Chapter 4: Streetfood
Jazlene POV
Sa wakas tapos na ang klase namin. School policies at mga rules lang naman ang diniscuss ng teacher namin ngayon.
Meron kaming planong puntahan ni Eloisa ngayon. Matagal narin kaming hindi nakakapunta dun sa paborito naming puntahan lalo na kung maluwag ang schedule. Balak naming isama sa pagkakataong ito si Hannah. Sana magkaayos na kami. Ngayong hindi na niya kami pinagtatabuyan, hindi tulad noon na ang hirap lapitan at palagi nalang nagsusungit.
"Hannah, sama ka?" Nakangiting aya ko.
"May gagaw---?" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang mag salita si Eloisa.
"Sige na please para naman makabawi ka sa amin." nagmamakaawang sambit nito at nagpa-cute.
"Ok fine. Saglit lang tayo." halatang pilit na sang-ayon ni Hannah kaya hinila na namin papunta sa favorite place naming. Nilakad na kami since hindi naman kalayuan dito.
"Where are we going?" Tanong ni Hannah na nakataas ang kilay. Napakamaldita talaga niya.
"Basta huwag kang mag alala malapit na tayo." sagot ko at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nandito sa kami sa destinasyon namin.
"Andito na tayo!" Masayang wika ko at napatingin kay Hannah na nakakunot ang noo.
"Hindi mo ba alam kung saan to?" Tanong ko.
"Andito tayo sa pinakamalawak na streetfood dito sa village na to!" Mukhang kami lang ang excited ah.
"I know that this is a Street food place but the thing is anong gagawin natin dito?" naguguluhan niyang pinagmasdan ang kapaligiran hanggang sa dumako ang tingin niya sa gawi namin na hindi parin natatanggal ang expresyon sa mukha.
"Para kumain?” Hindi ko alam kung anong nasa isipan niya. Pero hindi pa ba halata na kakain ang punta naming ditto. “bakit ayaw mo? favorite kaya namin tong place na to, diba Eloisa?" tumango naman agad ang katabi ko.
"Magsimula na kaya tayo. Halikayo bili na tayo. Libre ko." Panghihikayat ni Eloisa at hinila hila si Hannah.
Kumuha ako ng stick at fishball nang mapansin ko na nakatingin lang si Hannah sa mga pagkain. Wala atang balak kumain nito. Sandali, don’t ell me di pa siya nakakatikim. Kaya naman pala! Ba’t ngayon ko lang naisip. Siguro hindi pa niya natikman ito dahil tumira siya sa ibang bansa.
"Tikman mo to Hannah masarap to." pang aaya ko at kumuha ako ng stick na may fishball at isinawsaw sa sauce at iniabot sa kanya.
"What is that?" Tanong nito tila nagdalawang isip na kinuha ang iniabot na stick.
"Fishball ‘yan. Masarap ‘yan at hindi nakakamatay." sagot ko kaya dahan-dahan nitong tinikman ang fishball. "Masarap ba?" tanong ni Eloisa.
"Hmm… Not bad." sagot ni Hannah habang nginunguya ang pagkain.
"Ano po to?" tanong naman niya ulit at itinuro niya ang qwek qwek.
"Ah, ‘yan, qwek qwek ‘yan, hija." Nakangiting sagot ng Ale.
"Ang ganda mo naman Hija." puri ng nagtitinda kay Hannah. Totoo naman ang sinabi niya. Maganda si Hannah kahit pa nagbibihis-nerd. Hindi ko alam kung pansin din ba ng mga schoo mates namin yun pero hindi niya ako naloko. AT tsaka kahit na man na ganyan ang bihis niya ay kakaibiganin parin naming siya. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo. Siguro sa iba, oo, pero sa’min ni Eloisa, hindi.
"Bago ka lang ba dito?" tanong ulit ng nagtitinda.
"Opo.” Nakangiting sagot ulit ni Hannah.
Medyo natagalan kami sa lugar na ‘yon. Nagsisimula na kasing magdilim kaya nagpasundo nalang ako.
"Nagpasundo na pala ako. Parating na ‘yon.” Nakangiting wika ko at tumingin kay Hannah na napahawak sa tiyan niya.
"Ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko ngunit bigla nalang siyang nagsuka.
"Hannah!" Sigaw ni Eloisa at matutumba na sana nang agad namin siyang sinalo. Saktong dumating ang sundo naming kaya mabilis naming siyang binuhat at dinala sa hospital.
Hannah POV
Napadami ako sa pagkain ng mga streetfood kanina. Hindi naman sa wala akong ideya sa mga tinda nila doon. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganoong pagkain. Sadyang ayaw ko lang silang tanggihan at gusto ko lang na sabayan sila.
"Hannah, sorry. Sana hindi kanalang namin pinilit." nakayukong wika ni Jazlene.
"Ano ba kayo. Walang may kasalanan. Ok na ako." Nakangiting tugon ko nagbabakasakaling bawasan ang guilt na nararamdaman nila. Kinakausap ko lan silang nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Doctor.
"Doc, ok na po ba si Hannah?" Nag-aalalang tanong ni Eloisa.
"Don't worry, she's fine now." wika nito at lumapit sa akin.
"Ano bang kinain mo Hija?" Tanong ng Doctor. Napatingin ako kay Jazlene.
"Hm..street foods po." sagot ni Jazlene.
"Kaya naman pala, hija. Your stomach is sensitive at hangga’t maaari ay bawas bawasan mo ang pagkain na mga street foods." pagbibigay alam nito kaya tumango ako. Pagkatango ko ay bumukas ang pinto at pumasok dito si Kuya Hans na naka office attire tsaka lumapit sa akin. Kagagaling niya siguro sa office.
"What happened? Are you alright?" Nag aalalang tanong nito na hindi matanggal ang tingin sa’kin.
"I need to go." paalam ng doctor at lumabas na ito. Napatulala na lang sina Eloisa at Jazlene na nakatingin kay Kuya. Gulat na sila niyan sa kuya ko?
"Anong sabi ng Doctor?" Tanong ni Kuya Hans.
"My stomach is sensitive. I should avoid eating street foods." sagot ko. Hindi na nakakapagtaka kung bakit kasi since bata pa lang ako ay sensitive na ang stomach ko.
"Kailan ka pa natuto kumain ng mga street foods?" Seryosong tanong ni kuya hawak ang magkabilang braso ko nang biglang nagring ang phone niya. Kaya kailangan niya munang magpaalam upang lumabas para sagutin ang telepono.
"Ok lang ba kayo?" Tanong ko kina Jazlene na tila na-paralyze sa pwesto.
"Kuya mo siya?" Tulalang tanong nito.
"Oo, bakit?" tanong ko pabalik.
"Ang gwapo niya girl!" kinikilig na wika nito at tumango lang si Eloisa na namumula ang mukha. Biglang pumasok si kuya at napatulala na naman sila.
"Uhm Hannah mauna na kami." paalam nila Eloisa.
Tumango lang ako bagp sila lumabas na at pulang pula nang matamaan ang titig ni Kuya.