Chapter 17 - Danger

1214 Words
Chapter 17: Danger Ridge Point of View Maraming mga tao ang nadadamay ngayon dito sa restaurant pero ni isa man lang sa kanila ay walang gustong lumaban. Natatakot sila sa kung anoman ang possibleng mangyari sa kanila kapag lumaban sila. Ganon na ba kalakas ang tingin nila sa mga grupo ng lalake na mga iyon? Tsk "Andito na naman sila!" wika ng isa sa mga nagdatingan at umupo ito sa isang table. "Tignan niyo nga naman pinagtagpo ulit tayo" ani naman ng kasama nito pagkapasok dito. "Hindi parin ba kayo titigil?!" ani ni Hannah sa kanila. "Bakit naman kami titigil? Pabalang na sabi ng isang lalake. Ngayon ko lang siya nakita. Kakaiba ang kulay ng tattoo nito sa braso, isang pulang eagle. Possibleng siya ang leader ng grupo nila. "Sino ka ba para magdikta sa amin? You are not our leader para utosan kami" Nakangising wika ng isa sa kanila. Tarantado ang lalakeng to ah gusto mo bang matikman ang hell! "Well I am not your leader but I am Death. Ako si kamatayan at kahit anong oras kaya kong kitilin ang buhay niyo!" Banta ni Hannah sa kanila. Huwag niyong mamaliitin ang kapatid ko dahil mas malakas siya kesa sa inaakala niyo. Hindi siya isang pangkaraniwang babae lamang. She's good in everything lalo na sa pakikipaglaban, and she's even better than us. "I like your words!" ani ng isa sa kanila. Napatingin kaming lahat sa pinto dahil may mga nagsidatingan pang ibang kasama nito. "Kaya mo?" ani ng lalakeng may pulang tattoo "Oo nga pala, na kaya mong talunin ang mga kasama ko nong nakaraan, but for now I'm sure hindi niyo na kakayanin!" Natatawang wika ng lalakeng may pulang tattoo na eagle sa braso. "You're mistaken Mr. Red Eagle, because today I'll make sure na lahat kayo mamamatay ngayon" ani ko sakanya. Kinuha ko ang dalawang baril sa bulsa ko at nagpaputok ng sunod sunod. By the way kung nagtataka pala kayo kung bakit may dala akong palagi na baril, it is just because this is for our self defense incase of emergency like now. "s**t!" Pagmumura ko sa kanila dahil kinuha niya ang bata at tinangkang babarilin sila. Iyak ng iyak ang mga batang kinuha nila na patuloy na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nila. "Ang hilig niyo talagang mangdamay ng iba!" Madami na pala kaming natamaang mga kasamahan nito kaya naman pala naisipan niyang mangdamay ng iba. "Bitawan niyo ang mga baril niyo or else papasabugin ko ang utak ng batang ito!" Nakangising ani nito habang nakatutok ang baril nito sa bata. Napatingin sa akin si Hannah at binitawan niya ang hawak hawak niyang baril. "Nagmamakaawa ako sa inyo huwag niyong sasaktan ang anak ko" nagmamakaawang wika ng ina ng bata. Naawa ako sa bata na iyak ng iyak kaya naman binitawan ko ang hawak kong baril. Bigla nilang dinampot si Hannah na ikinagulat ko. Hinawakan ng dalawang lalake ang mga kamay nito at sinuntok nila ito sa tiyan. Hindi makakilos si Hannah dahil sa higpit ng hawak ng mga lalakeng iyon. "Pagsisisihan mo ang ginawa mo sakanya" wika ko at kinuha ko ang kutsilyo sa isang mesa. Lumapit ang lalakeng may kulay red na agila sa tattoo at aktong babarilin ako pero sinipa ko ang kamay nito at tinutukan ng kutsilyo. "This is your leader right?" Ani ko sa kanila at nanlaki naman ang mga mata ng kasamahan nito. Kasabay ng pagtutok ko ng kutsilyo sa leader nila ay nakawala naman si Hannah sa pagkakahawak nila dahil sa tulong ni Neithan. Sinikmuraan ako ng leader nila at ako naman ang tinutukan niya ng baril. Nakatakas naman agad ang bata sa kamay ng lalake kanina dahil tinulungan ito ni Neithan. Magaling din siya sa pakikipaglaban. Biglang nagsidatingan ang isang grupo ng lalake pero kakaiba sila. Natatakpan ang bibig nila ng itim na panyo at may mga tattoo silang wolf sa braso. Ano bang ibig sabihin ng mga tattoong yan? "Bitawan niyo siya" Utos ng isang lalake na may hawak sa akin at agad naman niya akong binitawan. Napaatras lahat ang mga kagrupo ng lalakeng may tattoo na eagle at nagsitakbuhan palabas ng restaurant na to. Pinuntahan ko naman agad si Hannah. "Ok ka lang?" tanong ko sa kanya at tumango naman ito. Nilapitan kami ng isang grupo ng lalakeng natatakpan ng panyo ang mga bibig nila. "Ok ka lang miss?" Tanong ng isa sa kanila. What the heck! kong makatingin at makatanong sa kapatid ki. May gusto ata to sakanya. "We should leave now" wika ko kay Hannah. Lalabas na sana kami ng harangin kami ng mga kasamahan nito. "Get off from the door, you Jerk!" Inis na sambit ko. "But before you leave, you need to talk to our leader" wika nito. "I Don't care, I'm not interested" sambit ko at umalis na doon. Sumunod naman si Hannah sa akin. "Kuya?" Tawag ni Hannah sa akin. "Bakit?" "Saan mo pinark ang motor ni Kuya Jaylord?" Tanong nito. Inilipat ko kasi kanina ang sasakyan namin. "Follow me" ani ko. Inilagay ko ang motor sa gilid ng restaurant. Habang pauwi kami ni Hannah napansin ko na may sumusunod na mga sasakyan sa amin. "May sumusunod sa atin" pagpapa alam ko kay Hannah. Napatingin naman ito sa side mirror ng motor. "You know what to do now Hannah" dugtong ko. Nagpalit kami ng puwesto ni Hannah at siya naman ngayon ang nagdrive. Well easy lang naman yon sa amin, sanay na kami sa mga ganitong eksena. Nagpaputok ng baril ang mga lalakeng nakasakay sa kotse na iyon. Kilala ko sila, sila na naman ang kinaaway namin kanina. Magaling naman magdrive si Hannah kaya hindi kami natamaan ng baril. Pinaputukan ko ang mga gulong ng sasakyan nila kaya napahinto ang mga ito sa pagdridrive at saktong nawalan narin ako ng bala. "It's now my turn Kuya" ani ni Hannah. "Ako nalang akin na baril mo" wika ko. "No way" wika nito kaya naman wala akong nagawa kondi sundin ito. Marami parin ang mga sumusunod sa amin na kaaway kaya naman pinaharurot ko na ang sasakyan. Sunod sunod ang pagputok ni Hannah ng baril at rinig ko ang pagkabasag ng salamin ng mga bintana ng mga sasakyan. "Done" sambit nito sa akin at umayos ng upo. "Goodjob" puri ko sa kanya. Nakauwi na kami at ipinark na sa garage ang sasakyan nang napansin ko ang sugat ni Hannah sa leeg. Hindi naman sariwa kaya hindi ko masasabi na nakuha niya lang kanina yan. "What happenned to your neck?" Nagulat ito sa tanong ko kaya agad agad na tinakpan niya ito sa pamamagitan ng kanyang buhok. "Don't hide it, nakita ko na" "It's just nothing Kuya" ani nito sa akin. May hindi siya sinasabi sa akin. Naglakad na ito papasok sa loob ng bahay at sumunod naman ako. Naabutan ko si Jaylord na nakatayo malapit sa pinto ng kwarto ko at naka crossed arms. "Saan na naman kayo galing?" Tanong nito. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ko. "Not for now brother I'm tired" wika ko at humiga sa kama. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Pagod na ako at gusto ko ng matulog. "Ok fine!' inis na wika ni Jaylord at lumabas ng kwarto ko at inilibag ang pinto. -*-*- Neithan Point of View Hindi ako pwedeng magkamali sa natuklasan ko. Si Hannah at ang nakamaskara na babae na encounter ko noon ay iisa. Impossible naman na nagkataon lang din na may sugat ito sa leeg nila in exact location. Umalis na kami sa restaurant na iyon at nagpahinga na sa bahay. "Max come here" aya ko sa aso ko at agad naman itong tumalon papunta sa kama ko. Kinuha ko ito at ipinatong sa kama ko. Hinaplos ko ang mga balahibo nito at agad naman itong nakatulog. Si Max ang nagpapagaan sa lahat ng mga problema ko. Biglang may kumatok sa kwarto ko. "Neithan" tawag sa pangalan ko ni Ate Angelica. "Bakit po ate?" "Kain na tayo" tumango ako at sumunod sa kanya. Lumaki ako sa lola at lolo ko simula ng pumanaw na ang mga magulang ko. "Neithan may binili akong sapatos mo kanina sa Mall" nakangiting wika ni Ate. Si Ate Angelica ay itinuturing akong parang anak, binibigay niya lahat ng kailangan ko. "Talaga ate?" "Oo at alam kong kasya sa iyo yon" ani nito sabay gulo ng buhok ko. "Salamat ate" "Sus walang anuman tara kain na tayo, tumutunog na sikmura mo" pang aasar niya sa akin. Hindi pala ako nakakain sa restaurant na iyon kanina dahil pagdating namin doon nasundan kami ng Gang na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD