Chapter 22 - Clue

1523 Words
Chapter 22: Clue Hannah Point of view Kararating ko lang sa eskwelahan at papunta na akong SSG office nang bumangad sa akin ang mga estudyanteng nagbubulungan at mukang ako ang pinaguusapan ng mga to. Hinayaan ko lang sila at hindi na lamang pinake alaman kung ano man ang pinaguusapan ng mga to, and besides, totoo naman na wala akong pakealam kung ano man yon. I don't want to waste my time to those non sense people.  "There you go!" Saad ng kong sino mang babae. "Ang isang hamak na malanding babae!" Wika naman ng isa sa kanila. Huminto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nila na malandi ako. This is not my first time na tawagin akong malandi, kasalanan ko ba kung pinanganak akong diyosa na maganda? And I remember sa lahat ng mga pinapasukan kong paaralan naiinis ang mga babae sa akin dahil nagkakagusto sa akin ang mga boyfriend nila. Kasalanan ko bang naaakit ko ang mga bf nila dahilan ng paghihiwalay nila? Not even right! Ramdam ko ang paglapit nila sa akin at hinila pa ang damit ko. Ok I'll let you do this s**t to me pero pag ako ang gumanti patay kayo! Humarap ang isa sa kanila sa akin at pinagsasampal ako. Chill lang Hannah papatapusin ko muna ang ginagawa nila sa akin at sisiguraduhin ko pag ako ang gumanti, doble doble pa ang aabutin nila (sabay smirk). Sabay sabay ang pag sampal nila sa akin, pag sabunot at pagsipa. Marami narin akong pasang natatamo sa kanila. Halos matanggal narin ang tali ko sa buhok at sumasakit narin ang anit ko dahil sa lakas ng pagsabunot nila sa akin. Sabayan  pa ang mga tawanan nila at pag mamaliit sa akin. "Sige pa! Gawin niyo pa kung ano ang gusto niyong gawin sa akin at sisiguraduhin kong magsisisi kayo" Paulit ulit nila itong ginagawa hanggang sa hindi na ako naka pagtimpi at kinuha ko ang kamay ng isa sakanila na nakahawak sa damit ko at ibinagsak. "Tang*na!" Pagmumura nito sa akin tsaka hinawakan nila ang kamay ko. "Lalaban ka?!" Sigaw ng mga to sa akin. Wala akong maramdama na sakit sa patuloy na paghila nila sa buhok ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay galit, galit na gusto ko nang ilabas. "Are you done?" Nakangising saad ni Neithan sa kanila. Wtf! Anong ginagawa niya dito! Kanina pa pala ata ito nanunuod, di man lang niya ako tinulungan. Sabagay bakit naman niya ako tutulungan eh hindi naman ako importante sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak nila sa akin at pinaikot ang kamay ng isa sa kanila tsaka nilagay sa likod niya. "Don't you ever dare to hurt me again!" Sinapak ko siya ng dalawang beses at bumagsak ito sa sahig. Pagkabagsak nito sa sahig ay halos mabasag na ang kanyang mukha dahil sa malakas na pagsapak ko. Lumapit ang dalawang babae sa akin at tinutukan nila ako ng kutsilyo sa leeg. "Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa kanya!" Saad nito. Hinawakan ko ang dalawang kamay nila at ipinaikot tsaka ko sinipa ng malakas kaya bumagsak sila sa sahig. "Wala akong pinagsisisihan sa nangyari and don't you ever dare to call me malandi again dahil wala kayong alam b***h! And by the way, let me clear, KAYO ang malandi hindi ako b***h!" Sabi ko sabay turo sa kanila tsaka ako tumalikod. Biglang tumayo ang isa at aktong babarilin niya na ako pero naunahan ito ni Neithan. Binaril ni Neithan ang babaeng iyon tsaka niya ito nilapitan at kinuha ang kanyang baril. "Don't you try hurting my Vice President kung hindi, ako ang makakalaban mo!" banta ni Neithan na ikinatakot at ikinalaki ng mata niya. Sus kunyari pa to. Gusto lang naman niya akong masaktan eh. Kung totoong concern siya sa akin edi sana kanina niya pa ako tinulungan. "I'm sorry!" Lumuhod ito sa kanya at nagmakaawa. Ba't kay Neithan siya humihingi ng dispensa. "Bakit sa akin kayo humihingi ng tawad" sabi niya sabay tingin sa akin. "Capture these three former students!" Ani ni Nicky sa alalay niya. Palagi nalang silang sumusulpot! "Please Hannah patawarin niyo kami!" Lumapit ang mga to sa akin at lumuhod nang biglang kunin sila ng mga alalay ni Nicky at kasama nitong mga nakaitim na lalake. Who are they?  "Anong gagawin mo sakanila?" Tanong ko kay Nicky. "Don't worry hindi ko sila papatayin, bibigyan ko lang sila ng leksiyon!" wika niya with evil smile. I don't trust you Nicky, baka ano pang gawin niyo sa kanila. "No it's ok" Linapitan ko ang mga tatlong nang away sa akin kanina "I won't forgive you unless you prove it to me" "Gagawin namin lahat ng ipapagawa mo at kahit na gawin mo kaming alalay please lang Hannah ayaw pa naming mamatay" Naiiyak na wika ng isa. "Please kahit na ano po gagawin namin" pilit ng isa. "Dalhin niyo yan sa kanila" turo ni Nicky sa mga lalakeng nakaitim. "Wait!" Pagpigil ko sakanya "Bitawan niyo sila" utos ko sa alalay niya. Lumingon sila kay Nicky bago nila binitawan ang mga to at agad silang tumakbo palapit sa akin. Sinamaan lang ako ng tingin ni Nicky at umalis na ang mga to kasama ang mga nakaitim na lalake. "Salamat" napayakap sila sa akin. Tinanggal ko ang pagkakayakap nila sa akin dahil hindi ko gusto. "Umalis na kayo sa harapan ko at gamutin niyo na ang mga sugat niyo" wika ko sa babae na hindi tumitigil sa pag agos ang dugo sa tiyan niya dahil kay Neithan. Hindi ko naman masisisi si Neithan dahil kasalanan naman niya ang nangyari sa kanya. Tumango naman sila. "Pag tinawag ko kayo within 5 minutes, siguraduhin niyo na hindi kayo malalate pag nangyari iyon ako ang tatapos mismo sa inyo!" Tumango sila at umalis na agad. Lumapit si Neithan sa akin at umakbay. Ba't bumibilis ang t***k ng puso ko. s**t! What's happening to me bakit bumibilis ang tikob ng puso ko sakanya. Tinignan ko ito at nginitian niya ako. What's with this guy!! "Let's go" bulong niya sa tenga ko. Naglalakad na kami papunta sa office nang pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin   "Neithan" napahinto kami sa paglalakad. "What?" Napakunot noong tanong niya. Tinanggal ko ang nakaakbay na braso niya. "May pupuntahan pala ako." "Saan?" "Kay Drake!" Saad ko.     Kita ko sa mga mata niya ang pag iiba ng kanyang aura. Tila nagtitimpi ito sa galit.      "Fine!" Bumuntong hininga siya at tsaka umalis.   Naglalakad ako papunta sa library nang may nakita akong bench malapit sa malaking puno kaya umupo muna ako.   Nang biglang may napansin akong tumutulo na dugo sa itaas ng puno malapit sa akin. Kinikilabutan ako pati mga balahibo ko ay nagtaasan dahil sa nakita ko paglingon ko sa itaas. Isang babae na may saksak na kutsilyo, hindi lang isa kundi marami at nakabitay pa ito!     Dumadami na ang mga nagbibigti! Pero ano ang mga rason nila para gawin ang mga bagay na yun?         Biglang umalingawngaw na sigaw ng isang babae na tila humihingi ng tulong.    "Malapit na!"    Nilingon ko kung sino man ang nagsalita at nakita ko yung babaeng halos natatakpan na ang buong mukha nito dahil sa kanyang buhok. Siya yung nagsabi  sa akin ilang araw na ang lumipas na dito sa GCA na daw kami mamamatay.    "Anong pinagsasabi mo?"     Lumapit ito sa akin at itinapat ang kamay niya sa tumutulong dugo tsaka ipinahid sa kanyang damit. Baliw na ba siya bakit naman niya lalagyan ng dugo ang sarili niya.     Tumingin ito nang malapit sa akin at nakita ko ang peklat niya sa braso.          "Malapit na ang araw na kinakatakutan ng lahat!" Tinignan niya ako ng masama bago ngumiti. "Malapit na Hannah! Malapit munang malaman ang lahat"     "Baliw!" Sigaw sa kanya ng isang babaeng dumaan malapit sa amin.     "Lumayo ka sakanya nilalason niya lang ang isipan mo!" Babala ng kasama nito bago tumakbo paalis.    Baliw kaya ang babaeng to? Hindi, naniniwala ako sa mga sinasabi niya!      Aalis na sana ito pero hinarang ko.    "Teka lang ano ang sinabi mo kanina?" Desperada na saad ko.    "Maraming buhay ang mawawalan ng buhay at maraming estudyante ang manganganib, kasama na ang mga tinuring mong mga kaibigan na susunod rin sa kamatayan!"     Dapat ba akong maniwala sakanya? Hindi pwede, bakit si Jazlene at Eloisa! Dapat ko pa ba siyang paniwalaan?   "Hindi totoo ang mga sinasabi mo!"    "Binabalaan na kita Hannah huwag kang magtitiwala sa kahit na sino sa lugar na to dahil wala kang kakampi!"    Umalis na ito at naiwan akong tulala. Ano ang gusto niyang sabihin? Nahihilo ako sa babaeng to!      Naglakad na akong patungong library nang makita ko don si Drake na kanina pa nag aantay. Umupo ako sa tabi niya.    "Late!" Galit na saad niya habang nakatingin sa librong hawak niya.    "May ginawa--"     "It's okay!" Lumabas na kami roon at pumunta nasa bawat seksiyon para kunin ang pangalan ng mga bagong estudyante dito.                   _*-*_   Jazlene Point of View    "Class dismissed!" Masayang pagpapaalam ng guro sa amin tsaka naunang lumabas.    "Tara na uwi na tayo" nagmamadaling aya ni Eloisa sa akin kaya tumango na lang ako at sumunod sakanya.    "Si Hannah kaya nasaan?" Tanong ko kay Eloisa.    Simula kase nung umaga hindi ko pa siya nakikita at hanggang ngayong uwian. Siguro busy siya ngayon.   "Ewan ko" Nagkibit balikat na wika ni Eloisa tsaka pumasok sa loob ng sasakyan at ganun din ako.     Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung tumawag na si Ate. No missed call urg! Sayang gusto ko pa namang pumunta ulit don.     "Mall po tayo Kuya" saad ni Eloisa sa Driver namin at tumango.    "May bibilhin ka?" Tanong ko.    "Oo alarm clock ko " sagot niya tsaka ako sinamaan ng tingin. Omg sorry ako pala ang bumasag sa alarm clock niya. Paano naman kase eh ang ingay ingay iniistorbo niya ang pagtulog ko pero thankful parin ako sa alarm clock nayun kahit papaano tinulungan niya akong hindi malate ahahah. "Ako na bibili tutal ako nakasira" Sabi ko kay Eloisa. "Talaga? Libre mo narin ako ng pagkain"    "Okay"     Andito na kami sa mall kaya bumaba na kami ni Eloisa sa sasakyan para maipark na ito ni Kuya at pumasok na kami sa loob.      Wahahah namiss ko dito medyo matagal narin kaming hindi nakapunta dito. Ang lamig!    "Jaz!" Pinalo ako ni Eloisa.    "Bakit ba!"    "Tignan mo" Itinuro niya si......   Omg! Ang cool ng pananamit niya. He is with his matching shades and yes siya yun, yung lalaking crush ko!   "Tara lapitan natin" sambit ni Eloisa sa akin.   "Ano kaba ayoko nakakahiya sa kanya!"     "Sus! Yan ka na naman Jaz inililihim ang nararamdaman" sabi ni Eloisa sa akin.   Paano kung umamin ako sakanya na gusto ko siya may mababago ba? Wala naman diba at tsaka baka masasaktan rin lang naman ako pag umamin ako na may gusto ako sakanya.    "Tara na nga!"     "Teka!" Pagpigil sa akin ni Eloisa tsaka niya ako hinila papunta sa crush ko.    "What the heck Eloisa!" Galit na saad ko sakanya.     "Don't miss the opportunity, andito na tayo!" Wika ni Eloisa sa akin.   Malapit na kami sakanya nang biglang may lumapit sa kanya na babae at hinawakan ang kamay niya. It hurts!!!     Napahinto ako sa paglalakad at ganun din si Eloisa.    "Tama na Eloisa uwi na tayo!"   "Pero kararating lang natin"    Hindi ko na siya pinansin kundi naglakad nalang ako papunta sa parking area at pumasok na sa sasakyan.  Masakit umasa sa wala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD