Chapter 15 - New Look

1190 Words
Chapter 15: New Look Neithan Luke Point Of View Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom namin dahil may kukunin ako. Habang naglalakad ako nakatingin naman ang mga estudyanteng nadadaanan ko, ewan ko ba kung anong problema nila. "Neithan?" Sigaw ni Calix sa akin at lumalapit ito. "What?" Tanong ko sa kanya "Sinong pinopormahan mo?" Pang aasar na tanong nito at umakbay pa "Ano bang pinagsasabi mo?!" "Neithan I know you!" Nakangising wika nito sa akin "Bakit nakaayos ka?" Ok fine! Masama bang ayusin ko ang sarili ko? Hindi kase ako masyadong nag aayos sa sarili ko kaya naisipan kong gawin yun ngayon pero kahit naman na magulo ako pinagkakaguluhan parin ako. "Ano bang masama don?" Tanong ko "Wala naman pero grabe ka Neithan, ang lakas ng tama mo sa kanila?" Napatingin naman ako sa mga estudyanteng nakatingin sa akin at nakatulala pa pero hinayaan ko nalang sila ."Wala ka bang gagawin ngayon?" "Meron, may kukunin lang ako sa classroom!" Naabutan ko sa classroom ang mga kaklase ko kasama ang mga kaibigan ni Hannah pero wala si Hannah doon, baka nasa office ito. "Neithan kasama mo ba si Hannah?" Tanong ni Eloisa sa akin "Hindi" "Wala ba siya sa office?" "Hindi pa ako pumunta don" sagot ko at umalis na doon. Pumunta ako sa Office namin at naabutan ko ang mga kasama namin don na lumabas. "Anong meron?" Tanong ko kay Drake na papasok palang. "May inutos si Teacher Chelsie sa kanila" aniya. Nagtungo ako sa desk ko at naabutan ang sandamakmak na mga documents. Naupo nako pero napako ang tingin ko sa desk ni Hannah dahil wala parin ito. "Drake saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya dahil aktong aalis na sana ito. "Sa labas" "You are not allowed to go out unless you help me finish these documents!" "Pero may pinapagawa pa sa akin si Ms. Chelsie" What the heck! Ako ang gagawa ng lahat ng to? "Hindi ka pwedeng umalis!" Kung aalis siya sino ang tutulong sa akin? wala pa naman ang mga ibang officers dito na pwede kong utusan. "Hindi pwede Neithan, kailangang kong sumunod" sagot nito. "Ok fine umalis ka na!" Umalis na ito at naiwan na ako ng mag isa. Saan na ba kase si Hannah? Siya ang Vice president kaya dapat siya ang tumutulong sa akin pero wala naman ito. Paano ko sisimulan ito?  -*-*- Hannah Point of View Late na pala ako kaya naman wala ng masyadong estudyante sa labas. Nagsisimula na panigurado ang klase nila. "Wait!" Napahinto ako sa paglalakad nang bigla kong naisip na late na pala ako "Oo nga pala late na naman ako baka magalit na naman si Neithan" Tumakbo ako papunta sa office at naabutan ko itong nakasara kaya bubuksan ko na sana ito agad pero bigla itong bumukas at lumabas mula doon si Neithan "Why are you late?!" Inis na sabi nito habang nakakunot ang noo. Meron pa palang mga iilang estudyante napapadaan. "Ang gwapo parin niya kahit messy hair!" -Girl 1. Kinikilig na papuri ng babae kay Neithan. Nasa malapit lang sila kaya narinig ko ito. "Girl!" Sabay palo sa kasama nito. "May napansin kaba kay Neithan?" -Girl 2 "Ano?!" tanong naman ng kasama niyang nakatingin kay Neithan na nakasandal sa pinto. "Omg girl alam kona!" Sabi ng girl na napatili pa. "Hannah I'm talking to you!" Galit na wika nito kaya ibinalin ko ang tingin ko sakanya "Ah sor---" "Nevermind!" Pagputol niya ng usapan at bumalik na ito sa desk niya at ganun din ako. Galit na naman siya pero ok lang kasalanan ko naman ito. Napatingin ako sa mga document na nakalapag sa mesa nito. Ang dami pero mukang tapos na. Tinapos na pala niya kaya pala pagod na ito base sa nakikita ko sa mukha niya at tsaka magulo ang buhok nito. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sakanya Hindi ito nagsalita at tinignan niya lang ako. Wait! Parang may iba sa kanya. "Everything is done Ms. Emmerson!" Wika nito. Tinitignan ko lang siya habang hinahalungkat niya ang mga iba pang documents. Asan ang mga ibang officers dito bakit wala sila? Kami lang ni Neithen ang nandito. "Tulungan na kita diyan?" Tanong ko sa kanya. "I don't need your help!" "Galit ka ba?" "No!" "Pero bakit ka s---?" "Stop it Hannah!" Itinikom ko nalang ang bibig ko at hindi na pa nagsalita. Hinintay ko nalang na matapos siya. "Let's go!" Aya ni Neithan. Kinuha ko ang bag ko at sumunod na sakanya. Wala man lang akong nagawa kundi tumunganga nalang. Siya talaga ang tumapos lahat. Paglabas namin doon naabutan namin ang mga estudyante sa labas. "What are they doing here?" Tanong ni Neithan kay Drake. "Late comers!" Sambit niya at tumingin sa akin. Late din naman ako ah. Sasali rin ako sa kanila diyan. "Let's go!" Wika ni Neithan at hinila niya ang kamay ko. "Late ako kaya dapat andon din ako" reklamo ko sakanya. "Hindi ka kasali!" Wika niya at hinila ako papuntang canteen. "Naninibago ako sayo" bigla bigla ko nalang naibulalas at bigla naman siyang napatigil. Tinignan ko siya at napaisip kung ano bang bago sa kanya. Hmmm "Bago ba ang uniform mo?" Tanong ko. Hindi ito nagsalita imbes ay pumunta sa pila. Tumabi naman lahat ng estudyante sa pila at pinauna si Neithan. Pinauna naman ako ni Neithan kaya naman madami ang nainggit dito at mayroon ding nakatinggin ng masama sakin. Hindi ko nalang sila pinansin. Kumuha na ako ng pagkain at inilapag ito sa mesa at umupo ganun din si Neithan. Hanggang ngayon hindi parin ako nakokontento kung ano bang nagbago sa kanya. "What?" Tanong nito. Kanina pa kasi hindi maalis ang tingin ko sakanya. Patuloy lang ako sa pag scan sa kabuuan niya. "Anong pabango mo?" biglaang tanong ko na ikinamula niya. Hindi naman sa hindi siya nagpapabango, what I mean ay iba ang pabango niya ngayon. "Just eat your food" Lumapit ako sa kanya at inayos ang buhok nito na mas lalong ikinamula niya. He's so cute with those rosy cheeks. "Finally alam ko na, nag ayos ka no!" Tagumpay na wika ko tsaka umupo. I wonder why naisipan niyang ayusin ang sarili niya ngayon. Now I'm satisfied with that. Biglang tumabi si Calix kay Neithan. "Hi Hannah can we share table?" "Of course" Ngayon lang siya magpapaalam ng permiso ngayong nakaupo na siya. "Hannah" ani Jaz at lumapit. "Can we seat here too?" Tanong nito at tumango naman si Calix. Umupo sila sa tabi ko. "Excuse me" ani ko at tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Jaz. "May gagawin pa pala ako" "Di mo panga ginagalaw ang pagkain mo eh" wika ni Jaz. "Kakain nalang ako mamaya" wika ko at umalis na doon. Tinotoo ko yong sinabi ko kahapon na iiwasan ko na sila para hindi na sila madamay pa sa anumang gulo na kinakaharap ko. Naging close narin kami sa isa't isa kaya masakit para sa akin ang ginagawa ko. Naglakad lakad lang ako nang marinig ko ang sunod sunod na pagbulong sa pangalan ko. Hindi ko alam kung sino kaya sinundan ko kung saan nanggaling ang tinig na iyon hanggang sa napadpad na pala ako sa stock room. Binuksan ko ito pero wala namang tao. Hindi ako pwedeng magkamali ng narinig, dito nanggaling ang boses na iyon. Biglang tumunog ang isang lumang piano rito pero wala namang nagpapatugtog. May piano pala dito? Minumulto ba ako? Nagtaasan ang mga balahibo ko. Narinig ko na may tumatawa pero wala namang kahit na sinong tao dito. Gusto kong umalis pero natatakot akong gumalaw. Huminto ang pagtutog ng piano na iyon kasabay ng pagdating ng isang babae at sumandal ito sa pader. Halos matakpan na ang buong mukha nito ng kanyang buhok. "Ginugulo ka ba nila?" Tanong nito sa akin. "Sinong sila?" "Mga kaluluwang hindi parin natatahimik hanggang ngayon" "What do you mean?" Hindi ako naniniwala sa multo pero ngayon parang gusto ko ng maniwala. "Sila" may itinuro siya sa tabi ko bago tumawa. Paniniwalaan ko ba ang babaeng to? Baka naman nagpapanggap lang ito? "Tinatakot mo ba ako? It's not effective" wika ko at lumapit sa kanya. "I'm not joking you Hannah. Totoo ang mga sinasabi ko at totoong may nakikita ako" lumabas ito sa kinaroroonan niya at sinundan ako. "Ano bang gusto mong sabihin sa akin?" "Wala ka pang alam sa paaralan na to!" "You're wrong" "Do you think sapat na ang mga nalalaman mo? " Bakit hindi nalang niya deretsuhin kung anong nalalaman niya. "Ano bang dapat kong malaman?" "Hindi pa sa ngayon Hannah" "Bakit hindi mo nalang sabihin ang lahat?!" "Ihanda mo ang sarili sa kung ano man ang malalaman mo dahil matutulad karin sa amin dito na mamamatay!" Humalakhak ito sa sinabi niya. Ano pa ba ang dapat kong malaman sa school na ito. Anu-ano bang sekreto ng eskwelahan na ito na pagnalaman ko ay ikamamatay ko. "I'm not afraid of death" ani ko na nakapagpahinto sa kanyang pagtawa. "Don't worry malapit mo ng malaman ang lahat!" Banta niya. "Bakit hindi mo nalang sabihin!" Desperado na akong malaman ang mga bagay na nililihim nila. "Hindi pwede Hannah dapat ikaw mismo ang makaalam nito" huling salitang sinabi niya bago ito umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD