Chapter 6: First Warning
Jazlene POV
May pasok na naman kami bukas dahil tapos na naman ang weekend. Kaya naman ginigising ko tong tulog mantika kong kaibigan.
"Eloisa gising!!" Gising ko kay Eloisa na mahimbing ang tulog habang pinapalo ko ng unan.
Nakatira sa bahay namin si Eloisa kasi malayo ang bahay nila papunta sa school namin kaya naisipan kong patirahin nalang siya dito kasi palagi siyang late sa klase namin. Ok lang naman kina mom at dad na tumira siya dito dahil matagal na kaming magkaibigan at itinuturing narin nila si Eloisa bilang isang anak.
"Walang pasok ngayon!" naiinis na sabi nito at inayos ang kumot.
"Anong walang pasok? Monday na ngayon!!" Pagpupumilit ko sa kanya.
"Maaga pa naman"
Nakakainis naman ang babaeng to siya kaya ang naglagay ng alarm clock dito para maaga magising tapos siya rin naman ang hindi babangon.
"Sunog!!!" Sigaw ko at agad naman siyang bumangon at nataranta sa pagsigaw ko.
"Asan? Asan?" Paulit ulit na tanong nito na nakatingin na ngayon sa labas ng bintana.
"Joke lang!" wika ko at natawa sa reaksiyon niya.
"Nakakainis ka!" wika nito tsaka ako pinalo palo ng unan niya.
"Tama na nga!"
"Tara na kain na tayo" wika ko at lumabas na kami sa kwarto.
"Nakakainis ka Jaz sinira mo ang panaginip ko!" inis na wika nito na kinakamot ang gulong buhok.
"Ano na aman ba yang panaginip mo huh?" Tanong ko habang naglalakad.
"Yong Prince charming KO!" wika nito habang napakunot noo naman ako. Duh!
Pumunta kami sa kitchen at nadatnan doon si mommy at daddy na nakaayos na sa mesa.
"Good morning mom, dad!" bati ko at humalik sa pisngi nila. Ganun din si Eloisa.
"Good Morning Tita and Tito!" Eloisa
"Umupo na kayo at ng makapag simula na tayong kumain" aya ni dad habang nakangiti kaya umupo na kami.
"Ano bang pinagtatalunan niyo ni Eloisa?" Tanong ni mom sa'min. Rinig niya siguro kami.
"Napanaginipan niya daw po ang prince charming niya Mommy!" bulgar ko na ikinatawa nila.
Palagi niyang sinasabi sa amin na malapit na daw dumating ang prince charming niya! Nababaliw na ata talaga siya sa kakahintay.
--*-*--
Hannah POV
Maaga akong pumasok sa school at papunta palang ako kaya hindi ko pa nakikita ang dalawa. Alam niyo na sina Eloisa at Jaz. Oo, Jaz nalang daw itawag ko sa kanya. Mahaba daw ang Jazlene. At tyaka friend ko naman na daw siya kaya nickname na daw niya ang gagamitin ko.
Nasa pathway ako ng madaanan ko si Neithan.
"Sorry." paumanhin nito at napatitig sa akin. Sana hindi niya ako makilala. Kaya agad akong umilag tsaka pumasok nasa classroom namin.
"Good morning, Hannah!" Sabay na sigaw nina Jaz at Eloisa na ikinagulat ko.
"Grabe kayo aatakihan ako sa puso niyan!" Biro ko kaya napangiti sila. Maya maya andiyan narin ang teacher namin kaya ibinalin ko nalang sa harapan ang tingin ko.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin ang klase namin kaya deretso na kami sa cafeteria pero pupunta muna akong cr kaya nagpaalam muna ako sakanila.
"Cr lang ako." paalam ko.
"Samahan ka na naming." Nakangiting wika ni Jaz.
"Huwag na mauna na kayo sa cafeteria. Susunod nalang ako." sabi ko at pumunta na sa comfort room. Pagpasok ko may naabutan akong babaeng nag aayos ng buhok sa harapan ng salamin.
Binuksan ko ang isa sa mga pinto papasok sa cubicle at gulat na gulat sa nakita sa loob nito. Bumungad lang naman ang isang babaeng may tali sa leeg na duguan. At nakamulat parin ang mga mata niya. Napataas ang balahibo ko sa nakita ko nang biglang sumigaw ng malakas ang babaeng kasama ko sa loob ng Cr nang makita rin nito ang nakabulagtang babae sa loob ng cubicle.
Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ako makagalaw hanggang sa namalayan ko nalang na marami na pala kaming estudyante ang nakapalibot sa Cr at tinitignan ang babaeng nagbigti.
"Hindi siya nagbigti!" Narinig ko na wika ng isa sa kanila. Gusto ko ng umalis dito pero hindi ako makagalaw dahil sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang biglang may humila palabas sa akin.
"Ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Eloisa pero hindi ako makakibo.
Bakit? Sa pagkakaalam ko ay normal ang school na pinasukan ko. Pero parang may hindi tama, may kakaiba. Bakit parang may mali.
--*-*--
Jazlene POV
Nagulat kami sa sinabi kanina ng babae na may patay daw sa Cr kaya agad agad naming tinahak ang daan papuntang Cr dahil andodoon si Hannah.
Naabutan namin ang mga estudyante sa labas kaya naman sumingit nalang kami at agad na inabot si Hannah na nakatayo sa harap ng nagbigting babae kaya hinila namin siya palabas. Mukhang siya ang unang nakakita sa babae. Kanina pa kami nagtatanong sa kanya pero hindi niya kami sinasagot. NA-shock ata.
"Kuha lang ako ng tubig ni Hannah." pagpapaalam ko kay Eloisa na tumango lang.
Habang naglalakad ako para kumuha ng inumin ay may biglang nagsalita na medyo malayo sa akin.
"Do you like the game?" Tanong nito kaya napalingon ako.
"N-Nicky?"
"Yes dear, did you miss me?" wika niya at tumawa. Her laugh is like a Demon.
"No. Never!" galit na sagot ko.
"Oh dear. Kung ako sayo lalayuan ko na si Hannah" sabi pa nito habang pinapaikot ang kanyang buhok sa daliri nito.
"Pwede ba Nicky tama na!" sigaw ko at lumapit siya sa akin.
"This is just only a warning my dear!" Nakangising pagpapaalala nito at agad naman na umalis.
Nagpakawala ako ng malim na hangin bago bumalik nalang sa Cafeteria at kumuha ng isang bote ng tubig at pumunta na kina Eloisa at Hannah.
"Uminom ka muna," wika ko at iniabot ang tubig kay Hannah.
"OK ka lang ba?" Tanong sa akin ni Eloisa.
"Huh! oo naman,"
"Bakit pinagpapawisan ka?"
"Ah, tumakbo kasi ako"
Bumalik na kami sa classroom namin. Makalipas ang ilang oras ay na-dismiss na kami at umuwi na ng bahay. Nasa kwarto ako kasama si Eloisa na gumagawa ng Assignment.
"Eloisa?" Mahinahong tawag ko saka ito lumingon sa akin.
"Bakit?"
"Layuan na natin siguro si Hannah?" sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
"May problema ka ba kay Hannah?" tanong nito.
"Wala," sagot ko at humiga sa kama.
"Jaz umamin ka nga sa akin. May inililihim ka ba?" tanong niya.
"Wal--" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang--
"Jaz kilala kita. Na- usap ba kayo ni Nicky!" tanong nito at bumangon.
"Oo" wika ko at umayos ng upo.
"Yan ba ang sinabi niya? Binalaan ka ba niya?" tanong nito. Kilalang kilala niya talaga ako kaya mahirap akong maglihim sa kanya.
"Eloisa paano kung mangyari ulit ang nakaraan" tanong ko at tumulo ang luha ko.
"Ayokong mawala kahit na sino man sa atin Eloisa! Hindi ko kakayanin!" Naiyak na pahayag ko kaya napayakap siya sa akin.
"Jaz alam ko pero lalaban ako. Naiintindihan kita kung pinanghihinaan ka ng loob" Sa aming dalawa, si Eloisa ang matapang at ako naman ay madaling panghinaan ng loob, sabihin nalang nating mahina ako.
"Eloisa paano kung mapahamak ka?"
"Huwag mo akong alalahanin kung mamamatay man ako atleast this time maipaghihiganti ko nasi Sofie!" Walang takot na saad nito.