Chapter 20 - Bomb

1281 Words
Chapter 20: Bomb Kenneth Hans POV Pauwi na ako galing sa office ni Dad. Kukunin kona sana ang sasakyan ko sa parking area dito nang pagkadating ko doon ay may naabutan akong isang lalake na nakaitim at natatakpan ang muka nito ng isang itim na tela at tanging mata lang niya ang nakikita. Parang snatcher ang kilos niya at minamanmanan niya ang sasakyan ko. "Hey! What are you doing in my car?" Sigaw ko sakanya na ikinagulat niya at aktong tatakbo na sana nang agad kong kinuha ang aking baril sa bulsa ko at pinaputukan sa tabi niya na dahilan para huminto ito sa pagtakbo. "Subukan mo lang tumakas at sisiguraduhin kong bangkay na ang aabutin mo!" Banta ko. Humarap ito at inilabas agad ang baril niya at itinutok sa akin. " Ikaw ang papatayin ko!" " TSK Kung kaya mo! " nangiinsultong tugon ko at nginisian siya. Tsk akala ba niya kakayanin niya ang isang Emmerson? Tsk I'll prove to that MotherF*cker! what Emmerson Family can do! He gave me a killer smile at kinalabit agad ang kanyang hawak hawak na baril, ganun din ako. Pareho naman kaming dalawa na nakaligtas sa balang inilabas namin para isat isa. Pagka ilag ko ay pinaputokan ko ulit ang baril ko ng sunod sunod malapit sa kanya, at dahil nagulat siya ay agad din niyang pinaputukan ang kanyang baril at sinubukan akong patamaan. At dahil nga mahusay ako sa mga ganito ay nailagan ko itong lahat. And because it's my turn again, pagkakuha ko ng tiyempo ay pinaputukan ko ang hawak hawak nitong baril nang bigla nitong naihagis sa baba dahil siguro sa takot na baka tamaan ko ang kanyang kamay. Nang kukunin na niya sana ang nahulog niyang baril ay mabilis akong kumilos at pinaputukan siya ng bala malapit sa kanyang baril upang hindi siya makalapit doon dahil sa pagtatangkang kunin ulit ito. "Subukan mong kunin at babarilan kita" pagbabanta ko at itinutok ang aking baril sa kanyang direksyon. Agad itong napatigil at napaatras nang lumapit ko sakanya at kinuha ko ang baril malapit sa kaniya na nasa sahig. "What did you do in my Car?!" Tanong ko sakanya "Bakit ko naman sasabihin?" Nakangising sambit niya. "Diyan kalang" sabi ko habang tinititigan siya ng masama. Ano bang pakay niya sa sasakyan ko? Hindi kaya may masama siyang binabalak sa akin? Masama ang kutob ko sa lalaking ito. "Hands off!" wika ko at lumapit sa kanya habang nakatutok ang baril ko sa kanyang mukha. "Wala kang makukuhang impormasyon sa akin" Natatawang wika nito at itinaas ang kanyang kamay. Lumapit ako sakanya at kinuha ang dalawang kamay niya at inilagay sa kanyang likod at pinosasan. "What are you talking about Mr. Stranger?!" Sabi ko at pinaluhod siya. Hindi ito nagsalita, imbes ay tumawa siya na parang baliw. Dahil sa hindi na ako nakapagtimpi sa kanya ay tinutukan ko ang ulo niya ng aking baril at tinanggal ang kanyang suot na Maskara. May pagkatanda narin siya at singkit ang kanyang mga mata. Dapat ko ba siyang galangin dahil mas matanda siya kesa sa akin? Tsk he don't deserve to be respected. "Tiktak tiktak tiktak....." paulit ulit na wika nito habang tinitignan niya ang kanyang relo. "Sabay na tayong mamamatay!" Dagdag pa niya. "What are you talking about?" What is he talking about? Mas lalo akong kinukutuban sa bawat pagbitiw niya ng mga salita. Habang naiinis at hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya ay bigla nalang nahulog ang kanyang wallet sa sahig. Agad ko naman siyang inunahan at kinuha ko ito. Binuksan ko iyon at nakita ko ang picture ng kanyang asawa at ang kanyang anak. "Is this your family" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagkanerbyos at takot sa kanyang mukha. "Huwag mong pakealaman iyan!" "Are you going to tell me kong anong pakay mo sa akin or sino ang may pakana nito or,..... nakikita mo ito?" Ipinakita ko sakanya ang picture ng kanyang pamilya at itinutok ko ang baril sa larawan nila. "Please huwag mo silang idamay, ako nalang?" Sabi nito tsaka lumuhod ito sa harap ko habang nakaposas parin ang dalawa niyang kamay. Mukang responsable din siya. Makikita mo ito sa kanyang mukha kung gaano niya minamahal ang kanyang pamilya. Mukang naiipit lang ito at napwersahang gawin ang mga bagay na'to. "Then magbigay ka ng raso kung bakit hindi ko dapat idamay ang pamilya mo?" Hindi ako ganun kasamang tao na pumapatay nalang ng basta basta at nangdadamay pa ng iba. Ito lang kase ang naisipan kong paraan para mapaamin siya at nang matulungan din siya sa sitwasyon niya kahit papano. "Kailangan mo na nating lumayo dito!" Nerbyos na sabi niya habang nakatingin sa sasakyan ko. "Bakit?" Tanong ko. "May nilagay akong bomba sa sasakyan mo!" sambit niya "What?! You put bomb? What the heck" Wtf! Bomba? Aktong aalis na sana ako nang may sumulpot sa harapan ko. "Xavier anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kapatid ko. Aba nagcutting na naman ba to?  ok lang naman kong magcutting siya sa classes niya dahil matalino naman na ito, but still . Pero dahil alam naming may pinagkakaabalahan lang naman itong importante kaya nagagawa niya iyon ay hinahayaan namin siya,pero hindi sa school.  At sa ngayon ay alam kona kung bakit siya nagcut. "Sinusundan ko ang isang yan?" itinuro niya ang lalakeng kaaway ko at aalis na sana pero nasunggaban agad ni Xavier. "Wala kana ngayong kawala" ani ni Xavier sa kanya. "Wait paano yong bomba?" Palusot nito. "Wala na yon" sabi ni Xavier. Kahit nagtataka ang lalake ay hinayaan nalang ito. Alam kona na nagawan na ni Xavier ang paraan ang bomba. Alam kong deactivated na yun ngayon. "Iharap mo nga yan sa akin" utos ko kay Xavier at inilapit naman niya ito. "Gusto mo bang ipasok kita sa loob ng sasakyan na iyon at sumabog ka?" Wiko ko sa lalake. "Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag!" "Awa?" Napatawa si Xavier "Naawa ka ba sa kuya ko ng nilagay mo yan!" Galit na dugtong ni Xavier habang pinapasubsub ang lalakeng iyon sa sahig "Nagawa ko lang naman yon dahil iniutos lang sa akin at kailangan ko ang pera para sa gamot ng aking asawa dahil may sakit ito at malala na ngayon" sagot niya. "Akala mo ba maniniwala kami sa yo?" wika ko. "Kahit na gusto kong sabihin kona kung sino ang may pakana ng to ngunit natatakot ako. Nasa panganib na kami ng pamilya ko kung hindi ko gagawin ang utos nila!" Nagtatakot na wika nito. So ganun pala. Nandamay pa yun ng mga inosente. Walang awa! Hmm pwede naman namin siyang tulungan eh. Basta huwag na huwag niya lang kaming kakalabanin ulit. Kayang kaya ko ding gamutin ang Misis niya. " Tell us what is behind all of this" command ko sa kanya. "Huwag niyo pong sabihin na sinabi ko sa inyo" "Wag niyo pong idadamay ang pamilya ko" dagdag pa nito. "Just say it now!" Pinikit niya ang kanyang mata at hindi nito matuloy tuloy ang kaniyang sasabihin. Kinuha ko ang bombang inilagay niya sa gulong ng sasakyan ko na ikinagulat niya at ipinagtaka. "Gusto mong ipakain ko to sayo?!" inis na sabi ko. Umiling ito at pumikit uli "S-s-s-sssi" "Tell me or else I'll---" "Ang kaaway ng Daddy niyo na nagpabagsak sa kanilang posisyon na mas ikinagalit nila at ngayon ay naghihiganti sa inyo at muling naghihikayat na kunin ang inyong pwesto. Si Do-" "Sabi ko na ngaba, andito na naman sila tsk" sabi ko, hindi pinatapos ang kanyang sinasabi. "Well alright, we can secure your family including you" sabi ko sakanya. Makikikita dito ang ang pagkalma, at pagiiba nito ng mood sa kanyang muka. "Maraming salamat iho" sabi ng lalake. "Kailangan na nating doblehin ang pagmamanman,... halika na kayo at pumasok tayo sa building" aya ni Xavier. Hindi nga ako nagkamali sa ininiisip ko. Isa sa lang sa mga napabagsak ni Dad ang mga may pakana nito. Sa dinami dami ba namang taong napabagsak ni Dad na gustong gumanti mula sa amin. Hindi naman talaga namin gagawin yun, lumaban lang naman kami. Hindi kasi nila kami matalo talo ang posisyon ni Dad. Ito ang dahilan kong bakit palipat lipat kami ng bahay dahil simula nang namatay ang mama namin ay sinubukan ni Dad na ilayo kami at ilagay sa ibang bansa para mailayo sa kanila dahil sa kagustuhan nilang patumbahin kami at patayin. Kami ay palipat lipat magsimula nung nakidnap si Ridge, ang isang kambal sa pamilya namin. Kinidnap siya ng isa sa mga tauhan ng kalaban ni Dad. Dati akala namin ay mahina siya sa pakikipaglaban, pero pinatunayan niyang kaya niyang lumaban at iligtas ang sarili niya nang makaligtas ito sa kamay ng kalaban. Hinila ni Xavier ang matandang lalake na to at dinala namin siya kay Dad na nasa loob ng office niya. "Hello mga anak, ba't andito kayo?" Naunang tanong ni Dad sa amin "Sino yang kasama niyo?" Dugtong pa niya. "Hello din Dad, we just met him kanina dad, actually, he tried to put bombs in my car" mahinahon kong ani kay Dad. Biglang sumama ang tingin ni dad at masamang tinignan ang lalakeng iyon at nilapitan ito. "You! Don't try to undertake my childrens, or else I'll be the one who will kill you!" galit at diin na sigaw ni Dad sa lalake tsaka niya ito sinuntok ng sunod sunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD