Chapter 5 - Help

1753 Words
Chapter 5 - Help Hannah Point of View Limang araw na ako dito sa Good Christian Academy. Ang bilis ng araw at wala kaming pasok bukas kasi weekend nanaman. "Hannah tara na, uwi na tayo" Aya nila Jaz. Sa totoo lang ayaw ko nang magkaroon ng mga kaibigan dahil sa nangyari noon, mahirap talagang magtawila ng lubosan sa mga tao pero minsan kailangan natin sila. Kahit anong gawin ko na pag-iwas sa mga taong yun lalapitan parin nila ako, I'm just affraid na may mangyayari sakanila lalong lalo na ngayon na parang iba ang kutob ko sa banta ng babaeng si Nicky. Hindi ko man mapagkakatiwalan sila ngayon pero kapag napatunayan na nila na totoo sila baka magbago ang isip ko at tanggapin sila. Komportable rin ako sa kanila, madali lang naman iadapth ang sarili ko sa ibang tao maliban lang sa mga taong masama ang intensyon at parang matagal ko narin silang kilala kung ituring nila ako. Ano ba nakita sakin ng mga to? "Sige!" tumango nalang ako saka kinuha ang bag at lumabas nasa classroom namin kasama sila. Habang naglalakad kami naalala ko ang mga nangyari sa akin noong first day ko palang dito. Noong nakabangga ko si Nicky. Speaking of Nicky, bakit hindi na nagpaparamdam ang babaeng yon? "Wala ba kayong napapansin?" Tanong ko at napatingin naman sa akin sina Eloisa at Jazlene. "Napapansin? Ang alin?" takang tanong ni Eloisa na napahinto na sa paglalakad. "Bakit hindi nagpaparamdam si Nicky?"Nagtatakang tanong ko at nagkatinginan naman ang dalawa. "Bakit? ayaw mo ba?" biro ni Jazlene at ipinagpatuloy na ang paglalakad. "Seryoso ka?" tumawa si Jazlene. Nakakainis talaga ang babaeng to, palagi nalang biro ang sinasagot niya sa akin. "Siguro ay may plano yon na siguradong hindi natin magugustuhan" Napatigil sa pagtawa si Jazlene at napahinto ako bago sila napahinto rin. Anong sinasabi ni Eloisa? Ano bang nalalaman nila sa babaeng yon? Ano bang sinasabi niyang plano niya na tiyak na hindi namin magugustuhan? Kuryos lang ako pero kahit anong sabihin o gawin nun ay hindi ako natatakot sa kanya. Kong demonyo siya, kaya kung lampasan ang kademonyuhan niya. "Anong ibig mong sabihin Eloisa?" natanong ni Jazlene. "Matagal na tayo dito Jaz. Alam kong kilala mo ang ugali ng babaeng yon" Pagtama ni Eloisa na nakatitig kay Jazlene "Ihanda nalang natin ang mga sarili natin sa anumang mangyayari!" dugtong pa. Maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko tungkol kay Nicky. Ayaw ko naman na malaman ang mga kasagutan sa kanila dahil gusto ko na ako mismo ang makatuklas ng mga sagot sa mga katanungan ko. "Hannah, andiyan na ang sundo mo" pagpapa alam ni Jazlene at itinuro ang sasakyan na palapit nasa amin. "Ihatid ko na kayo?" Nakangiting aya ko sa kanila nang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan. "Hannah tara na!" wika ni Kuya Clifford at isinarado na ang bintana ng sasakyan na nagpatulala kina Jazlene at Eloisa. " H-huwag na lang Hannah" Tulalang wika ni Jazlene. "S-sa susunod nalang" dugtong pa ni Eloisa na nakatingin sa nakasaradong bintana ng sasakyan. Hayst! Palagi nalang silang natutulala kapag nakikita nila ang mga kuya ko. "Sige mauna na ako" paalam ko sa kanila at pumasok na sa loob ng sasakyan. "Kuya Clifford bakit ikaw ang sumundo sa akin?" Tanong ko. "Bakit ayaw mo ba?" balik nito at pinaandar na ang sasakyan. "Hindi naman kuya pero diba busy ka sa work mo?" Oo may work na si kuya Clifford. Siya ay isang Professional na Doctor. Marami ang gustong kumuha sa kanya simula ng makagraduate siya. Naipasa niya agad ang kanyang board exam at siya ang nangunguna. c*m laude kaya siya kaya naman madali lang para sakanya na makahanap ng trabaho. "Day off ko ngayon" Nakangiting sagot ni kuya. "Saan ba tayo pupunta kuya?" tanong ko dahil iba ang daang hinatak niya. "Ililibre kita tutal maaga pa naman" Nakangiting sagot nito. Maaga kasi kaming dinismiss ng guro dahil may meeting daw sila. Hininto ni kuya ang sasakyan sa parking area dito sa isang restaurant. Pagpasok namin tinignan ko ang bawat detalye ng lugar na to. Ang class ng dating pati ang mga gamit dito pati mga furnitures mukhang mamahalin. "May I have your order sir, ma'am?" bungad ng waiter at ibinigay ang menu. Agad naman inaabot non ni Kuya at pumili na ng kakainin namin pagkatapos ay ibinalik rin niya ito. Maya maya ay nandito na rin ang order namin kaya sinimulan naein naming kumain at mag usap. Makalipas ang ilang oras tapos na kaming kumain at umuwi na sa bahay. Agad kong hinatak ang hagdan papuntang kwarto. Pagkarating ko sa kwarto ko ay napatingin ako sa salamin. "Mukhang napadami ako ng nakain this week" nasabi ko sa'king sarili. Tinanggal ko ang eye glasses ko at itinali ang buhok ko into pony at isinuot ang work out clothes ko na black sports bra at leggings tsaka kinuha ang jacket ko at bumaba. "Kuya saan dito ang Gym?" Tanong ko Kay kuya Clifford na nanonood ng TV. "Magpahatid ka nalang kay Manong Albert" utos nito na mukhang ayaw niyang maisturbo sa pinapanood niya. Si Manong Albert pala ang bagong driver na kinuha ni Daddy. Marunong naman kaming lahat sa pagdridrive pero kumuha pa din si Daddy. --*-*-- Neithan POV Natagalan kami sa school kanina kahit maaga kaming nadismiss dahil naglaro kami ng basketball ng mga katropa ko. Pauwi na kami ngayon ng biglang napahinto sa pagmamaneho si Calix. "Oh s**t!" Pagmumura niya sa sasakyan. "Bakit mo hininto ang sasakyan?" Tanong ko sa kanya na mukhang may problema. "May nadaanan tayong matulis na bagay kaya hayan nasira ang gulong" Naiinis na wika nito. Buti nalang at hindi ko ginamit ang sasakyan ko ngayon. "Tsk! Kaya mo naman yang palitan!" sabi ko at lumabas na ng sasakyan pati narin si Calix. Medyo lumalalim na rin ang gabi. "That's not a problem!" tugon nito habang nakatingin sa gulong. "Paano tayo makakauwi niyan?"dugtong niya at kinuha ang cellphone at may tinawagan. Siguro ay tumawag ito ng mekaniko. Medyo natagalan pa kami dito bago dumating ang mekaniko. "Mauna na ako!" Paalam ko at napatingin naman sa paligid si Calix. "Nasaan yung sasakyan mo?" Tanong nito habang nakakunot ang noo. "Maglalakad nalang ako" sagot ko at naglakad na paalis. Naisipan ko nalang na maglakad kase mahirap na ang makakuha ng sasakyan sa gabi. Iniwan ko nalang si Calix doon at ang mekaniko. Malayo layo narin ang nalakad ko nang may naabutan akong mga grupo ng mga lalake na binubugbog ang isang lalake. "Hoy! Wala ba kayong ibang magawa sa buhay niyo?" Galit na sigaw ko at natigilan naman ang mga lalake sa pagbubugbog sa tao. "Wala nga eh..broo" sabi ng isang lalake "gusto mo bang ikaw ang isunod namin dito sa lalakeng to?" Nakangising wika nito at itinuro ang isang lalake na duguan na ang labi at ibang pang parte ng katawan nito dahil sa pambubugbog na natamo. Binitawan siya ng dalawang lalakeng nakahawak sa kanya kaya naman agad itong tumakas. Saktong babarilin na sana nila ito ng mapigilan ko sila. --*-*-- Hannah Point of View Kinuha ko ang towel sa bag ko at pinunasan ang pawis ko. Katatapos ko lang mag work out sa gym kaya pauwi na ako. Hindi na ako nagpasundo dahil medyo malapit naman na ang bahay namin dito. "Ate alis na ako" paalam ko sa nagbabantay sa gym na ito. "Sige magsasara na din ako" Nakangiting wika niya. Tumalikod na ako at kinuha na ang aking bag at isinuot ang jacket ko tsaka lumabas na ng gym. Madilim na ang paligid pero buti nalang may street light na nagbibigay liwanag sa daan. Habang Naglalakad ako ay may naabutan akong mga lalakeng naka itim ang mga damit at naka sombrero na may hawak na mga maliliit na kutsilyo at ang iba naman ay may baril at pamalo. Napansin ko ang isang lalake na lumalaban sa walong lalakeng to. Parang familiar ang lalakeng iyon? hindi ko naman mamukhaan ang lalakeng iyon dahil medyo malayo ako sa kanila. Napatingin naman ang isang kasamahan niya na lalake kaya nagtago agad ako sa likod ng isang malaking basurahan. Kawawa naman siya kung hindi ko siya tutulungan. Biglang may narinig akong putok ng baril. Binuksan ko ang bag ko at agad naman na kinuha ang mask na bigay sa akin ni Kuya Jaylord. Sinuot ko ito bago lumapit sa kanila at umupo sa isang bench na malapit doon. Natigilan silang lahat at tumitig sa akin. "Ang duwag niyo naman" pang aasar ko sa kanila. At tinignan ang isang lalaking pinagtutulungan nila. Kilala ko siya! Siya si Neithan na, yung kaklase ko at seatmate ko pa. May lumapit na isang lalake sa akin. "Duwag? Bakit mo naman nasabing duwag kami?!" Inis na balik nitong tanong habang tinititigan ang baril niya. "Hindi niyo kasi alam lumaban ng patas diba?!" sabi ko. Actually hindi ako natatakot sa kanila dahil kaya ko silang gulpihing lahat kahit na may armas pa sila. Since bata palang ako ay tinuruan na akong humawak ng baril at iba pang armas. Kaya kayang kaya kong protektahan ang sarili ko. "Kung ako sayo miss umalis ka na dito kung ayaw mong ikaw ang isusunod namin" babala sakin ng isang lalake na may hawak kay Niethan na mukhang nanghihina na. Ngumisi ito na nag pangisi rin sa akin ng nakakaloko. "What if ayoko" suway ko sa kanila habang nakangisi. Humalakhak naman ang mga kasamahan niya. "Wow huh matapang ka!" sabi ng isa sa kanila. "So ayaw mo?" Pagbabanta naman ng isang lalakeng nakahawak ng baril "Magdasal ka nalang kase ito na ang katapusan ng buhay mo!" Natatawang wika nito at itinutok sa akin ang baril. "Sigurado ka?" Tanong ko "baka ikaw pa ang mauna" dugtong ko at sinipa ang paa nito at agad naman na napatumba siya kaya agad ko namang nakuha ang kanyang baril at itinutok sa ulo nito. "Now sino ngayon ang unang mamamatay?" Wika ko sa kanya at makikita sa kanyang mukha na kinakabahan at natatakot ito. "Subukan mo akong patayin at papasabugin ng kasama ko ang utak ng lalaking iyon!" banta nito at itinuro si Neithan na agad naman na tinutukan ng baril ng nakahawak sa kanya. Binitawan ko ang baril at agad kong pinaputukan ang kamay ng lalakeng nakahawak kay Neithan kaya nabitawan niya ang kanyang baril at nakuha naman agad nito ni Neithan. Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ng dalawang lalake at akto sanang sasaksakin ako ng kutsilyo na hawak nito pero hindi ito natuloy dahil binaril agad ni Neithan ang dalawang lalake kaya nagsitakbuhan laman ang mga natira palayo. "Mga Duwag!" Inis na wika ni Neithan habang pinupunasan ang dugo sa labi nito at napapatitig sa akin. "Bakit mo ako tinulungan?" tanong nito at lumapit sa akin. "Walang na bang ibang rason sa pagtulong sa isang tao." wika ko at kinuha ang aking bag at paalis na sana ng hinawakan niya ang kamay ko. "Who are you?" Tanong nito at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Hindi mo kailangang malaman kung sino ako" sabi ko at agad na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD