Chapter 11 - The Dog
Neithan Point of View
Ano ba ang pumasok sa utak ko at pumayag ako na maging president sa section namin? Dati naman nila ako binoboto pero tinatanggihan ko naman.
"Hey! did you saw Hannah?" Tanong ko sa katabing upuan ni Hannah sa meeting kanina.
Nasa meeting padin kami pero bigla nalang ito nawala. Saan kaya nagpunta ang babaeng yon?
"Umalis na siya kanina pa akala niya siguro tapos na ang meeting" Sagot nito.
Hinanap ko nalang si Hannahb hanggang sa napadpad ako sa kinaroroon niya kasama ang mga barkada niya.
"Andito ka lang naman pala!" wika ko at napatingin naman ito sa akin pati ang dalawa niyang kaibigan.
"Tapos na naman ang meeting diba?"
"Who told you?" Tanong ko sa kanya at lumapit sa kinatatayuan nito.
"Yung katabi ko kanin----" Natigilan ito sa pagsasalita dahil hinila ko nanaman siya at nagtungo na papunta sa meeting.
Medyo malapit narin kami sa room kung saan magaganap ang meeting kaya binitawan ko na ang paghawak sa kamay nito. Tahimik lang naman ito sa paglalakad
Malapit na kami nang may nakabangga sa akin na babae na may hawak na juice kaya nabuhusan ang damit ko.
"Oh s**t!" Napamurang bigkas ko.
"Sorry! Sorry!" Paulit ulit na paghingi nito ng tawad habang pinupunasan nito ang damit ko gamit ang panyo niya.
"Stop it!"
"Sorry di ko sinasadya" paghingi niya ulit ng paumanhin at yumuko ito.
"It's OK just go!" inis na wika ko sa kanya at nagmadali naman itong umalis.
Tinanggal ko nalang ang black blazer na suot ko kaya naka white longsleeve nalang ako. Napansin ko na nakatingin si Hannah sa akin kaya nagbawi ng tingin na naman ito.
"Hindi pa ba tayo pupunta sa meeting? late na tayo" Pagpapaalala niya sa akin at nauna nang naglakad.
Pagpasok namin sa meeting nakatitig na naman ang mga ito sa amin at yung iba ay nagbubulungan lang. Hindi ko nalang ito pinansin at nakinig nasa itinuturo ng professor.
"All the officers should do his/her duty in the school and yes lahat kayo ay may naka assign na gagawin....... Prof. Chelsie will give distribute this papers, dito nakasulat kung saan kayo naka assigned"
Iniabot nasa amin ang papel at agad ko naman na binasa ang nakasulat.
"Anong naka assigned sa atin?" Tanong nito kaya binigay ko ang papel at agad niyang binasa ito.
"We are assigned to guard the late students and also for the students who will do cutting classes"
Sa dinami dami ng estudyante dito kami pa talaga ang naka assigned niyan.
"Not bad" Sambit nito
"Prove that you can do your duties because next week we are going to elect the new officers for the campus".
"The meeting is done. You may now go back to your classes"
Tapos na ang meeting kaya naman umalis na kami doon at babalik nasa classes namin but I think hindi na kami aabot kase 15 minutes na lang matatapos na. Biglang sumulpot sa harapan namin si Calix.
"Neithan!" Tawag nito habang nakatingin kay Hannah.
"Mauna na ako" Pagpapaalam ni Hannah at tumango naman si Calix kaya umalis na ito.
"What?!" Tanong ko kay Calix. Iba kasi kung makatingin. Nakakainis!
"May ginawa ka ba sakanya?"
"Ano naman kung meron?"
Wika ko na ikinagulat niya.
"So totoo nga ang nabalitaan KO!"
"Ano namang nabalitaan MO?"
Tanong ko at naglakad ganun din siya.
"Usap usapan dito sa campus na may nangyari daw sa inyo ni Hannah!' Sambit nito na ikinagulat ko.
" What the heck are you talking about?"
"Akala ko ba alam mo?"
"Wala kaming ginawa ni Hannah. What I told you kanina ay umattend lang kami sa meeting at yon ang sinasabi kong ginawa namin!!"
"Chill lang bro ok lang yon!" Nakangiting wika nito sa akin "Tanong ko lang huh ba't wala ang blazer na suot mo at nasa kay Hannah ang damit mong T shirt? siguro nagmamadali kayo no?"
What the heck ang dumi ng utak ng kausap ko.
"Tumatanaw lang ako ng utang na loob sa kanya dahil tinulungan niya ako non!"
"Are you sure bro?" hindi naniniwala na wika nito kaya naman binatukan ko ito at napatawa naman siya ng malakas.
Biglang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at inanswer ang call ni Ate Angelica na pinsan ko.
"Hello Neithan sunduin mo nga si Gin sa Bar naglalasing na naman yon!" nag aalalang utos nito sa akin.
"Sige"
Binaba ko na ang phone at hindi na nagtanong pa dahil alam ko na ang tinutukoy nitong lugar.
"Tara!" Aya ko kay Calix at tumango lang ito.
Kinuha ko ang sasakyan ko sa parking area ng school at pinaandar na. Hayst! palaging naglalasing si Gin, ang pinsan kong ma problema sa love life.
Madali kaming nakarating doon dahil sa bilis kong magmaneho. Agad kaming pumasok sa loob ng bar at hinanap si Gin.
"Chix bro!" Bulong ni Calix sa akin habang may papalapit na babae sa amin.
"Hi!" Bati nito.
Hindi ko nalang siya pinansin at hinanap si Gin. Hindi ko alam na nakasunod pala ang babae sa akin.
"Can you please stay away from me!" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Come on Neithan!" Wika nito at humawak sa balikat ko na agad ko namang tinanggal.
That jerk! Nakakainis tong babaeng to. Paano niya nalaman ang pangalan ko. Iniwan ko nalang ito dahil nahanap ko na ang table ni Gin na mag isa lang.
-*-*-
Hannah Point of View
Kakauwi ko lang galing sa school at naabutan ko si Kuya Ridge sa sala na may nilalaro sa phone nito.
"Mag isa ka lang Kuya?"
"Wala silang lahat, umalis" wika nito habang nakatitig sa nilalaro nito.
Pumunta na lang ako sa room ko at nagpalit na ng damit. Inayos ko rin ang buhok ko at tinanggal na ang eye glasses ko at bumaba.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.
"Wala"
"Ba't ka nakaayos?" Tanong nito.
"Masama ba ang mag ayos?"
"Tsk! Kong nagbabalak kang lumabas wala kang gagamitin na sasakyan nagamit na lahat!" Pagpapaalala niya sa akin.
Oo nga pala wala si Kuya Hans at Dad nasa work sila at si kuya Clifford ay nasa Hospital pero asan ang dalawa?
"Sina Kuya Xavier at Jaylord?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan ko!" Hindi rin niya alam kong saan nagpunta ang dalawang iyon
"May alam akong gagamitin natin na sasakyan" Nakangising dugtong nito.
"Sasama ka?"
"Oo just wait!" Umakyat na ito papunta sa room nito at nagpalit.
Ang tagal naman niyang magbihis!
"Tara" sambit nito pagkababa na ng hagdan tsaka kami nagtungo sa garage at nakita namin doon ang isang motor.
"Yan ang gagamitin natin?"
"Oo kay Jaylord to"
"Mapapagalitan tayo sa kanya"
"Iingatan naman natin to at tsaka ako nang bahala"
Sumakay ito sa motor at pinaandar.
"I will be the one to drive"
"Wag na ako na" Hindi ko nalang ito pinansin at sumakay na sa motor.
"Helmet mo!" Inabot niya ito sa akin at isinuot ko naman ito agad. Binuksan ni Yaya ang gate at pinaharorot naman na ang sasakyan
"Adventure" Nakangising wika nito habang nagdridrive.
"May drivers license ka ba?"
"Wala"
"Ako na nga ang magdrive baka mahuli pa tayo"
"Biro lang meron ako noh!" Natatawang wika nito at pinatakbo ito ng mabilis.
Sanay na ako sa pagdridrive niya ng mabilis dahil siya pa nga ang nagturo sa akin. Sumali narin siya sa Car racing sa Canada at nanalo naman ito dahil sa kahusayan.
"Where are we going?" Tanong ko sa kanya dahil ibang daan na ang tinatahak namin.
"Party!"
Alam kona agad ang iniisip niya.
"I know what you're thinking Kuya huwag mo ng ituloy"
"It would be fine!" Hininto niya ang sasakyan sa isang bar.
"Isusumbong kita Kay Dad!"
Pagbabanta ko sa kanya.
"Inom lang naman tayo ng kunti" aya niya.
"I don't drink!"
"Sus nakainom kana kaya"
Oo nga pala nakainom na ako dahil may problema ako nung araw na iyon.
"Whatever" Tinalikuran ko siya at nakita ko ang isang mabalbon; maputi at maliit na aso.
Ang cute niya gusto ko siyang ampunin. Linapitan ko ito at binuhat.
"Hanna tara na pumasok na tayo" aya ni Kuya sa akin at humarap naman ako sa kanya at napatingin ito sa hawak kong aso.
"Ilayo mo nga yang aso na yan kung hindi papatayin ko yan!"
Takot si Kuya Ridge sa aso. Kaya naman never pa kaming nagkaroon ng aso sa bahay namin.
"Ang cute kaya nito ano kayang pangalan niya?" Napaisip ako ng saglit "Alam ko na, ang itatawag ko sa yo Cutie!" Sabi ko sa asong hawak ko. Sana akin nalang to!
"Bitawan mo nga yan baka kagatin ka pa niyan magkakarabis ka pa!" Inis na paalala nito kaya lumapit ako sa kanya kasama ang asong hawak ko at umatras naman ito, napatawa nalang ako sa reaction niya.
"Hannah!!!" Napasigaw naman ito.
Natigilan ako sa pang aasar sa kanya nang biglang nagmamadaling nagsisilabasan ang mga tao sa loob ng bar.
"Anong meron?" tanong ko sa isang babae na malapit sa amin.
"May nag aaway sa loob" wika nito at tumakbo na paalis. Bigla namang tumalon si Cutie kaya nabitawan ko ito. Nagderetso siya sa loob ng Bar.