Chapter 8 - Revelation

1431 Words
Chapter 8: Revelation Eloisa POV Natauhan narin si Jaz nang panghinaan siya ng loob sa pangbabanta ni Nicky. Hindi na  nito balak pang iwasan si Hannah. Tulad ko ay lalaban na siya at patatatagin na ang sarili at hindi papaapekto. Para sa kanya gagawin namin to anuman ang mangyari. Naglalakad kami papunta sa classroom namin nang- "Eloisa napansin mo ba si Hannah?" tanong nito at napahinto sa paglalakad, ganun din ako. "Ang alin?" Tanong ko sakanya at tumingin ito sa akin. "Alam kong marami ang bumabagabag kay Hannah!" Ganun din naman ang napapansin ko sa kanya pero hinihintay ko lang ang araw na siya ang magtanong mismo sa amin. "Oo alam ko!" sagot ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. "Bakit hindi nalang kaya natin sabihin sa kanya ang mga nalalaman natin!" sabi nito na dahilan para matigil ulit ako sa paglalakad. "Para saan pa Jaz!?" Galit na sabi ko sa kanya. Ayaw kong malaman ni Hannah ang tungkol sa paaralan na to dahil natatakot ako na baka iwan niya kami dito at may mangyari sa kaniyang masama pag nalaman niya ito. Tawagin na nila akong selfish pero ginagawa ko lang naman ito para iligtas siya. "Eloisa hanggang kailan natin itatago sa kanya?!" sumbat nito sa akin. "Jaz napag usapan na natin ito!" Nabaling ang pansin  ko sa mga nagtatakbuhang mga estudyante papunta sa nagkumpulang mga estudyante. "Ano kaya yon?" Tanong ko kay Jaz. "Tara puntahan natin!" wika ni Jaz at naglakad kami papunta doon. Habang palapit kami ng palapit doon ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko na parang kinakabahan ako sa makikita namin. "Excuse me!" wika ni Jaz at sumingit sa kanila, ganun din ako. Nagulat ako sa nakita namin. Isang patay na babae na bumubula ang bibig. Nilason ata ito ng kung sino mang walang awang gumawa sa kanya nito. "Napakasama mo!" sigaw ng isang babae habang iniiyakan ang patay na babae na nakahandusay sa sahig. Tinignan niya ng masama ang babaeng nakatayo malapit sa kanila. Narinig ko naman ang bulungan ng katabi ko dito na magkakaibigan daw ang babae namatay, yung umiiyak at yung isa pang babae. "Dapat lang sa kaniyang mamatay dahil ahas siya! Inagaw niya ang taong mahal ko!" sambit ng nakatayong babae sa kanya "Kaibigan natin siya Vivian!!!" Inis na tugon ng umiiyak na babae. Kinain na siguro siya ng galit kaya naman nakaya niyanb patayin ang sarili niyang kaibigan. Sana hindi niya iyon ginawa. "No she's not our friend anymore Elize!" wika ni Vivian at hinawakan niya si Elize. "Don't you dare to touch me! Kriminal ka!" sigaw naman nito sa kanya na nag patawa naman ng malakas kay Vivian. "Yes I'm a kriminal!" malademonyong tawa pa nito. Mukhang nababaliw na ito. May dumating na isang lalake at pansin kong sinusulyapan siya ng iba. Nagtaka ako kaya sinuri ko ang pangyayari. Nagtaka ang lalaki at napatingin sa babaeng bumubula ang bunganga. Nagulat siya sa nakita nito kaya agad na lumapit siya sa babae tsaka ito napahagulgol at niyakap ito.  Mukhang siya ang rason kung bakit nagawa niyang patayin ang kanyang kaibigan. Hindi ko nalang pinansin iyon at umalis na doon kasama si Jazlene. "Grabe sila no Jaz!" sabi ko sa kanya at tumango ito. "Ikaw ba Eloisa kung ganun ang sitwasyon natin gagawin mo ba ang ginawa ni Vivian?" Tanong nito sa akin. "Oo" sagot ko na ikinagulat niya "Baka hindi lang lason ang abutin mo kundi ibabaon pa kita sa hukay ng buhay!" dugtong ko "Eloisa?" sambit niya ng pangalan ko at mulat na mulat pa. "Just kidding" Natatawang sabi ko sa kanya. Hindi ko kayang gawin ang mga iyon sa kanya no. Mahal na mahal ko kaya ang taong to. Para ko na nga siyang kapatid e. "Grabe ka!" tsaka niya ako pinalo. Naisip ko si Hannah, nasaan na kaya ang babaeng yon? "Tara hanapin natin si Hannah!" wika ko sa kaniya at tumango lang ito. --*-*--   Hannah POV        Ang dami ng mga katanongan ang bumabagabag sa isipan ko. At ramdam kong marami pang susunod. "Hannah andito ka lang pala" wika ni Jazlene at umupo sa tabi ko. "Ano bang ginagawa mo dito sa library?" Tanong ni Eloisa sa akin. Andito ako sa library, nagbabasakaling magparamdam ulit ang multo na yon at baka sakanya ako makahanap ng kasagutan. "Hannah?" Tanong ni Eloisa sa akin na parang kanina pa siyang tanong ng tanong sa akin pero hindi ko napapansin. "Ah sorry" pagpapaumanhin ko sa kanya. "Ano ba kaseng iniisip mo?" Tanong ni Jaz. "Madami" sagot ko at lumabas na ng library. Sumunod naman sa akin sina Eloisa at Jazlene. "Tulad ba ng tungkol sa school na t--" natigilan siya sa pagsasalita dahil tinakpan ni Eloisa ang bibig nito. "Ano bang nalalaman niyo tungkol sa paaralan na to?" Tanong ko kay Jaz. "Wala Hannah" Nakangiting deny ni Eloisa sa akin. "Sige na, please lang, sabihin niyo na! hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" inis na sambit ko kay Eloisa na umiwas ng tingin "It's time para malaman na niya Eloisa!" sabi ni Jaz kay Eloisa. "Ok fine sumunod kayo sa akin!" Sabi nito kaya sumunod kami sa kanya at napadpad kami sa likod ng paaralan na walang tao kaya umupo kami sa bench doon. "Ano bang nasa isip mo?" Tanong nito habang nakatitig sa akin "Ano bang klaseng paaralan ang napasukan ko? Bakit may mga namamatay dito?" sunod sunod na tanong ko   "Good Christian Academy is not like what you expected, I mean, like everyone expected. Sa tingin ng maraming tao sa labas ng campus nato ay maganda ang paaralan nato but they are wrong, kabaliktaran lang ang lahat ng iniisip niyo dahil ang mga tao dito ay may kademonyohan" "Bakit nila tinawag na Good Christian Academy ang school na to kung ganun?" Tanong ko sa kanila "Isang binatang pari ang dating may hawak sa paaralan nato. Siya ay si Father Felix Corpus, matulungin siya at hinahangan ng lahat dahil sa kaniyang taglay na kabaitan. Meron ding mga madre na nagsisilbi sa mga estudyante dito noon. Sikat ang paaralan na to dati at hanggang ngayon ay high standard parin kaya naman maraming mga estudyante ang gustong pumasok dito kahit  malayo ang paaralan nato sa kanilang bahay at dahil pa sa hindi gaano mataas ang tuition fee. Hanggang sa dumating ang araw na umuwi galing sa Spain ang kanyang kapatid na si Madam Evilyn, which is si madam principal, ayon sa sabi sabi malaki ang inggit niya sa kapatid nito simula pa noong bata pa sila" kwento ni Eloisa "Mas lalo siyang nainggit noong nalaman niya noong namatay ang kanilang ama na ipinaman niya ang paaralan nato at ang mga iba pang ariarian nito kay Father Felix Kaya siya umuwi ng Pilipinas" pahayag ni Jaz. "Wala bang nakuhang mana o ari arian man lang si Madam Evilyn?" Tanong ko sa kanya na huminga ng malamin. "Meron din siyang namana pero mas malaki ang namana ni Father Felix kaya diyan nagsimula ang malaking inggit at galit na nararamdam niya. Kaya naman gumawa siya ng paraan upang makuha ang paaralan na ito sa kamay ng kanyang kapatid. Humanap siya ng babaeng magpapatibok ng puso sa kanyang kuya kahit pari ito. Nagtagumpay naman siya nung mahanap niya si Teacher Roxanne na naging isang ganap na guro dito. Pinaibig niya si Father Felix at nagtagumpay naman ito pero hindi inaasahan ni Teacher Roxanne na mahuhulog din ang loob niya sa lalakeng iyon. Kaya nabigo ang plano nila ni Madam Evilyn. At huli na ang lahat ng malaman na ni Madam Evilyn ang namumuong pagmamahalan ng dalawa sa isa't isa. Kumalat sa buong lugar ang balita na pagmamahalan nila kaya naman kinamuhian sila. Pari si Father Felix" mahapang paliwanag ni Jaz at umayos ng upo. "Kahit na madami na ang naitulong ni Father Felix sakanila?" Tanong ko. "Nilason s***h pinaikot lang naman ni Madam Evilyn ang utak ng mga kasama nila non gamit ang mga walang katotohanang s***h fake na mga ebidensya. Kaya naman mabilis nitong napaniwala ang lahat!" sambit ni Eloisa "Nasaan na ngayon sina Father Felix at Teacher Roxanne?" Tanong ko sa kanila "Wala na sila, patay na sila. Pumunta si Teacher Roxanne kay Madam Evilyn noon at nagmakaawang itigil na niya ang planong iyon pero nabigo ito dahil binaril siya ni Madam Evilyn at ipinalabas na iba ang gumawa nito. Nilason rin niya ang pagkain ni Father Felix at ipinalabas na nag suicide ito dahil sa kahihiyan!" sabi ni Jaz. "Wala bang nag investigate tungkol sa nangyari?" tanong ko sa kanila. "Meron! pero wala rin namang nangyari dahil hindi nila alam na kakampi pala nila si Madam Evilyn" - Eloisa "Simula non pinaalis na niya ang mga madre dito at ang tanging mga mayayaman nalang ang nag aaral dito dahil sa laki na ng tuition fee "dugtong pa niya. "Makalipas ng ilang taon ay wala ng balita at natigil narin ang pag iimbestiga ng kasong ito kaya naman hindi na pinag uusapan ito, na para bang bumalik lang sa dati at walang nangyari" wika pa niya Maya maya may dumating na guard ng school na to at aktong magtatago na sana kami pero wala na kase nakita na niya kami. "Kayo na naman!" wika ng guard na napakunot ang noo. "Chill lang po manong guard aalis na kami" Nakangiting wika ni Eloisa sa kanya "Oh siya bilisan niyo na!" Wika nito kaya naman umalis na kami agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD