Chapter 12: The Fighters
Ridge POV
Naiinis ako sa asong hawak ni bunso na pinangalanan pa niyang cutie e hindi naman sa kanya ang aso na yon.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya dahil aktong papasok na siya sa loob ng bar pero pinigilan ko ito.
"Si Cutie pumasok sa loob baka mapano siya don!" Nag aalalang sagot nito.
"Hayaan mo na yon! Hindi naman sayo ang aso na yon ah!"
"Kuya kawawa si Cutie baka madamay siya doon" inis na wika nito.
"Uuwi na tayo baka mapahamak pa tayo diyan!"
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at pumasok na sa loob. Ang kulit naman niya. Ako naman kase ang may kasalanan kung bakit kami andito. Hayst! lagot ako kay Dad pag may nangyari kay bunso. Hindi ko nagawang pigilan siya kaya sinundan ko nalang ito.
Pagkapasok ko ay - "Kuya!"
Bigla niya akong hinala at nagtago sa likod ng mesa doon.
"Ba't ka pumasok dito?!" Bulong nito sa akin.
"Lagot ako kay Dad pag napahamak ka"
Isinuot ko ang red mask ko dahil mapapaaway ako. Okay lang naman since matagal tagal narin akong hindi napapa away.
"Anong ginagawa mo?"
"Mapapalaban tayo ayaw mo ba yon?"
"Ako pa!" Wika nito at isinuot ang black mask niya.
Lahat kaming magkakapatid ay merong kanya kanyang maskara pero iba iba ang kulay. Kay Hannah black, sa akin at ng kambal kong si Xavier ay red, si Jaylord naman ay dark blue. Kina Kuya Clifford at Hans ay itim na natatakpan ang buong muka at tanging mata lang nila at bibig ang nakikita.
Biglang tumayo si Hannah at umupo sa mesa kaya naman napatingin sa kanya ang mga may hawak ng baril kaya ako naman ay lumipat ng mesang pinagtataguan at siniguradong walang nakakita o nakaramdam man sa akin.
Sumilip ako at nakita ko ang mga grupo ng lalakeng naka cap at may hawak hawak na mga armas nito. Napansin ko rin na may tattoo sila sa braso na eagle. Ano kaya ang ibig sabihin ng tattoong iyon.
"Nice to see you again!" Nakangising wika ng isang lalake kay Hannah.
Ano ang ibig niyang sabihin? Nakaaway o nakabangga na ba ni Hannah ang mga yan?
"Hindi ko ikinatutuwa na makita kayo dahil gaya padin ng dati wala parin kayong pinagbago"
Tarantado yong mga lalake na yon ah. Nakatitig sila sa legs ni bunso, wala naman akong magagawa naka short kase ito at naka T-shirt. Lahat ng mga damit at gamit niya ay puro mga black pati rin theme ng kwarto nito ay black.
Ang daming naaattract sa kanyang mga lalake dahil maganda at sexy si Bunso. Hindi nila alam na namana niya ito sa Kuya niyang gwapo. At walang ibang nilalang yun kundi ako! At dahil don ay marami narin siyang pinaiyak na mga lalake.
"Buti naman at nagpakita ka ulit sa amin" wika ng isang lalakeng pinagmamasdan ang hawak niyang baril.
"Bakit naman ako magtatago?" Wika ni Hannah.
"Sana hindi ka nalang nagpakita dahil ngayon sisiguraduhin namin na mamamatay kana!"
Itinutok nilang lahat ang baril nila kay Hannah at aktong babalirin na sana siya pero nagpakita ako kaya napatigil ang mga ito.
"Subukan niyo siyang barilin at ipinapangako ko na mapapaaga ang pamamaalam niyo!!"
Wika ko na ikinatawa nila.
"HAHAHA. Oh boy mag isa kalang at marami kami dito, kaya mo?"
Natatawang sabi ng isa sa kasamahan nila.
"He can!! nakaya ko pang talunin kayo ng mag isa dati, siya pa kaya!" Inilabas ni Hannah ang baril niya sa bulsa nito na ibinigay ko kanina at pinaputokan ng sunod sunod ang mga ito at ganun din ako.
Pinaputok rin nila ang mga baril nila sa amim pero huwag sila, we are well trained. Hindi lang kami ang lumalaban sa kanila dahil may kasama din kaming isang lasing na lalake at kasama nitong estudyante.
Maraming natamaan sa mga kasamahan ng lalakeng naka cap dahil sa pagbaril namin.
"Wala na ba kayong bala?" panga asar ko sa kanila pero bigla nilang inilabas ang mga kutsilyo nila.
"Wala na nga kaming bala pero may armas padin kami!" Nagmamatapang na sagot ng isang lalake.
Linapitan ko si Hannah sa kinatatayuan niya at napalapit din ang mga kasama naming lalake na Neithan daw ang pangalan. Narinig ko lang kanina. He is handsome, pero pala away naman ata.
"Ilayo mo muna siya dito Calix!" Utos ni Neithan kay Calix daw na inaalalayan ang lasing nitong kasama kaya agad naman itong sumunod sa sinabi niya.
"Takot ba kayo?!" Wika ng naka cap na lalake.
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya? Pwes, ipapakita ko sa kanila kung sino ako!
"Dapat ba kaming matakot? Sa pagkakaalam ko kayo dapat ang matakot ngayon" pagbitiw ko ng salita sa kanila na ikinalaglag ng mga panga nila dahil ihinagis ko ang baril ko. Hahawakan na sana iyon ng naka cap na lalake pero nagsalita ako.
"Don't be unfair" Napangisi ako pero hindi nila nakita kase nakatakip ang mask sa bibig ko. Kinuha ko sa pocket ng Jacket ko ang isang stick pero hindi ito isang ordinarong stick lamang kundi isang kutsilyo tsaka ko pinaikot ikot ito sa kamay ko.
"Cool bro" hindi naiwasang pagkamangha ng isa sa miyembro nila.
"You shut up!" Wika ng kasamahan nito sa kanya.
"Yan lang ba ang kaya mo?" Tanong nito. Kaya naman inihagis ko ang kutsilyo at natamaan naman ang cap ng lalakeng nagsalita kanina na ikinagulat nito. Nagulat nalang ako ng bigla nalang sila natumba at nakita ko na may nakaturok sa kanila.
Nakita ko ang dalawang lalake sa likod nila na naka mask.
"Xavier, Jaylord" sabi ko nangaba sila ang may kagagawan nito. Naunahan na naman nila ako. tsk Lumapit sila sa akin at bumulong.
"Gotcha!" Pang aasar ng kambal kong si Xavier.
"Don't worry buhay pa sila naturukan lang naman sila ng pampatulog" ani ni Jaylord.
"Sleep well mga bro!" Wika ni Xavier sa mga lalakeng himbing na ang tulog habang nakangiting tagumpay.
Lumabas na kami sa loob ng bar na iyon. Paglabas namin wala ng tao sa labas ng bar na ito. Paniguradong natakot sila.
"What are you doing?" Tanong ni Jaylord sa amin ni Xavier habang hawak hawak ko ang ipad.
"Wala na tayong problema!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Lahat na ng CCTV sa lugar na ito ay nahack na namin ni kambal kaya naman dinelete ko na ang video ng araw na to"
"Great job" puri ni Jaylord sa amin ni Xavier
Hindi ko nalang ito pinansin at ibinalin ko ang tingin ko kay bunso at si Neithan na kanina pa nakatingin sa mata ni Hannah
"Tara na, uwi na tayo!"
Wika ko sa kanya at tumango nalang ito
--*-*--
Neithan POV
Ang lakas ng dating ng mga lalakeng naka maskara kanina at pati narin ang isang babae na tumulong sa akin dati. I remember her.
Bakit nakikita ko si Hannah sa nakamaskarang babae na iyon. Impossible kayang si Hannah at ang babaeng iton ay iisa?
Umalis na sila at naiwan naman ako dito. Paalis na sana ako ng marinig ko ang tahol ng isang aso. Liningon ko ito at hindi naman ako nagkamali, siya nga!
"Max come here"
Max pala ang pangalan ng aso ko. Lumapit ito sa akin at binuhat ko naman ito.
"Ba't ka andito?" Wika ko sa kanya habang hinahaplos ang mabalbon nitong balahibo.
Since bata na ako mahilig na ako sa mga aso. Marami narin akong naalagaan na aso pero wala na ang mga ito dahil namatay na sila at si Max nalang ang meron ako.
"Sino kasama mong pumunta dito?"
Tanong ko sa kanya na para bang sasagutin niya ang mga tanong ko.
"Andito lang pala si Max" Nag aalalang wika nito.
"Isinama mo siya?"
"Hindi ko rin alam na nakasakay na pala siya sa kotse ko kanina ng pumunta ako sa mall at ng pagbalik ko sa kotse doon ko lang siya nakita pero ng puntahan ko na sana kayo diyan inihinto ko ang sasakyan malapit dito dahil naiihi ito pero tinakasan niya ako!"
Ayaw kasi ni Max sa kahit na kaninong babae ang humahawak sa kanya at sa kung sino sino.
"Nasaan na si Gin?" Tanong nito
"Nauna na sila ni Calix gamit ang kotse ko"
"Tara na uwi na tayo, gabi na"
Tumango lang ako at pumasok na sa koste ni Ate Angelica
--*-*--
Hannah POV
Nasa kotse ako kasama sina Kuya Xavier at Jaylord. Naka motor naman si Kuya Ridge.
"Anong ginagawa niyo sa Bar bunso?" Tanong ni kuya Xavier sa akin.
"Wala"
"Sino nagsabing gamitin niyo ang motor ko?" Tanong ni Kuya Jaylord habang nagmamaneho
"Gusto ko lang naman mamasyal kaso wala ang mga kotse sa bahay kaya yung motor mo nalang Kuya ang ginamit namin"
Hindi ko naman kasalanan kung nandon ako kanina dahil dinala lang naman ako ni Kuya Ridge don.
"Eh kayo kuya ba't nandon kayo?"
"Pauwi na sana kami nang madaanan namin ang bar na iyon at nakita ni Jaylord ang motor nito kaya hininto niya ang sasakyan at dumaan kami sa bintana sa likod ng bar na iyon at doon ay nakita namin na napaaway kayo"
Pinark na ni kuya ang sasakyan sa garage at nakita namin si Kuya Ridge na kararating din tsaka kami lumabas sa sasakyan.
Dahan dahan na binuksan ni Kuya Xavier ang pinto at pumasok kami sa loob ng bahay at isinarado ang pinto.
Patay ang mga ilaw, siguro dahil tulog na sila. Nagulat kami nang biglang bumukas ang ilaw at naabutan namin si Dad at sina Kuya Clifford at Hans sa sala na ka cross arms.
"H-hi Dad, good night" bati namim at aktong aalia na kami sana ng biglang nagsalita si Dad
"Saan kayo galing?"
"Uh sa Mall...Park " Hindi magkakaparehong sagot namin na ikinakunot ng noo ni Kuya Clifford.
"Sa bar ba?" Napatahimik kami sa sinabi niya.
"Totoo ba?" Tanong ni Dad at tumango lang kami.
"Anong ginawa niyo dun?" Napatayo si Kuya Hans at lumapit sa akin.
"Napaaway kami Kuya!" Pag amin ko.
"I knew it!" Natatawa na wika ni Kuya Hans sa amin. Ngayon naman ay kami ang napakunot ang noo.
"What do you mean Kuya?"
"Alam namin ang lahat na nangyari dahil sinabi na ni Kuya Clifford sa amin ni Dad!"
"Huh paano niya nalaman?"
"Pauwi na ako nang maabutan ko kayo sa daan kaya sinundan ko kayo!" Nakangiting wika nito
"I am proud of the four of you" wika ni Dad at yinakap niya kami. Akala ko ba magagalit ito sa amin pero hindi pala.
"Hindi mo ba kami papagalitan dad?" Tanong ni Kuya Ridge.
"Ba't naman ako magagalit sa inyo eh masaya nga ako dahil humuhusay na kayo sa mga paggamit ng mga armas kaya magcecelebrate tayo ngayon"
Nakangiting wika ni Dad at pumunta na sa Kitchen para kumain. At talagang naghanda nga sila.