nang marinig ko ang usapan nina Kuya Ridge at Kuya Jaylord sa sala. "Jaylord hiramin ko yung motor mo" Sabi ni Kuya Ridge kay Jaylord. "Tsk! Kilala kita kuya, gagamitin mo na naman yan sa racing!" Sabi ni Jaylord sa kanya. "Kahit sa iyo nalang yung prize pag nanalo ako" Aya ni Kuya Ridge sa kanya. "Hindi ko kailangan ng pera,

