Chapter 9: The Last
Kenneth Han's POV
Kauuwi ko lang galing sa office ni Dad. Hindi kami sabay umuwi dahil nauna pa ito kanina.
"Hi Kuya" Bati sa akin ni Jaylord habang nakahawak ng cookies na pinabili niya sa akin kanina habang nasa biyahe pa ako. Mahilig kasi siya sa mga cookies kaya naman palagi siyang nagpapabili sa amin ni Dad pag uuwi kami galing sa work.
"Andito na ba si Dad?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng tubig sa ref.
"Wala pa, sinundo niya pa ang kambal dahil matatagalan daw sila sa pag uwi dahil sa schedule nila" sagot nito habang ngumunguya ng Cookie
"Si Kuya Clifford at si bunso nasaan?" Tanong ko sa kanya nang biglang bumukas ang pinto at lumabas dun si Kuya Clifford na nakangiti.
"Wah ganda araw ah?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo" wika nito na mas ikinalawak ng ngiti nito. Ano kaya ang nangyari at mukhang masaya ngayon si Kuya. Hindi naman sa ngayon lang siya ngumiti pero kasi kakaiba ang mga ngiti niya ngayon.
"Andiyan na sila" Jaylord at pumunta sa sala ganun din kami ni Kuya Clifford.
"Dad cookies ko?" Tanong ni Jaylord kay Dad. Ngumiti si Dad at inabot ang isang supot na may lamang mga cookies.
"Si Hannah?" Tanong ni Dad sa amin
"Wala pa siya Dad" sagot ni Jaylord Kay Daddy.
Iniwan ko na muna sila doon at pumunta sa kwarto ko at magpapalit muna ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako at naabutan ko naman sila sa sala
"Anong meron" Tanong ko sa kanila dahil nakaayos parin sila ng damit hanggang ngayon. Biglang may nagdoorbell kaya binuksan ito agad ni Nanay Imelda.
"Attorney tuloy po kayo" wika ni nanay Imelda at pinapasok ang bisita ni Dad.
"Musta na kuya!" pangangamusta ni Dad sa kaniya sabay yakap niya dito. Sino siya?
"Ok lang naman sila na ba ang mga anak mo?" Tanong nito kay Dad na tumango lang.
"Hello po, I'm Clifford ang panganay sa aming magkakapatid" pagpapakilala ni Kuya at nakipagshakehands.
"Heto naman si Kenneth Hans, pangalawa sa magkakapatid at ang mga aking kambal, sina Ridge Kane at Xavier John, sila ang pangatlo" pagpapakilala sa amin ni Dad.
"Binata na sila ah at ang gwagwapo, manang mana sayo" puri nito na ikinalawak naman ang ngiti ni Dad. Bumaba narin si Jaylord galing sa kwarto nito at lumapit sa amin.
"Ito naman si Jaylord, ang pang apat kong anak" patuloy ni Dad at umupo naman si Jaylord sa sofa at ganun din ako.
May biglang nagdoorbell at siguro si Hannah na iyon kaya agad naman na binuksan ni Nanay Imelda ang gate kaya ipinasok na ni Hannah ang sasakyan. Tsaka dumeretso dito.
"My princess come here" wika ni Dad Kay Hannah at lumapit naman ito
"This is the youngest and the only girl of your family?" Tanong ng Attorney kay Dad.
"Yes this is Hannah Lyn Riley Emmerson" pagpapakilala ni Dad kay Hannah kaya lumapit ito sa kanya.
"Dad who is he?" Tanong ni Hannah kay Dad.
"Ah oo nga pala hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo at tanging si Clifford lang ang nakakakilala sa akin dahil medyo matagal tagal narin akong hindi bumisita sa inyo. Naalala ko nung huling dalaw ko sa inyo ay bata palang si Clifford non" wika nito "I'm Attorney Lukas, kapatid ng Mama niyo" dugtong nito kaya napayakap si Hannah Kay Attorney.
"Mana ka talaga sa mama mo, malambing" Nakangiting wika ni Dad kay Hannah at napatawa si Attorney.
"Oo nga eh kamuka pa niya" dagdag pa ni Attorney at ginulo ang buhok ni Hannah.
"Oo naman Tito"
"Tara na kain na tayo nakahanda na ang mga pagkain sa kusina" yaya sa amin ni Nay Imelda.
Pumunta kami sa kusina para kumain at nang natapos na ay pumunta na si Hannah sa room niya para magpalit at ganun din sina kambal at Jaylord. Naiwan kaming apat sa kusina na nauusap.
"Ok na ba si Hannah?" Tanong ni Attorney kay Dad. Simula kase noong namatay si mom hindi na naging ok si Hannah. Sa aming magkakapatid si Hannah ang sobrang naapektuhan sa pagkawala ni mom. Naalala ko pa nga noon na muntik na siyang masagasahan ng kotse dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ni mom at buti nalang nakapreno kaagad ang nagmamaneho ng sasakyan na iyon.
Isang mahusay na agent si Dad at marami na siyang napabagsak at nagtagumpayang misyon. At tanging may isa nalang siyang hindi nasosolusyunan . Kaso marami rin ang kapwa niyang agent na gustong pabagsakin ang puwesto ni Dad dahil siya kase ang pinakahighest na ranko ng isang agent. Isa namang mahusay na Investigator si mom. Magkasabwat sila ni Dad sa pagsugpo sa isang kaso na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagutan at dahilan ng pagkamatay ni mom. Sinisisi ni Hannah ang sarili niya dahil nagpumilit siya na pumunta sila sa mall. Ayon sapagkakaalam ko pauwi na sila Clifford, Hannah at mom galing sa mall ng nakakuha si mom ng isang matibay na ebidensiya sa kasong ito ng nagtago sila sa likod ng kotse at ivinideo ang pinaguusapan ng dalawang magkasabwat na lalake hanggang sa bumahing si Hannah ng malakas kaya narinig nila ito at nahuli nila si mom, Hannah at si Clifford at dinala sa isang gusali at doon ikinulong. Nakagawa naman ng paraan si mom para makatakas sila pero nahuli siya ng mga nagbabantay sa kanila kaya tanging sina Clifford at Hannah lang ang nakatakas dahil isinakripisyo ni mom ang buhay niya para sa kanila at huli na ng malaman ni Dad ang nangyari kaya ang naabutan nalang namin sa gusali na iyon ay si mom na nakahawak sa kanyang puso na natamaan ng baril at kasama ang iba pang mga tauhan na pinatay ni mom. Lumaban siguro si mom sa kanila pero hindi niya ito kinaya dahil sa sobrang dami nila. Inisip ni Hannah na sana kung hindi siya nagpumilit baka buhay pa ngayon si mom
"Sa ngayon oo pero ramdam ko parin ang kalungkutan na nararamdam nito" pahayag ni Dad.
"Dad puntahan ko lang ang mga kapatid ko" tumango lang aiya bilang tugon.
Lumabas ako sa kusina at hinanap si Hannah at nakita ko siya sa labas ng bahay na nakaupo sa gilid ng swimming pool at nilalaro nito ang paa niya sa tubig. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi nito.
"Oh kuya andito ka pala" wika nito nang mapatingin sa gawi ko pagkatapos ay ibinalik din agad ang tingin sa mga bituin sa langit.
"May problem ba bunso?" Tanong ko sa kanya at tumingin naman ito sa akin.
"Wala kuya" deny nito sa akin na kahit hindi niya sabihin nararamdam ko ito.
"Kilala kita bunso ano yon?" Tanong ko sa kanya at huminga naman siya ng malalim
"Naalala ko lang si mom" pag aamin nito. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mukha "Naalala ko ang sinabi niya na pag malungkot ka daw tumingin ka lang daw sa bituin at gagaan ang pakiramdam mo" wika nito at tumingin sa akin at ngumiti
--*-*--
Hannah's POV
Hindi ko inakala na may ganun palang nagaganap sa pinasukan kong school. Hindi ko kayang sabihin sa mga kapatid ko at pati narin kay Dad ang nalalaman ko tungkol dito dahil ayokong madamay pa sila.
"Wow huh ang daya niyo, di niyo ako ininform" singit ni Xavier sa amin at umupo sa tabi namin ni Kuya Hans.
"Ako din sali" Nakangiting sambit nina kuya Jaylord at kuya Ridge sa amin. Wala namang bonding ang nagaganap ah.
"Ba't di niyo ako inimbitahan may bonding pala tayo ah" Galit na wika ni Kuya Clifford palapit sa'min at itinulak niya kami sa swimming pool.
"Kuyaaa!!!" Galit na wika namin sa kanya at tumawa naman ito. Namiss ko ang asaran naming magkakapatid.
"Dapat sali ka rin dito para parepareho tayong basa" sambit ni Kuya Hans kay Kuya Clifford na tumatawa.
"Ayoko nga!"s ambit nito kaya naman hinila ni kuya Hans si kuya Clifford na napatawa ng malakas.
"Night Swimming tayo?" Tanong ni Jaylord sa amin.
"Oo" sang ayon naman ni Xavier.