Chapter 13 - Lason

1197 Words
Chapter 13: Lason Someone Point of View Ang bilis talagang kumalat ang balita tungkol kina Neithan at Hannah dito sa campus. Kaya naman nang nalaman iyon ni Nicky ay talagang ikinagalit niya ito. "So paano na ba yan Nicky nalalamangan ka na ni Hannah!" "What do you mean?!!" Galit na wika nito. "Isn't it obvious Nicky, nalalamangan kana niya kay Neithan!" "How dare you say that to me!" Matagal ng nagkakagusto si Nicky kay Neithan pero sa kasamaang palad walang feelings si Neithan sa kanya. Kawawang Nicky! "She is just a newbie pero parang anytime kaya kana niyang talunin" Totoo naman ang mga sinasabi ko kay Nicky. Bago palang ang babaeng yun ang laki na ng lamang ni Nicky sa kanya.      "You shut up!" Tumingin ito sa akin at sinamaan niya ako ng tingin."Walang namamagitan sa kanila!" Dugtong nito "Wala pa sa ngayon pero darating ang araw na magiging kaagaw mo na siya sa puso ni Neithan" Mas lalo niyang ikinagalit ang mga sinabi ko kaya sinampal niya ako. Hinimas ko ang pisngi ko dahil napakalakas ng pagsampal niya sa akin. "Paano mafafall si Neithan sa pesteng babaeng yon eh nerd lang naman yon" "Nakakasiguro ka ba sa sinasabi mo? Kahit nerd lang ito halata namang maganda siya, halatang malaki ang maibubuga niya kaysa sayo" Pag papaalala ko sa kaniya. "What do you think? hahayaan ko ang araw na iyon?" Nakangising wika nito "I won't let that happen!" "So what is your plan?" "Just follow me!'  Anong susunod niya plano? Lumabas na kami sa stock room na iyon at pumunta sa School Clinic. Hindi lang isang pangkaraniwang Clinic ito kundi parang hospital narin dahil sa dami ng nurse at mga Doctor dito. Malawak ang clinic na to at sa likod ng paaralan namin ito matatagpuan. Nang marating na namin ay pumasok na kaagad kami. "How may I help you?" Tanong ng isang nurse sa amin. "Bigyan mo ako ng lason!" "Anong gaga---?" "Just give it to me!!!" sigaw ni Nicky sa kanya. Alam na nila ang kayang gawin ni Nicky sa kanila pag hindi sila sumunod sa utos nito kaya agad niya itong iniabot kay Nicky ang hinihingingi niyang lason. Lumabas kami sa hospital na iyon at pumunta sa Cafeteria. "Lalasonin mo siya?" "Why not?!" Hindi na ako nanibago sa ginagawa niya kase maraming beses na niya itong ginawa. Nasa loob na kami ng Cafeteria nang maabutan namin si manang na naghahanda ng pagkain para sa mga katulad naming estudyante. "Can we disturb you for a minute?" Tanong namin sa kanya at tumango naman ito. "Do you know Hannah?" "Yung bago estudyante?" Iniabot ni Nicky ang isang boteng may laman na lason sa loob nito kaya nanlaki ang mga mata nito. "Ilagay mo yan sa pagkain niya!" Isinuli niya ang ibinigay namin kaya nagalit si Nicky "Hindi ko yan magag---" "Ayaw mo? gusto mo bang ikaw ang lasonin ko o kaya naman saksakin ng kutsilyo?" sabay turo sa isa sa mga kutsilyong naroon. Agad namang kinuha ulit ni manang ang lason at ipinangakong gagawin niya iyon at hindi papalpak.    --*-*-- Eloisa Point of View Walang pumapasok sa utak ko sa itinuturo ng Professor namin sa harap. Puros mga computation lang naman kase ang itinuturo niya eh. Math ang pinakaayaw ko na subject dahil hindi ako magaling sa subject na to. I hate Math!! "Gutom na ako" wika ni Jaz sa akin. "Bakit hindi ka kase nag almusal?" "Late na kaya akong nagising" pagpapaalala niya sa akin. Paano ba namang hindi malalate gumising eh sinira niya ang alarm clock ko sa kwarto. Inihagis niya lang naman ito sa labas ng bintana dahil ayaw pa nitong bumangon. "Tapos mo na bang sagutin ang mga to?"Tanong ko sa kanya. "Oo naman" "Pakopya naman ng sagot mo!" Kinuha ko ang papel nito at kinopya ang sagot nito at buti nalang hindi iyon nakita ng guro namin. *bell ring*    "Ok class you may have your break now" Umalis na ang guro at ganun din ang mga iba naming mga kaklase. Naiwan kami sa classroom dahil natagalan si Jaz sa pagaayos ng kanyang mga gamit. "Tara na!" Natapos na din siya at lumabas na kami sa classroom. Habang naglalakad kami sa hallway papuntang Cafeteria ay napahinto si Jaz sa paglalakad kaya naman napahinto rin kami ni Hannah. Binuksan niya ang bag nito at mukhang may hinahanap. "Anong hinahanap mo Jaz?" Tanong ni Hannah sa kanya. "Naiwan ko ang phone ko sa classroom!" "Ano? ang tagal natin kanina doon tapos may naiwan ka pa!" Naiinis na sambit ko sa kanya. "Mauna nalang kayo at susunod nalang ako mamaya" Sambit nito at binalikan niya ang cellphone nito sa classroom. "Tara na Hannah" Tumango ito at naglakad na kami papunta sa Cafeteria. Naabutan namin na mahaba ang pila kaya medyo natagalan kami sa pagkuha ng pagkain namin. "Ba't wala pa si Jaz?" Tanong ko at inilapag ang pagkain sa mesa. "Baka may ginawa pa ito kaya natagalan" sambit ni Hannah "kuha lang ako ng maiinom" Umalis na ito at saktong pagdating ni Jaz at umupo sa harap ko. "Kanino to?" Tanong nito habang nakatitig sa pagkain. "Kay Hannah yan" Natigilan ito sa pagtitig sa pagkain at aktong susubo na sana pero pinigilan ko. "Jaz pumila ka don!" "Gutom na ako"  saktong dumating narin si Hannah kaya nagsumbong agad ako. "Hannah si Jaz oh kumain ng pagkain mo!" Sumbong ko sakanya. "Sige ok lang kukuha nalang ako ng iba" "Huwag na Hannah ako nalang ang kukuha" sambit ni Jaz at tinignan niya ako ng kasama. "Huwag na Jaz naisubo mo na yan eh!" Kumuha na si Hannah ng pagkain niya at eto namang si Jaz parang hindi kumain ng 1 linggo. "Ang takaw mo!" Nagulat nalang ako ng bigla itong napahinto sa pagkain at biglang nagsusuka. "Jaz ok kalang dahan dahan ka naman sa pagkain!" Inis na wika ko. Nagulat nalang ako nang bigla nalang ito natumba, buti nalang nahawakan ko siya. "Jaz gising!!! Napatingin ang mga estudyanteng kasama namin sa canteen. Nakita kami ni Hannah kaya nagmadali itong pumunta sa pwesto namin. "Anong nangyari?" "Hannah tulungan mo ako dalhin natin siya sa Clinic!!" Dinala namin si Jaz sa clinic dito sa school at agad naman kami tinulungan ng mga Doctor at nurse don. "Kasalanan ko to!" Pagsisisi ni Hannah sa kanyang sarili. "Hindi mo to kasalanan Hannah" "Ako sana ang nakakain ng lason at hindi si Jaz!" Bumagsak ang mga luha nito sa kanyang mata. Ngayon ko lang nakita si Hannah na naging emosyonal ng ganito. "Hannah walang may gusto sa nangyari kay Jaz kaya huwag kang magsalita ng ganyan!" Gusto kong patayin ang taong gumawa nito kay Hannah at ngayon palang alam kona kung sino ang may kagagawan nito. Lumabas na ang Doctor at kinausap kami nito. "Mabuti naman at nadala niyo agad ang kaibigan niyo dito" "Anong nangyari sa kanya Doc?" Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin nito. "Isang lason!" Mataman niya kaming tinignan bago niya kami binalaan "May lason ang naihalo sa pagkain niya na pwede niyang ikamatay within 1 hour!" "Doc kailangan ka ng iba mong pasyente" sangit ng isang nurse sa amin. "Iwan ko na kayo" Pumasok kami sa kwartong kinaroroonan ni Jaz  na wala pading malay hanggang ngayon. "Magiging ok rin siya" Pagpapagaan ng loob samin ng isang nurse na inaayos ang higaan ni Jaz. Tahimik lang si Hannah na nakaupo sa sofa. Pinunasan niya ang mga luha nito at tumayo. "Where are you going?" Tanong ko sa kanya dahil aktong aalis na sana ito. "That Jerk!!" bulalas nito habang papaalis. Nagulat ako sa lakas ng pagsara niya ng pinto. Masama ang kutob ko sa gagawin niya, kitang kita ko ang mga galit sa mata nito kaya sinundan ko siya. Sa Cafeteria ang punta nito. s**t! Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? masama ang kutob ko dito. Pinuntahan ni Hannah ang mesa ni Nicky at mga alalay nitong kaibigan. "Ang sama mo!" sigaw ni Hannah sa kanila at dinabog ang mesa nila. "Ano bang problema mo?!" Napatayo si Nicky sa kinauupuan niya. "Huwag ka ng magmaang maangan na wala kang alam Nicky" Pinalibutan kami ng mga estudyante dito. "Nambibintang kaba Hannah?!"  Gusto kong sakalin ang babaeng to! She is acting like an innocent. Ano pang dahilan ng pagdedeny nito. Para namang kilala siyang Anghel. "Huwag kang umarte na parang inosente Nicky hindi mo bagay!" Sambit ko sa kanya na ikinalawak ng ngiti niya. "Meron ba kayong evidence na magpapatunay na ako ang guma---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil sinampal siya ni Hannah ng malakas. "Masakit ba? Kulang pa yan sa ginawa mo sa kaibigan namin!" Aktong sasampalin na sana ni Nicky si Hannah pero nahawakan niya ang kamay nito at itinulak. Napakalakas ang pagtulak nito kaya napaupo ito sa sahig. "Nagustuhan mo ba ang lason" Nakangising wika nito at tumayo Nagulat ako sa ginawa ni Hannah, kinuha nito ang kutsilyo sa mesa at sasaksakin na niya sana ito pero nakailag si Nicky. Natatakot akong lumapit kay Hannah. Alam ko na dapat lang kay Nicky ang mamatay pero hindi yon maaari. Nanginginig ang mga binti ko habang lumalapit kay Hannah. Ilalayo ko sana ang kutsilyo na sana ay isasaksak na naman niya pero pinigilan ko. "Subukan mo ulit na saktan ang sino man sa kaibigan ko makikita mo kung sino talaga ako!" Babala ni Hannah kay Nicky. "Akala mo ba natatakot ako?!" Napatawa naman ito sa sinabi niya. "It just only a warning Nicky" Nagulat kami sa ginawa ni Hannah.  Isinaksak niya lang naman ang kutsilyo sa mesa at nagawa niya mabutas ito. Napasinghap naman ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin, patunay na nagulat rin sila sa nangyari. Lumabas na kami roon at pinuntahan si Jaz. Sa wakas at gising narin siya! "Ok ka na ba Jaz?" Nag aalalang tanong ni Hannah sa kanya at tumango naman ito. Hindi ko akalain na kayang gawin iyon ni Hannah para lang sa amin. "Ikukuha lang kita ng tubig" Lumabas na ako at pumunta na sa Cafeteria nang naabutan ko ang mga babaeng nag uusap usap sa hallway tungkol sa eksena kanina. "Nakita niyo ba yung ginawa ni Hannah kay Nicky?" Tanong ng isa sa kanila. Mukang hindi nila ako napapansin na nasa tabi lang nila na nakatayo. "Oo nga napakainosente niyang tignan pero may kasamaan pala!"       "Wala namang inosenteng tao dito sa paaralan na to diba?" Nagulat sila sa sinabi ko at napatingin sila akin. "E-eloisa nandiyan ka pala?" Nauutal na wika nito. "Mabait siya sa taong mabait sa kanya pero pag ginalit mo siya mas masama pa ito sa inaakala niyo" Umalis na ako doon at kumuha ng tubig sa cafeteria. Wala narin sina Nicky doon at iba pang estudyante dahil class hour na. Pagbalik ko sa clinic naabutan ko sina Hannah at Jaz  na nagtatawanan. Mabuti nalang at bumalik na ang mga ngiti sa labi ni Hannah. Nakakatakot pala siya pag nagalit. When she's mad; even the demons will run!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD