Chapter 18: Smacked kiss
Hannah Point of View
Maaga akong pumasok dito sa school na to dahil palagi nalang si Neithan ang gumagawa ng mga dapat kong gawin.
Malayo sa mga bahay ang paaralan na pinapasukan ko. Halos napapalibutan na ng bundok ang Good Christian Academy. Isang oras and biyahe papunta sa school na ito mula sa bahay namin.
Naglalakad ako papunta sa Office nang mabangga ako ang isang lalake.
"Sorry!" paghihingi niya ng paumanhin.
Namumukhaan ko siya. Siya ang lalakeng naka away namin kagabi. Siya yong lalakeng may tattoo ng pulang eagle sa braso. So nag aaral din siya dito? Kung nag aaral man siya dito ibig sabihin ay kasama din niya ang mga miyembro niya dito. Maaaring oo pero maaari ring hindi.
Tinignan niya ako kaya umiwas ako ng tingin dahil baka mamukhaan rin niya ako.
"It's ok!" sabi ko at aalis na sana ng magsalita ito.
"Wait!" Ani nito kaya napahinto naman ako. Sana naman hindi niya ako namukhaan pero sa tingin ko malabo na makilala niya ako na ako yung babaeng nakamask.
"You forgot this" wika niya at iniabot ang panyo ko. Siguro nahulog ko ito kanina.
"Salamat" kinuha ko ang iniabot niyang panyo at agad nang umalis doon.
Pumunta ako sa opisina at naabutan ko na busy lahat ang mga kasama ko dito.
"Anong gagawin ko?" tanong ko kay Drake na nag aayos ng mga dokuments.
"Wala pa naman na assign na gagawin mo" ani nito na hindi man lang ako tinitignan.
"Ganon ba, tulungan na kita diyan tutal wala naman akong ginagawa" presinta ko.
"Ikaw bahala"
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa upuan nito. Sinabi na niya kung ano ang gagawin ko. Hindi naman mahirap ang ipinapagawa niya. May ibinigay siyang isang buong papel na puno ng mga pangalan at sinabi niyang ihiwalay ko ang mga dokumento ng mga taong ito at ibabasura ko na raw yung mga documents nila.
"Pero bakit ko itatapon?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala na sila dito sa school" pagputol niya ng salita. Akala ko ba wala ng pwedeng umalis dito. Possible kayang patay na ang mga ito. Hindi na ako nagtanong at sinimulan na ito.
Habang hinahalungkat ko ang mga documents, may nakaagaw ng atensiyon ko. Nakita ko ang isang documento na nagngangalang Jake Suares at ang larawan niya sa ibaba nito. Doon ko napagtantong siya nga si Mr. Red Eagle. Aalamin ko sana ang buong detalye na nakasulat dito tungkol sa kanya ng biglang kinuha iyon ni Drake sa pagkakahawak ko.
"Hindi ito kasali sa itatapon mo" aniya.
Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko nang may bumulong sa tenga ko.
"Morning" bati nito. Hindi ko alam kung sino iyon kaya nilingon ko.
Dug dug dug dug dug dug
Nanlaki ang mga mata ko ng nagkadikit ang labi namin ni Neithan.
Napaatras ako sa gulat at napagtantong nakatingin pala lahat ng mga kasama namin dito. Umupo si Neithan sa mesa ko at tinitigan ang mga labi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at lumabas sa kwarto na iyon.
Di ko alam na nakasunod pala siya sa akin kaya humarap ako sa kanya.
"Okay it is only an accident, walang ibig sabihin non" pagpapaliwanag ko. Totoo naman ang mga sinabi ko, aksidente lang naman iyon. Tinignan niya ako at natawa kaya inirapan ko siya.
"But I don't think that it is an accident" nakangising wika niya.
Lumapit ito sa akin at umatras naman ako. Ang mga ngiti nito sa labi ay parang may binabalak na masama.
"Ganun ba pag hinahalikan ang labi mo pumupula?" ani niya.
Simula ng baby palang ako, pag may humahalik sa bibig ko ay pumupula na ito. I mean paghinahalikan ako ng magulang ko. Ewan ko ba kung saan ko ito namana.
"You shut up Neithan!" inis na sigaw ko sakanya.
Biglang may tumawag na babae sa pangalan ni Neithan at lumapit ito sa amin.
"Tara na" ani ni Neithan sa babae. What the heck! Pagkatapos niya akong halikan kanina, aalis na lang siya ng ganun.
Ay oo nga pala aksidente lang pala lahat ng iyon.
"Can I borrow Neithan for an hour?" Pagpapaalam nito sa akin. Bakit naman ito magpapa alam sakin eh hindi ko naman pag mamay ari si Neithan.
Maganda siya, may pagkamaldita ang itsura nito, maputi siya at may katangkaran rin pero same lang naman kami ng height.
"Gusto mo sumama Hannah" asar na dugtong nito sa akin.
"No its okat, he is all yours" ani ko. Tinignan ako ni Neithan ng masama. Siguro hindi niya naintindihan ang mga sinabi ko.
"Ano?" Tanong ng babae.
Sus patanong tanong pa to gusto naman niyang masolo si Neithan.
"Enjoy!!!" Pagpapaalam ko sa kanila at iniwan sila doon.
Wala akong magawa kaya naglibot libot nalang ako dito sa paaralan nang biglang may lumapit sa akin na babae at humihingi ng tulong.
"Hannah tulungan mo ko!" Ani nito habang hinahawakan ang tiyan niyang dumudugo.
Anong nangyari sa kanya? Bakit siya may saksak sa tiyan?
"Halika dito" hinila ko siya papunta sa likod ng paaralan na ito para walang makakita sa amin.
"Ano bang nangyari?"
"May gustong pumatay sa akin" natatakot na ani nito habang nagmumuni muni sa paligid.
"Pero bakit?"
Magsasalita na sana ito nang may tumama sa dibdib niyang bala. May lumabas na dugo sa bibig niya at tumulo ang luha nito sa huling hininga. Ang bilis nila kaya naman wala man lang akong nagawa para iligtas siya.
"Get her!" Lumingon ako at nakita ko si Nicky na may hawak na baril kasama ang mga alalay nito.
"Ikaw ang pumatay sa kanya!"
"Isn't it obvious?!" Ani nito at kinuha na ng dalawang alalay niya ang bangkay ng babae. Wala talagang kasing sama ng babaeng to!
"You know that you're a true demon!"
"Hindi mo na kailangan pang sabihin dahil matagal ko ng alam yan " ani ni Nicky sa akin "Sa tingin mo ba ako lang ang demonyo sa paaralan na to? You're wrong Hannah, lahat kami dito ay mga demonyo" dugtong nito.
"I know!"
"Madami ng namatay pero hindi lang ako ang pumapatay" Nakangising ani nito "Pati narin ang mga taong malapit sayo!" Pagputol niya ng usapan at umalis na ang mga ito.
Ano ang ibig niyang sabihin? Sila Jaz at Eloisa lang naman ang naging malapit sa akin dito. Impossible kayang sila ang tinutukoy ni Nicky.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa Cafeteria dahil break time na rin.
"Hannah pwede ba tayong mag usap?" Ani ni Eloisa sa akin.
Bakit hindi niya kasama si Jaz? Ilang araw na rin na hindi ko sila pinapansin at nakikita.
"Ano bang sasabihin mo?" Mahinahon kong tanong.
Umupo ito sa tabi ko.
"Hannah hanggang kailan mo kami iiwasan?" Tanong ni Eloisa sa akin.
"Ano bang klaseng tanong yan Eloisa?" Tumingin ako sa kanya at halatang may pinagdadaanan ito "Akala ko ba malinaw na ang mga sinabi ko sa inyo" dugtong nito.
"Hannah?" mahinahon niyang tawag sa pangalan ko.
"May problema ka ba? At tsaka bakit hindi mo kasama si Jaz?" Nag aalalang tanong ko.
"Nasa hospital siya"
"Ano?!" Nagulat ako sa mga sinabi niya.
"Nasa hospital ang papa niya"
"Anong nangyari?"
"Inatake ng puso si Tito" ani nito. "Hannah tulungan mo ako ilang araw ng nag aabsent si Jaz at ayaw niyang kumain, ang laki ng epekto nito sa kanya" dugtong nito sa kin.
"Alam niya ba ang pwedeng mangyari sa kanya kung may absent na siyang higit pa sa tatlo"
Meron kasing patakaran dito sa school na to na kababasa ko lang kanina na pag umabsent ka ng higit pa sa tatlo lilinisin ang buong school. Oo buong school na to! Ang lawak ng school na to na lilinisin niya.
Biglang tumunog ang cp nito kaya agad niyang tinignan kung ano to. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita kung ano man iyon.
"Bakit?" Tanong ko.
"Omg!" Napatili ito ng malakas.
Ngayon ko lang pala napansin na nakatingin ang mga studyante sa akin.
"Ano ba yon?" Tanong ko "Patingin nga" dugtong ko sa kanya.
"Ayoko nga!"
"Sige na please" sabay puppy eyes.
Nacucurious na ako kung ano yon. Ipinakita niya ang isang picture and wtf! Sinong taong nagkalat ng picture namin ni Neithan na magkahalikan?. Kaya pala ganun na kasama ang mga tingin nila sa akin kanina dahil lang pala sa picture na to.
Biglang may tumabi sa amin dito sa mesa. Si Neithan at ang kasama niyang babae.
"What are you doing here!" Nakataas na kilay na wika ko.
Nakaupo si Neithan sa harap ko habang katabi niya ang babae niya.
"Kakain, bawal ba?" ani ng babae.
"Who are you? Do I know you?"
"I'm Megan Dizon" Pagpapakila nito at sabay abot ng kanyang kamay.
"Sorry hindi kase ako nakikipagkamay ng kung sino sino" ani ko at napangisi naman si Neithan sa akin.
"Well kung ganun siguro next time nalang"
"Wala ng next time"
"I think we can be friends"
"I already have and I am now contented with them, right Eloisa?"
Tinignan ko si Eloisa at tumango naman ito.
Hindi na nagsalita pa ang babae kundi kumain nalang.
Huh naspeechless sa sinabi ko.