Chapter 10 - T-shirt

1548 Words
Chapter 10: T shirt Jazlene's POV Sa wakas nasabi na namin kay Hannah ang lahat. Naiintindihan ko naman si Eloisa kung bakit ayaw niya  sabihin nung una ang tunfkol don eh. Pero mas mabuting malaman na niya kesa naman malaman ni Hannah ang mga kasagutan sa tanong niya sa iba na mas lalo lang niyang ikapapahamak. Bakit ba andito pa kami sa school na to? Bakit hindi nalang kami umalis? Yan din ang katanongan ko dati sa aking sarili na ngayon ay alam ko na ang sagot. Ang mga estudyante dito ay gustong gusto nang lumayo dahil naiipit na rin sila sa sitwasyon namin dito sa paaralan na ito, tulad rin namin, pero hindi nila iyon magawa dahil natatakot sila na kapag magtransfer sila ay bangkay ang aabutin nila. Gaya nung isang babaeng noon na nagbalak na magtransfer, pero hindi iyon natuloy dahil namatay siya kasama ang pamilya nito. Hindi man nila sabihin kong sinong pumatay pero alam na namin kung sino ang mga possibleng gagawa non. At nandito lang naman sila sa GCA. Madaming mga inosenteng tao na gustong mabuhay ng tahimik pero ngayon ay nakakulong sila sa madilim na paaralang ito. Pare pareho kami, dati sobrang saya namin ni Eloisa dahil makakapag aral kami dito pero nang magtagal, nalaman namin ang nasa likod ng paaralan na to pero wala kaming magawa dahil baka mamamatay lang kami sa pag attempt. "Jazlene nakikinig ka ba?"  Jazlene na kanina pa ata nagsasalita pero hindi ko napapansin. "Huh ano yon?" "Nakakainis ka nasayang lang ang laway ko sa kasasalita dito, ni kahit isa wala ka man lang ata narinig!" Wow huh pati narin pala laway nasasayang ngayon hahahaha, naman Eloisa "Sus ano ba iyon?" Tanong ko sa kanya. "Wala!" tsaka niya  pinaikot ang kanyang mga mata. Ang bilis naman niyang magtampo pero OK lang lilipas din yun. "Galit na naman siya" "Hindi ako galit!" Sigaw nito. "Ay may daga!" Nagulat siya sa sinabi ko kaya naman napaupo ito sa table niya at itinaas ang mga paa.  Tsk parang bata. "Nasaan ang daga at papatayin ko!?" matapang na wika nito "Wala biro lang bati na tayo?" "No!" "Daga andito si Eloisa oh nagtatampo" biro ko sa kanya "You shut up!" "Ouch sakit naman non" pa epal na singit ni Ms. Lopez. Kahit kailan talaga ang babaeng ito paepal noh! Inirapan nalang namin siya at ibinaling sa iba ang tingin. "Wala pa ba si Hannah?" Tanong nito sa akin "Good morning!" Nakangiting wika ni Hannah na kararating bago lumapit ito sa amin. "Anong maganda sa morning?" Tanong ni Eloisa "Siyempre ako!" Proud na sabi ko. "Talaga lang huh!" Paepal ng isang kaklase namin "Bakit papalag ka?" tinaasan ko siya ng kilay at nakangiting umiling lang ito. Umayos  kami ng upo dahil andiyan na si Teacher Garcia, our homeroom and English teacher. "Good morning" bati ni ma'am at bumati din kaming lahat sa kanya "Are all of you present?" "Yes ma'am" wika ko sa kaniya at napatingin naman lahat sa akin ang mga kaklase ko. "What?" Tanong ko kay Eloisa na napatawa "Girl wala pa si Neithan hindi mo ba talaga alam? Kaharap mo pa nga upuan niya eh. Tignan mo o vacant seat" Pang aasar sa akin ni Eloisa "Nevermind!" Bumukas ang pinto at pumasok mula sa labas si Neithan. Ang gwapo niya nakaka addict! "OK class, yesterday the faculty and staffs of GCA  talked about choosing the official officers for every section. Sa ngayon naiba na ang patakaran hindi na students ang pipili ng magiging officers kundi kaming mga guro ninyo." paliwanag ni ma'am sa amin. "What do you mean ma'am?" Tanong ni Ms.Lopez kay Teacher Garcia. "President and Vice president lang ang kukunin in every section" "Nakapili ka na po ba ma'am?" Tanong naman ng kasama nito "Yes at ang napili ko for the position of President is.... Mr. Neithan Luke Fostanes" Nakangiting wika nito Si Neithan ang napili bilang President, well hindi na kami maninibago kase dati pa lang siya na ang vinovote ng mga kaklase namin pero tinatanggihan niya lang ito. At inaasahan ko nang siya nanaman ang mapipili. "Sino po ang Vice president?" Hindi makapaghintay na tanong nito. "For the position of Vice president I'll choose Ms. Hannah Lyn Riley Emerson" "Ano!" Galit ni Michelle Lopez. "Do you have problem to that MS!" "Bakit siya?" -Michelle. Talaga tong babaeng to napakakrontrabida ang sarap niyang sakalin eh kanina pa siya nag iinarte diyan! "Cause she deserves it, maganda ang performance niya, same goes to her grades in every subject!" "Bakit hindi niyo tanongin si Neithan about this?" utos nito. Akala mo naman kong sinong makapag utos ang babaeng ito "Mr. Neithan do you have problem with the chosen vice president of the class?" Tanong ni Ma'am at napatingin naman si Neithan kay Hannah na katabi lang niya ng upuan. "No, it is fine" sagot ni Neithan na ikinalaglag ng panga ni Michelle Yes pumayag siya! proud bestfriend here! ..... Hannah Point of View Natapos na din sa wakas ang klase namin at ngayon ay breaktime na. Andito na kami sa Cafeteria kasama ko sina Eloisa at Jazm "Ang swerte mo Girl!" wika ni Eloisa. "Anong maganda don?" sumbat ko. "Girl makakasama mo si Neithan hindi ka ba masaya?" Tanong ni Jaz at sumubo ng pasta. "Why should I?" Tanong ko sakanila. Bakit naman ako magiging masaya dahil lang makakasama ko ang Neithan na yan. "Ngayon lang tinanggap ni Neithan ang posisyon niya at tsaka hearthrob kaya siya!" -Jaz "Gwapo niya!" Tulalang wika ni Jaz habang nakatingin sa likod ko, hindi ko nalang siya pinansin at kumain na. "Are you done?" Nagulat ako sa tanong ni Neithan. Mukhang kanina pa siya nandiyan o kaya ay kararating lang. "H-huh bakit" Hindi ko siya matignan ng deretso kase nga baka mamukhaan niya ako at malaman na ako yung babaeng nakamascara. "We'll have a meeting, come with me" utos nito at nauna nang naglakad at ako naman ay nasa likod lang niya. Medyo malayo narin kami mula sa classroom. Habang naglalakad kami naramdaman ko ang pagbagsak o buhos ng malamig na tubig sa akin kaya basang basa ako. "s**t!" Napamura ako at tumingin sa itaas at nakita ko ang isang timba na may tali. Nauna naman si Neithan kesa sa akin sa paglalakad ba't ako ang nabuhusan ng tubig? I think they plan na buhusan ako ng tubig. Isa itong patibong ni Nicky. Napahinto si Neithan sa paglalakad at napatitig sa akin. "Kainis!" mahinang wika ko. Wala akong extra na damit so paano na ba yan, si Jaz kaya baka meron. Napatingin naman ang ibang estudyante sa akin na tumatawa. Tinitigan naman ni Neithan ang mga babaeng iyon kaya naman napahinto sila sa pagtawa at umalis. "Hindi ka ba magpapalit?" Tanong nito sa akin at aktong aalis na sana nang magtanong ulit ito. "Saan ka pupunta?" "Kina Jazlene hihiram ng----?" "Stay here and wait me!" utos nito at umalis. Saan kaya yon pupunta? Hinintay ko nalang ito. Giniginaw narin ako, buti nalang andiyan na siya. "Suotin mo to" inabot niya sa akin ang T-shirt. Inabot ko yun agad at tumalikod na't nagmadaling pumunta sa Cr dahil kanina pa ako giniginaw. Pumasok ako sa cubicle at isinuot iyon, paglabas ko humarap ako sa salamin at kasya naman sa akin yong damit medyo maluwag lang hindi na ako nagpalit ng aking palda dahil hindi naman nabasa ito tanging damit ko lang. Hindi naman masyado madami ang ibinuhos na tubig sa akin. Basa ang eyeglasses ko kaya pinunasan ko nalang ito at ang buhok ko na basang basa kaya naisipan ko nalang na ilugay. Wala akong suklay kaya ang kamay ko nalang ang pinagsuklay ko sa'king buhok. Lumabas na ako sa Cr at nagulat ako "Ang tagal mo!" Inis na wika ni Neithan habang nakatitig sa suot kong damit niya at naglakad na patalikod. Sumunod naman ako sa likod neto Habang naglalakad kami napansin kong nakatitig lahat ng mga nadadaanan naming estudyante sa akin na para bang matutunaw ka sa titig nila. Nang bigla akong hangarin ni Nicky at ang mga alalay niya. "Ano bang problema mo" inis na Tanong ko sa kaniya "Don't you dare use the---" Natigilan siya ng bigla akong hilahin ni Neithan  hawak ang kamay ko na ikinagulat naman ni Nicky at ang lahat ng estudyante doon. Ano bang problema nila. Sa wakas ay nakarating narin kami sa meeting pero hawak hawak pa din niya ang kamay ko. Gusto ko nang taggalin ang pagkakahawak niya pero mas lalong humigpit ang paghawak nito. Madami na ring mga officers na mga representative sa kani kanilang section. Pumunta kami sa harap at umalis naman ang dalawang estudyante doon kaya umupo na rin kami. Natapos na ang meeting kaya naman pumunta na ako kina Jaz at nakita ko sila sa Bench na nakaupo malapit sa classroom namin. Napatulala silang dalawa sa akin. "Andito pala kayo" wika Ko. "Hannah anong ginawa niyo ni Neithan" Tanong ni Jaz na nakatitig sa damit KO. "Wala namang masyadong nangyari" wika ko mas ikinagulat nito. "Hannah ok lang sa amin kong sabihin mo na ang nangyari? Buntis ka ba?" Seryosong tanong ni Eloisa sa akin. "What the heck anong pinagsasabi mo?!" Anong bang pinagsasabi ng mga to. Anong pumasok sa mga kokote nila at kung ano ano ang pinagtatatanong. "Ba't ganyan ang suot mo at nakalugay ka aber?! para kang ginahasa. Ang luwang luwang ng damit mo at magulo gulo pa ang buhok mo!" Sabi nito at nakataas pa ang mga kilay. Sinabi ko naman sa kanila ang nangyari at kinilig naman sila. What the heck ano ang nakakakilig don! "Ang swerte mo girl sa lahat ng babae dito sa campus at gustong gusto si Neithan, alam mo bang ikaw lang ang unang babae sa school nato ang nakapagsuot na ng damit niya? Wala pang nakasubok na suotin ang damit niya maliban sayo" Wika nito at pinaa palo palo ako. Ang sakit! "Bakit mo naman nasabing damit niya ito eh plain white T-shirt lang naman!" "Tumalikod ka nga Hannah" utos nito sa akin kaya tumalikod ako at binasa nila ang nakaprint doon "Neithan Luke Fostanes baby!" Wika nilang dalawa na ikinagulat ko, kaya pala ganun nalang makatitig sa akin ang mga estudyante kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD