Chapter 19 - Drake

1184 Words
Chapter 19: Drake Neithan Point of View Wala naman akong masyadong ginagawa ngayong araw na to. Nandito lang ako sa Office at nasa desk ako kasama ang ibang estudyante na may kanya kanyang ginagawa pero wala pa naman si Hannah. Saan kaya yun nagpunta? "Neithan nakita mo ba si Drake?" tanong ng isang babae dito sa akin. "Hindi bakit?" "Tawag kasi siya ni Teacher Chelsie" ani nito. Tumango ako saka siya umalis nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun si Hannah at Drake. Bakit magkasama silang dalawa? At saan naman kaya sila nanggaling? "Salamat nga pala Hannah" Nakangiting pasasalamat ni Drake kay Hannah. Anong meron sa kanila at bakit ang saya saya ng mga to. "Welcome" sambit ni Hannah kay Drake na mas lumawak ang mga ngiti sa labi. "Wow mukang good day niyo ngayon ni Hannah, Drake" sabi ng isang babae sa kanila. "Oo naman diba Hannah?" sabay tingin at saka kinindatan si Hannah. "Oo nga eh" sambit ni Hannah na ikinatawa ng mga ito. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila kaya itinuloy ko nalang ang ginagawa ko. Sus, ano naman ngayon kung tuwang tuwa sila at kung magkasama sila. As if naman may pake ako. Kahit magsama pa sila buong gabi. Tsk ano bang pinag iisip isip ko? Wala naman akong saltik. Ugh ba't bako nabwibwisit? Siguro marami lang akong ginagawa oo. Umupo na sila sa desk nila na hindi man lang ako pinansin o kaya binati. deadma lang tsk. "Drake tawag ka nga pala ni Teacher Chelsie kanina pa" ani nung babae kanina. "Bakit daw?" tanong ni Drake sa kanya at tumayo. "Hindi ko rin alam eh" wika nito. "Puntahan mo nalang kaya" Dugtong niya. Lumabas na si Drake dito at pinuntahan si Teacher Chelsie. Ibinalin ko naman ang tingin ko kay Hannah. "Where did you go?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya. "Wala may ginawa lang kami ni Drake" tugon nito na hindi man lang tumingin sa akin. "And what was that?" kuryos na tanong ko. "It's nothing" Sambit niya at tumingin sa akin. Napatingin ako sa damit nito at nakabukas ang botones niya sa taas. "What happenned to your clothes?" Tanong ko sa kanya kaya tinignan niya ito at inayos. "Nagmamadali kasi kami ni Drake kanina kaya hindi ko na naayos" wika ni Hannah. Nagmamadali? Ano bang nangyari sa kanila at ba't nakabukas ang botones ng damit niya? Don't tell me "What do you mean Hannah?" sarkastic kong tanong sakanya. "Ano bang iniisip mo?" Napakunot na noo na wika nito. "Tell me you two didn't---" "Sabi ko na nga ba yan ang naisip mo agad" Napangisi na ani niya. "Wala kaming ginawang masama ni Drake tinulungan ko lang siya sa paglalagay ng mga documents sa stock room na yon" "Paano na ganyan ang damit mo?" "Mainit kasi don at wala pang ilaw, paano eh underground yon wala pa ngang bintana" Napatango malang ako ng masagot na ang mga katanungan ko. Ganon pala. Kaya umalis nako agad at tataposin ko nalang ang mga ginagawa ko. Matapos ang ilang minuto ay maya maya ay nagring narin ang bell hudyat na break time na. "Hindi ka pa ba magbrebreak?" tanong ni Hannah sa akin. "No" agad na sagot ko sakanya. "Drake ikaw?" Tanong niya kay Drake na kararating lang. "Hah, Bakit?" "mag bre break ka, sabay na tayo?" "Sige ba gutom narin ako eh" sagot nito. Aalis na sana sila nang magsalita ako. "Drake you must finished all your work first before you go!" Sambit ko na ikinasama ng tingin sa akin ni Hannah. "Mauna ka nalang Hannah susunod nalang ako" Nakangiting wika ni Drake kay Hannah. May gusto ba si Hannah kay Drake? Kung makatingin naman sakin ng masama eh wagas. __**__ Hannah Point of View Kainis si Neithan kanina. Naglalakad ako ngayon papuntang Cafeteria ng may humila sa kamay ko papunta sa gilid ng paaralan na to at kasama niya si Nicky. "Megan" "Yes Dear!" Wika nito at sinampal ako. "Ano bang problema mo!" Sigaw na wika ko sakanya. "Ang kapal ng pagmumuka mo na pahiyain ako in front of Neithan!" "Yung mukang yan mahihiya?" Sarkastiko kong sambit habang hinihimas ang pisngi ko. Sasampalin na niya sana ako pero nahawakan ko agad ang kamay niya at sinampal ko siya ng doble doble sa mukha niya. Napahiyaw naman ito sa sobranv lakas ng sampal ko. Aba'y magaking yata ako dito. "Meg!" Nag aalalang wika ng alalay ni Nicky. "Huwag mo silang pakialaman!" Pagpigil ni Nicky sa kanya. "Hawakan niyo siya!" utos ni Megan sa alalay ni Nicky. Hinawakan ako ng mga alalay nito. "Bitawan niyo ako!" inis na wika ko. Hmpp ang unfair naman niya. Dapat may alalay ganun? "Nagkamali ka ng kinakalaban!" Sambit ni Megan na hinila ang buhok ko. Ako naman ay sinusubukang pumiglas. Natanggal ang tali ko dahil sa pagsabunot ni Megan sakin na kulang nalang ay matanggal na ang buhok ko dahil sa sakit ng paghila niya. "Ano ba!" wika ko at sinipa ko si Megan sa paa nito kaya napaupo siya sa sahig. "s**t! Nicky hawakan mo siya at huwag mong hahayaan na makawala ito!" hinawakan ako ni Nicky ng mahigpit kasama ang mga alalay niya. "Yan kase ang napapala ng mga malalanding katulad mo!" Bulong nito sa tenga ko "Ang dapat nga sa iyo ngayon sinusunog na at hindi na dapat mabuhay pa!" dugtong nito at pinaluhod ako. "Malandi? paano naman ako naging malandi eh wala naman akong ginagawang masama" Nakangising ani ko. Tsk siya nhayong malandi! "Wala?" Sambit ni Megan at tumayo ito at lumapit ito sa akin at sinapak niya ako "Anong tawag mo dito?!" Dugtong nito at ipinakita ang picture namin ni Neithan na magkahalikan. "Ano ba akala niyo ginusto namin yan?" Natatawang wika ko "Aksidente lang lahat ng yan at saka bakit naman ako hahalikan ni Neithan ang nerd na katulad ko!" Dugtong ko. Gusto kong lumaban pero ayaw ko nang palakihin pa ang gulo at baka madamay na naman sina Eloisa at Jaz sa away namin ni Megan. "Oo nga naman" Pag sang ayon ng isang alalay ni Nicky. "Tumahimik ka!" Galit na wika ni Megan sakanya bago ako binalingan. "Siguraduhin mo lang Hannah at habang maaga pa ay lumayo layo kana kay Neithan!" Dugtong nito at umalis, binitawan na rin ako nina Nicky at ang mga alipores niya. "You know Hannah, hindi lang ako ang kalaban mo o magiging kalaban mo" Paalala niya sa akin "dahil isa isa silang magdaratingan" Pagbitiw niya ng salita at umalis. Ano ang sinasabi ng babaeng to? Pinunasan ko ang dugo sa mga labi ko dahil sa pagsapak ni Megan sa akin kanina at pumunta nasa Comfort room. Pagpasok ko ay naabutan ko sina Eloisa at Jaz doon. "Hannah anong nagyari sayo" Nagaalalang wika ni Jaz. Pumasok na siya matapos ang ilang araw. Ok na ri ang papa niya, nakalabas na nga ng hospital kahapon lang at buti na lang hindi naparusan si Jaz sa pag absent niya ng matagal kundi First warning na niya at pag inulit pa niya ito ay paglilinisin na siya ng buong campus. "Wala" Mahinahon na sagot ko at nagsalamin. Inayos ko ang buhok ko at itinali ulit "Hannah may hindi kaba sinasabi sa amin?" Tanong ni Eloisa "Huwag niyo akong alalahanin ok lang ako" Ani ko at lumabas na doon "Hannah paano kami hindi magaalala sa iyo eh kaibigan ka namin!" Galit na wika niya at hindi nalang ako umimik pa. Hindi narin sila nagtanong pa at lumabas na kami ako don, sumunod sa akin ng madaanan namin si Drake. "Hannah" Napahinto kami sa paglalakad at lumapit si Drake sa amin. "Anong nagyari sa yo?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Wala lang to" Wika ko at ngumiti. "Halika" Wika niya at hinila ako papunta sa Clinic kasama ang mga kaibigan ko na nakatingin lang sa aming dalawa. "Ako na po ang gagamot sa sugat niya" Nakangiting wika niya sa isang nurse. Kinuha na niya ang cottonball at pinunasan ang mga dugo ko sa labi ko "Ouch!" Napahawak ako sa labi ko "nilagyan mo ba yan ng alcohol?" Tanong ko "Oo para hindi mainfection" Sambit niya sa akin. "Ako nalang gumamot sa sugat ko" Kukunin ko na sana pero ayaw niya. "Ako nalang huwag kang makulit diyan" Natatawa na wika nito. Napatingin ako kina Eloisa at Jazline nakataas ang kilay nila at nakacross arm pa sila malapit sa pintuan. After ilang minutes, "Tayo na gutom na ako" aya ko sakanila dahil natapos narin ang paggamot ni Drake sa sugat ko. "Sige" Wika naman ni Jaz at nauna pang lumabas sa amin. Kaya lumabas narin kami sa clinic at pumunta nasa cafeteria. "Ako na ang kukuha ng pagkain" wika ni Drake sa amin "Kaya na namin" Sambit ni Jaz. Galit ba si Jaz sa akin? "Humanap nalang kayo ng mauupuan " sambit ni Drake at umalis papunta sa pila Humanap narin kami ng mauupuan at umupo na . "Anong meron sa inyo ni Drake" Tanong ni Eloisa. "Kayo na ba?" Tanong ni Jaz. "O kaya naman ay nililigawan ka niya?" Tanong ulit ni Eloisa. Napatawa na lang ako sa sunod sunod na tanong nila sa akin. "Kayo na talaga officially??" Tanong ni Jaz sa akin. Ngayon lang sila nagseryoso sa akin ah. "Sus selos kalang Jaz" asar ni Eloisa Kay Jaz. "Ba't naman siya magseselos?" Tanong ko. "Crush niya kase si Drake" wika ni Eloisa "Dati lang naman yon" Pag aamin ni Jaz "Seriously?" Napataas na kilay ni Eloisa Parang napipikon na si Jaz kay Eloisa na kanina pa nagaasar "Paank mo naging crush si Drake?" Tanong ko. "Kase ganito yon sino namang Hindi mafafall Kay Drake na loyal at mabait atsaka gwapo pa at higit sa lahat magaling kumanta" papuri ni Eloisa. "Bakit hindi na niya crush ngayon?" Tanong ko ulit. "Ano nanamang pinaguusapan niyo!" Napipikon na wika ni Jaz sa amin. "Kase nga raw kawawa yong babaeng magiging GF ni Drake dahil sa pagiging loyal niya sa mga babae" ani ni Eloisa. "Hindi naman siguro" wika ko. "Sweet ba siya?" Tanong ni Eloisa sa akin. "Walang namamagitan sa amin ni Drake atsaka magkaibigan lang kami" Pag aamin ko. Hayst! Lahat na lang binibigyan nila ng malisya. Pumunta na dito so Drake at inipapag ang nga pagkain naming sa mesa at umupo sa tabi ko. "Drake may sasabihin ako sa yo" wika ko na napatingin saakin si Jaz. "Ano yon?" Tanong ni Drake habang nakatingin sa akin "May gusto sayo si Jaz--?" Hindi natuloy ang sasabihin ko ng takpan ng dalawang kamay ni Jaz ang bibig ko "Ah ibig sabihin ni Hannah ay gusto ko yong pagkain mo" Pagdeny ni Jaz" Tinanggal ko ang pagkatakip ng kamay niya sa bibig ko at tinignan ako ng masama si Jaz. Bakit Hindi niya pa kase sabihin ang totoo ,wala namang masama sa pagaamin ng feelings diba?. "Sige sayo na lang to at kukuha ako ng iba" wika ni Drake kay Jaz. "Biro lang yon Drake" Nakangiti na wika ni Jaz. Pagkatapos non ay tinapos na namin ang pagkain namin at pumasok na kami sa susunod na klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD