Chapter 16 - Life of Eloisa

1100 Words
Chapter 16: Life of Eloisa Eloisa Point of View Tuluyan na nga kaming iniwasan ni Hannah. Kahit anong gawin namin ni Jaz na paglapit sa kanya ay wala pa din, iniiwasan parin niya kami. "Eloisa umamin ka nga sa akin! Nag away ba kayo ni Hannah?" tanong niya na nakakunot ang noo. Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang mga bagay na napag usapan namin ni Hannah at kung ano ang nangyari nong absent ito. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyari noong nakatulog ako at hindi ko alam kung bakit may sugat sa leeg si Hannah. Ang alam ko lang kagagawan ito ng isang demonyong babae na si Nicky. "Hindi nga kami nag away! At kung mag aaway man kami anong rason para awayin ko siya at awayin niya ako" ani ko. "Pero bakit nga siya iwas ng iwas sa atin?" Nag aalalang tanong nito. "Meron ba akong nagawang masama sa kanya?" Dugtong nito. " Jaz wala kang ginawang masama sa kanya kaya huwag mong sisihin ang sarli mo" payo ko sakanya. "Kung hindi yon ano pa bang ibang rason?" Tanong nito. Determinado nang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. "Jaz sasabihin ko kung anong alam ko!" Ani ko. Nakukulitan na ako sa kanya dahil kanina pa siyang tanong ng tanong sa akin kaya naman sasabihin ko na kung anong alam ko para matahimik na ang bunganga niya. "Ano? dali sabihin mo na!' Hindi makapag antay na wika nito at hinihintay kung anong sasabihin ko. "Ang tagal!" Huminga ako ng malalim at saka ko sinagot ang tanong niya. "Dahil ayaw niya tayong madamay!" Napahinto ito sa pagtitig sa akin "Dahil ayaw niya tayong mapahamak ng dahil sakanya!" Natikom niya ang kanyang bibig dahil wala itong masabi. Sakto namang nagring ang phone niya kaya kinuha niya ito sa bulsa niya at sinagot ang tawag. Hindi ko alam kung sinong tumawag at kung anong pinag uusapan nila. Natapos nadin ang pakikipag usap niya sa phone nito kaya ibinalin na niya ang tingin nito sakin bago naiyak. "Bakit Jaz?" Tanong ko sa kanya na sunod sunod na ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata. "Tara na Eloisa" wika nito at nagmadaling tumakbo ito papunta sa sundo namin kaya sumunod narin ako sa kanya. "Jaz ano ba yon?" Tanong ko ulit sa kanya Hindi pa niya sinasabi kung anong problema nito pero ramdam ko ang sobrang lungkot sa kanyang mga mata at sa bawat paghikbi nito. Hindi parin niya sinasagot ang tanong ko. "Sa hospital ba tayo?" Tanong ng driver sa amin. "Sa hospital?" Nagtatakang tanong ko "Anong meron?" Dugtong ko. "Nasa hospital ang papa ni Jaz!" "Ano pong nangyari sa kanya?" "Inatake ito sa puso!" Nagulat ako sa sinabi niya at hindi namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko. Napamahal na ako sa pamilya ni Jaz at itinuring ko narin na totoong tatay ang papa nito. Dahil sakanya naramdamang ko kung gaano kasaya ang magkaroon ng ama. Ipinaramdam nila sa akin ang pagmamahal ng isang buong pamilya. Yung mama ko pala wala siya dito nasa ibang bansa upang magtrabaho para daw sa kinabukasan ko, pero lahat ng sinabi niyang iyon hindi pala totoo. Hindi ko nga rin alam kung nasaan na siya o kung buhay pa ito dahil ni minsan hindi na siya nagpaparamdam sa akin simula nong tumira na ako sa bahay ni Jaz. Feeling ko nga ipinaampon talaga ako ni mama. Ni wala ngang sulat o text siyang ibinigay sa akin para man lang malaman ko kung ok lang ba siya? At nasaan na siya?. Siguro may iba na siyang pamilya doon at kinalimutan narin niya ako. Naiingit nga ako kay Jaz eh kase may magulang siyang palaging nandiyan, ako wala. Since nong pinanganak na kase ako ni Mama hindi ko na nakita ang papa ko ng personal, hanggang sa picture lang naman. Iniwan niya kase kami ni Papa simula nong nalaman niyang buntis si mama. Siguro hindi pa siya handa para sa responsibilidad niyang maging tatay noon dahil maaga silang nagsama. -*-*- Hannah Point of View Hindi ko na nakita sina Jaz kanina bago ako umuwi galing sa school. Siguro umuwi na sila ng maaga. "Hannah!" Tawag ni Kuya Ridge sa akin bago ito kumatok sa kwarto ko kaya pinagbuksan ko na siya ng pinto. "Bakit kuya?" "Aalis tayo!" Aya nito sa akin. "Where?" "Magpalit kana lang at hihintayin kita sa baba!" Ani nito. Saan na naman kaya kami pupunta? Nagpalit na ako bago bumaba at naabutan ko si Kuya na naghihintay sa sofa. Napatingin si Kuya Ridge sa akin at hinead to foot ako. "Magpalit ka nga!" Utos nito sa akin "Ok naman tong suot ko ah" "Ang damit mo OK na pero huwag ka ngang magshort!" "Per---?" "Kuya knows best Hannah!" "Hindi kaya mama knows best yon kuya!" Ani ko. "Ah basta same lang din naman yon!" Hayst! Talagang si Kuya ay over protective sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at nagpalit na nanaman ng suot kong damit tsaka ako bumaba ng hagdan "Tara!" Napatayo ito at lumabas papunta sa garahe at pinaandar nito ang motor at as usual siya parin ang nagdrive. Lahat na ng mga sasakyan na nadadaanan namin ay tumatabi na sa daan dahil sa bilis ng pagmaneho ni Kuya na kulang nalang lumipad na ang sasakya sa ere. Hininto ni Kuya ang sasakyan dito sa isang restaurant. "Dito lang naman pala tayo pupunta Kuya!" Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Gutom ako!" Wika nito at pumasok sa loob ng restaurant. Ewan ko ba kay Kuya mas gusto niyang kumain sa labas kesa sa bahay. "Umorder kana!" Wika nito at iniabot ang menu. Pumili na ako at ganun din si Kuya. Hindi natagalan nandito na ang order namin. "Yan lang order mo?" Wika nito habang nakatingin sa pagkain ko "Salad? Ano ka kambing?" Pang aasar nito sa'kin "Atleast healthy to Kuya kesa naman sa pagkain mo!" Tinignan niya ako ng masama bago tumawa. Sinama ba niya ako dito para asarin? Kainis ka talaga Kuya gaganti ako sayo! Humanda ka! "What's funny?"  "Ang dali mo talagang mapikon bunso!" "Nevermine just eat" Natapos na rin kami sa pagkain at dumating na ang waiter at binayaran na ni Kuya ang mga kinain namin. "Cr lang ako" Pagpapaalam ni Kuya sa akin at tumango naman ako. Nagulat nalang ako sa pagputok ng isang baril kaya tinignan ko kung ano yon. Neithan? Tama nga ako siya nga. Nakikipag away na naman ito sa mga lalakeng nakaaway ko na ng ilang beses. Hindi parin ba sila titigil? Palagi na nga silang talo sa laban. Baka hindi talaga sila titigil hanggat hindi sila nakakaganti. "Hayan na naman sila!" Ani ng waiter. "Sinong sila?" "Isang grupo ng Gang!" Wika ng isang waitress sa amin. Gang? Pero anong klaseng mga gang ang mga to? "Wala ba kayong gagawin sa kanila?" inis na tanong ko sa kanila dahil maraming kumakain dito na na stuck na sa building na to at takot na takot. What the heck! maraming mga lalake dito pero wala rin silang magawa. "Mommy gusto ko nang lumabas dito" ani ng isang batang babae sa tabi ng table namin  "Aalis tayo mamaya anak" wika naman ng kaniyang ina .Paano aalis ang mga tao dito eh nakaharang ang mga miyembro ng gang sa pinto. They remind me about my mom. Naalala ko yong time na ginawa niya ang lahat para iligtas kami ni Kuya Clifford sa gusaling iyon. Mom sacrifice her life just to save us. "Ano?!" Galit na wika ko sa isang waitress. "Hindi namin  sila kaya miss!" Wika nito at umalis. Kong wala silang magagawa pwes ako ang gagawa ng mga bagay na iyon! Pumunta ako sa Cr para isuot ang mask ko. Oaglabas ko don naabutan ko si Kuya.  "Alam mo na ang gagawin bunso!" ani niya at iniabot sa akin ang isang baril. Tumango naman ako. "What's up bitches!" murang wika ni Kuya sa mga gang na iyon. Nagulat ang mga ito sa pagsalita ni Kuya kaya napunta ang mga atensiyon nila sa amin. Lumapit kami sa kanila at napaatras naman ang iba. "That mask?" sambit ng isa sa kanila sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD