Chapter 23 - Skills

1395 Words
Chapter 23: Skills Kenneth Hans Point of View      Kailangan na naming maghanda dahil nagsisidatingan na ang mga kalaban. Nagsisimula na silang gumawa ng plano para mapabagsak at mapaslang kami. Andito kami ngayon sa kusina at pinagplaplanohan ang aming gagawing kilos. Kami lang na mga lalaki ang andito kasama si papa. Wala dito si Hannah dahil nasa skwelahan palang nila siya. "So anong plano niyo?" tanong ni Clifford habang kumukuha ng inumin sa ref. "Kailangan nating ihanda ang sarili natin sa anumang mang yayari" sabi ko. "Kailangan ko kayong protektahan mga anak. Nakapagdesisyon na ako, dadalhin ko kayo sa ibang bansa" sambit ni Dad. "Hindi pwedeng ikaw lang mag isa ang lumaban sa kanila Dad. Malaki din ang atraso nila kay Mom" suway ni Jaylord. "Tama siya Dad, hindi pwedeng palagi nalang tayong nagtatago" sabi ko. Totoo naman diba. Simula nong mawala si Mom ay palagi nalang kaming tinatago ni Dad para hindi kami mahanap ng mga kalaban. Pero kahit na lipat kami ng lipat ay nahahanap at nahahanap parin nila kami. Kaya nga kami bumalik dito sa Pilipinas para harapin na sila. At napag usapan na namin to noon pa. Pero ngayon parang pinanghihinaan na naman si Dad ng loob. "Kailangan na nating harapin sila. Ito na yung tamang panahon para lumaban tayo" sang ayon ni Clifford. "Kahit na eto pa yung magiging dahilan ng kataposan natin atleast magiging payapa na tayo" seryosong sambit ni Ridge habang pinapa ikot niya ang cellphone niya sa mesa. "Tama na nga yan Ridge, nahihilo na ko!" biglang utos ni Xavier at napahawak  pa ito sa kanyang ulo. Panong hindi siya mahihilo kung tinititigan niya ang pag ikot ng cellphone ni Ridge. Talaga tong si Xavier siraulo bat kasi niya tinititigan ang ginagawa ni Ridge eh alam na nga niyang nakakahilo. "Bakit mo kase tinititigan?" Sambit sakanya ni Ridge at tawa ng tawa. "Tumigil na nga kayong dalawa! andito tayu para pag usapan ang importanteng gagawin natin hindi para makipaglukuhan" sabi ni Clifford na nagpatigil sa kambal. "Naayos ko na lahat ng mga papeles niyo at sa susunod na linggo na ang flight papuntang Los Angeles" sabi ni Dad. Ayokong iwan si Dad. Gusto naming lumaban at eto narin yung hinihintay naming magkakapatid para maka pag higanti. Sa loob ng maraming taon ay naghanda kami para sa laban na to. "Sorry Dad, hindi kami sang ayon sa suhestion mo. Sawa na kaming magtago at tumatakas nalang sa mga problema o laban, malalaki na kami Dad siguro ay kaya na naming makipaglaban sa kanila" sabi ko. "Eto yung goal natin diba. Ang sama sama nating patumbahin ang mga kalaban" pag sang ayon ni Clifford. "Kasalanan ko naman lahat ng to eh. Kung sana sa una palang ay tinalikuran ko na ang propesyon ko ay sana hindi to mangyayari sa atin" puno ng paghihinayang sabi ni Dad. "Dad hindi naman masamang abutin ang ambisyon mo. Talagang ambisyoso at desperado lang talaga sila kahit na hindi naman talaga nila deserve. Pangarap mo iyon at pinag hirapan. You deserve it Dad, hindi sila" pagtatanggol ni Clifford. "Yes Dad. It is not your fault. Hindi mo naman alam na hahantong sa ganito" pag sang ayon ko naman. "Instead of arguing, we need to start planning for our revenge and besides, Dad you cannot do anything because we already decided to fight, and to kill someone who tries to make troubles in our family just to protect us!" Pag awat sa amin ni Jaylord dahil parang hahantong ang usapan namin sa away nina Dad. "Kung ganun kailangan niyong maghanda para bukas sa training niyo" pagbitaw ng salita ni Dad tsaka umalis. Naiintindihan ka namin Dad. Gusto mo lang kami iligtas at tapusin mag isa ang laban na to para sa amin pero sorry Dad ngayon lang kami susuway sa utos mo dahil hindi namin hahayaan na ikaw lang ang magtatapos ng laban na to. "Good Evening Kuya!" Panggugulat ni Hannah sa amin. "Kanina ka pa?" Tanong ni Clifford sa kanya. "No, kararating ko lang" Tumango nalang si Clifford at lumabas. 'Escaping your problems is not the right desicion to make in your life, because in every challenge, you have to learn from your mistakes' _*-*_ Hannah Point of View "Wake up!" Paggising sa akin ni kuya Ridge. "Wala akong pasok!" sigaw ko. "We are going to visit mom!" Ngayon pala kami bibisita sa puntod ni Mom. Matagal na nung huli namin siyang binisita siguro naiintindahan naman kami ni Mom dahil nasa ibang bansa kami. Tumango ako kaya lumabas na siya sa room ko. Agad naman akong pumunta sa banyo para maligo tsaka nagbihis at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko sila doon na nakaayos na at nakahawak na ng mga bulaklak ang mga kapatid kong mga lalake. "Mag almusal ka muna" sabi ni Dad sa akin. "Sa labas nalang ako kakain" Tumango naman sila. Lumabas na ako at pumasok sa sasakyan, ganun din sila. Si kuya Ridge ang nagdrive kaya agad kaming nakapunta sa funeral ni Mom. Mabilis kasi magpatakbo yang si kuya Ridge. "Dad saan ang daan!" nalilitong tanong ko kase kanina pa kami ikot ng ikot dito sa dami ba ng mga puntod dito. "Sir ano po yon?!" Biglang tanong ng kung sino man. Sabay sabay kaming lumingon sa kung sino man ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata naming magkakapatid tsaka nagtinginan at napasigaw. Tatakbo na sana kami pero pinigilan kami ni Dad. "Hindi siya multo!" Natatawang wika ni Dad sa amin. Napatigil kami sa akmang pagtatakbo tsaka kami lumingon sa lalaki. Paano ba naman hindi siya mapagkakamalan na multo eh nakadamit ito ng barong tsaka may dumi dumi pa sa mukha niya na parang galing sa hukay. "Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni kuya Xavier sa mama. "Oo" nakangiting sagot niya sa amin. "Pero bakit po kayu nakasuot ng pangbarong" tanong ko sakanya. "Custom ko lang to" saad niya sa amin. Ah ganun naman pala. Nagtanong kami sakanya kung saan ang daan at tinulungan naman niya kami. Sa wakas nandito na kami. Ang linis ng puntod ni Mom naka bahay pa. Kahit na malayo kami pinapalinis namin ito. Umupo ako at si kuya Xavier sa puntod ni Mom at hinahaplos niya ito. "Xavier baka hilain ka ni Mom diyan!" Pangtatakot sa kanya ni Kuya Kenneth . "tsk! Tinatakot mo lang ako kuya" saad niya sakanya. Ngumiti nalang si Kuya nang biglang tumahimik sa lugar na to nong biglang sumulpot na naman yung mama na ikinagulat naming lahat. "Naku naman kuya aatakihin kami sa puso sa pagsulpot mo!" Saad ni Dad sakanya. "Sir may ipapalinis po ba kayo?" tanong niya kay Dad. "Wala naman" sagot ni Dad sakanya. Mukang may problema siya at dito na siya nagtratrabaho sa mga puntod para maglinis. That's what I know to him base on his appearance. Aalis na sana ito pero tinawag siya ni Dad at binigyan ng pera. Sobrang tuwa naman ang naramdaman niya at nagpasalamat sa amin. Pagka alis nito ay ibinalin ko ang tingin ko sa puntod ni Mom. Mom I promise ipaglalaban ko ang hustisya ng pagkakamatay mo at sisiguraduhin kong mas malala pa ang kamatayan na aabutin ng mga pesteng gumawa niyan sayo. Tsaka Mom proprotektahan ko ang mga kapatid ko, lalong lalo na si Dad. I won't let anybody to hurt them because I will be the one to kill him/her. _*-*_ Second Person Point of View "Wala pa ba ang mga favorites ko?" Saad ko sa secretary ko na kararating lang. "Malapit na sila" sagot niya habang inilalapag niya sa sahig ang mga bagong armas para sa training nila mamaya. Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun ang mga Emmerson siblings kasama si Sir George Anthony Emmerson. "Are you ready to have your training again?" Saad ko sa kanila. "We are always ready Couch!" Nakangising saad ni Hans sa akin bago kami lumabas sa office ko papunta sa ground area for the start of their training. Since noon ay ako na ang naging trainor nila sa loob ng maraming taon at ako ang kasama nila sa paglipat lipat ng bansa. Kahit dito manlang ay matulungan ko din sila dahil malaki ang utang na loob ko sa tatay nila. Kung hindi dahil sakanila ay namatay na ako ngayon. "Kailangan niyong tamaan ng bala ang mga boteng ito sa loob ng isang minuto" saad ko sakanila at lumayo sa mga bote na yon Nagsuot sila ng mga eye glasses para maprotektahan ang mga mata nila sa mga pulbura ng baril at tsaka sumuot ng headphones. Kumuha sila ng baril at sunod sunod nilang pinaputukan ang mga bote at tinamaan ang mga ito. "30 seconds Good job!" Pag puri ko sakanila. Hinahangaan ko ang magkakapatid na Emmerson. May sari sarili silang kakayahan. They do things with determination. Si Clifford, ang panganay sa magkakapatid na bihasa sa paggamit ng baril. Pati nga pulis at ako kaya niyang talunin. Si Kenneth Hans at Jaylord naman ay bihasa sa mga paggamit ng arnis, pana at mga metalic na bagay, marunong rin silang gumamit ng baril pero mas bihasa si Clifford. Ang kambal naman nasi Ridge at Xavier ay marunong sa lahat ng mga to pero sa hacking at pag eexperimento ng mga gamit sila mas bihasa. Tulad ng ginagamit nila sa laban gaya ng ginawa nilang dati na relo ay naging bomb monitoring. Ang huli at bunso ay si Hannah. Bihasa siya sa lahat ng mga bagay dahil narin sa tulong ng mga Kuya niya. At halos lahat sila ay  black belter nasa karate. "Next train sumunod kayo sa assistant ko" utos ko sakanila at tumango naman ang mga ito at sumunod. Nagtungo kami sa kwartong ngayon ulit naming bubuksan. "Sa loob ng mapanganib na kwartong to kailangan niyong maiwasan ang mga bomba in 5 minutes" "Exciting!" Tuwang tuwa na saad nila. Hayst! para sa kanila walang kahirap hirap ang mga pinapagawa ko.Ganun sila kagaling ni wala na nga silang time para manuod ng mga pelikula o mga palabas dahil tinetrain ko sila ng maigi para sa araw ng pakikipaglaban nila para lang sa mama nila. Ilang minuto natapos narin ang pag eensayo nila na walang pawis o kaya naman ay walang hirap. Nakaiwas sila sa tama ng bomba sa loob lang ng 5 minuto ni walang kahit na sinumang kayang gawin iyon kundi sila lang. Pinagpahinga ko na muna sila para magbreak. Matapos ang ilang minutong break nila itinuloy ko ang pag eensayo sakanila para mas lalo silang maging mahusay para sa malalapit na araw.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD