Chapter 14 - Care

902 Words
Chapter 14: Care Hannah Point of View Ayokong madamay ang mga kaibigan ko sa away namin ni Nicky. Dapat bang iwasan ko sila para hindi na sila madamay pa? Maybe that is the best thing I can do right now habang maaga pa. "Eloisa pwede ba kitang makausap?" "Sige ano yon?" Lumabas kami sa classroom at pumunta sa lugar kung saan walang tao na makakarinig sa amin. Absent pala si Jaz ngayon kase magpapahinga daw siya. "Ano ba yon Hannah?" "Eloisa meron akong favor?" "Sige ano yon?" "Pwede bang iwasan niyo na ako" Masakit man para sa akin na gawin ito pero para sa ikabubuti lang rin naman nila kaya gagawin ko to. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagtutol sa sinabi ko. "Dahil ba to kay Nicky?" "Oo" "Hannah alam mo ba yang sinasabi mo?" "Eloisa please nagmamakaawa ako sa iyo! layuan niyo na ako bago pa man mahuli ang lahat!" Hindi ko pa lubusang kilala si Nicky pero alam ko na kaya niyang gawin ulit ang ginawa nito kay Jaz na sana ay para sakin "Anong sa tingin mo Hannah! gagawin ko ang nais mo?" "Ayoko lang naman na madamay pa kayo!" "Madamay?" Hindi ko napansin na umiiyak na pala siya dahil sa akin. Hindi ko akalain na iiyak siya. "Eloisa sorry" Yinakap ko siya umaasang tumigil ito sa pagiyak. "Hannah matagal na kami ni Jaz dito at kilala na namin ang babaeng iyon. Kung hindi namin sana ginustong madamay edi sana noon palang lumayo na kami sayo!" Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya kaya yinakap ko nalang siya. "Well, well, well" Hindi na ako magtataka kong sino ang babaeng umepal dahil wala namang iba tao yun kundi si Nicky na kasama ang mga alalay niya. "What are you doing here b***h!" "Naisturbo ko ba ang moment niyong dalawa" Sana tinuluyan ko nalang ang pagsaksak ng kutsilyo sa babaeng to para nawala na. "Ano bang kailangan mo!" Galit na sigaw ni Eloisa kay Nicky na nakangisi. "Speaking of kailangan" sabi nito at lumapit sa amin."I want you to die right now!" Para siyang isang demonyo kong umasta, Hindi pala, demonyo na talaga ang taong to! "Do you want me to die right now?" "Yes maibibigay mo ba yon?" nakangising tanong nito. "Gawin mo!" Hindi ito nakapagsalita dahil sa sinabi ko. "Gawin mo kong kaya mo" sarkastik na sagot ko. "Of course I can! As a matter of fact marami na akong pinatay at isusunod kita sa kanila!" "Sige! I'll give you the permission to kill me pero bilisan mo lang huh baka kase hindi mo matuloy dahil baka maunahan kita bago mo ako mapatay!" "You're strong Hannah I salute you!" Natatawang wika nito."But don't underestimate me. You don't know me Hannah!" "You're wrong Nicky" Napangisi ako sa sinabi ko. Hindi ko hahayaang apihin ako ng tulad mo! "Are you stalking me?" "Yes! kaya kung ako sayo mag ingat ka sa ikinikilos mo because one wrong move, you're dead!" "Tinatakot mo ba ako?" sabi nito habang iniikutan niya ako sa pwesto ko. "Nasa sa iyo yan Nicky kung maniniwala ka o hindi" Napahinto ito sa paglalakad. Hindi ko napansin na hawak hawak na pala nila si Eloisa na walang malay. "Anong ginawa niyo sa kanya!" "Don't worry hindi siya patay, pinaamoy lang namin siya ng pampatulog" Sinamaan ko siya ng tingin at aktong pupuntahan ko sana si Eloisa pero tinutukan niya ako ng kutsilyo sa leeg. "Magpaalam ka na ngayon dahil papatayin na kita!" Sasaksakin na niya sana ako pero hindi niya iyon natuloy dahil sinikmuraan ko agad siya at inagaw ko ang kutsilyo sa kamay nito at itinutok sa leeg niya. "What are you waiting for? Kill me now! but before you can kill me I'm warning you, kasabay ng pagsaksak mo sa akin ay ang kamatayan ng kaibigan mo!" Napatingin ako kay Eloisa at tinutukan nila ito ng dalawang kutsilyo ng mga alalay ni Nicky. "Bitawan niyo siya!" Utos ko sakanila at napatingin naman sila kay Nicky. "Bakit naman namin siya bibitawan?" Tanong ng isa sa kanila. "Sa tingin mo ba papayag ako na saktan niyo siya!" Ilinapit ko sa leeg niya ang kutsilyo. "Kill me now!" Gusto kitang patayin pero hindi muna sa ngayon dahil ililigtas ko muna ang buhay ng kaibigan ko. "Bitawan niyo siya bago kita pakakawalan!" "Bakit naman kami maniniwala sayo" wika ng isang babaeng may hawak kay Eloisa. "Marunong akong tumupad sa usapan hindi gaya niyo!" Hindi na sila nagdalawang isip at binitawan na nila si Eloisa kaya binitawan ko narin si Nicky. "Eloisa!" Lumapit ako sa kanya at pilit na ginigising ito. "Huwag kang mag alala gigising din yan mamaya" Nakangising wika ni Nicky at umalis na kasama ang dalawa nitong kasama. Dinala ko naman si Eloisa sa Clinic para doon na siya matulog. "Mukang matagal pa siyang magigising dahil sa ipinaamoy nila sa kanya" wika ng nurse. Naisipan ko ng umalis dahil naalala kong may gagawin pa pala ako. "Saan ka pupunta?" "Alis na ako!" "Paano siya?" "Bantayan mo siyang maigi kung hindi malalagot ka sa akin!" "Teka may suga---" Umalis na ako sa clinic na yon at pumunta sa Office. -*-*- Neithan Point of View Iilan lang sa aming mga officers ng kada section ang nabigyan ng mga tungkulin para sa school dahil tinanggihan ito ng iba dahil hindi daw nila kaya. Binigyan nila kami ng sariling desk dito sa office. "Heto ang mga documento ng lahat ng estudyante ng GCA. Kailangan na pagsamasamahin ang mga certificate ng estudyante according to their section. It should be Alphabetically arranged." sabay lapag ni Teacher Chelsie ng mga dokumento sa desk ko. What the heck! Lahat to? Ang dami. I should have quit! "Don't worry hindi ka naman mag isa pwede mong utasan ang mga nandito" pag papaalala niya. Buti naman kung ganon. By the way nasaan na naman si Hannah? Bakit palagi nalang siya nawawala? Saan na naman kaya yon pumunta? Umalis na si Teacher Chelsie dito at bumalik narin sa mga estudyante niya. Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun si Hannah. "Where did y---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko ang leeg nito na dumudugo. Anong nangyari sa kanya? "Anong gagawin natin sa mga ti?" Mahinahong tanong nito at tinutukoy ang mga dokumentong nakalapag sa lamesa. "Oo nakalagay diyan ang mga pangalan ng mga estudyante. Kailangan pagsama samahin ang mga magkakaklase and it should be arrange alphabetically" wika ng isa sa mga kasama namin dito sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo, kundi umupo agad ito sa desk niya na katabi ng desk ko at nagsimula na. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsasalita.What's wrong with her? "What happen?" Napatingin naman siya sa akin pero hindi parin siya nagsasalita. Wala ba siyang planong gamutin ang sugat niya sa leeg. Duguan narin ang blazer nito. "Drake ikaw na bahala sa mga documents na to!" Utos ko at tumayo. "Ba't ako?" Sinamaan ko siya ng tingin "OK fine!" Dugtong nito at napabuntong hininga. Hinila ko ang kamay ni Hannah at lumabas na don. "Where are we going?" Tanong nito pero hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa clinic. "Mr. Fostanes how may I help you?" Tanong ng isang nurse sa akin. "Gamutin mo ang sugat ng babaeng to!" Tumango naman ito at pumasok sa isang room at ginamot nito ang sugat sa leeg ni Hannah. "What happen?" Tanong ng nurse kay Hannah. "It is none of your business!" Sambit ni Hannah at hindi na nagtanong pa ang nurse sa kanya. "She's allright now Mr. Fostanes" Tumango naman ako at umalis na ito. Naiwan naman kami ni Hannah don. "We have to go" Lumabas na kami doon at naglakad papunta sa office pero naisipan ko na hindi muna kami pupunta doon. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya dahil napansin niyang iba ang tinatahak ng mga paa ko. "Madami pang gagawin. Tatapusin pa natin yung mga document" Hindi ko parin sinasagot ang mga tanong nito at ipinagpatuloy lang ang paglalakad hanggang sa naabot na namin ang hardin. Umupo ako sa isang bench at ganun din siya. "Sorry" Paghihingi niya ng tawad. "For what?" "Dahil medyo natagalan ako sa pagpasok kanina" napatingin ako sa kanya "At sorry rin kung hindi ko nasasagot ang mga tanong mo." Napansin niya siguro na nagalit ako sa kanya. Tinignan naman niya ako. Kitang kita ko sa mga mata nito na pagod na siya. "Sa susunod pag nagtanong ako sumagot ka agad!" Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kanya. "I'm tired" sambit nito at napatingin naman sa akin "Meron ba akong sumpa? Lahat nalang sila nadadamay ng dahil sa akin!" Hindi ko maunawaan kung anong tinutukoy niya pero ramdam ko ang lungkot nito sa mga mata. Aalis na sana ito pero pinigilan ko siya at niyakap. Alam kong may mabigat itong pinagdadaanan at naiintindihan ko iyon. "If you're tired then take a break" bulong ko sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD