Chapter 24: Paghaharap
Hannah Point of View
Matapos ang dalawang araw na training namin ay pumasok na ulit kami. Kung pwede lang sana, sana wala nalang pasok.
"Dito nalang ako Kuya" Sabi ko kay Kuya Kenneth na nagmamaneho.
"Huh bakit?" Tanong niya sa akin tsaka hininto ang sasakyan.
"Ok nako dito" saad ko tsaka kinuha ang bag ko sa likod ng sasakyan at lumabas.
Nasa tapat na ako ng school nang umalis na si Kuya.
Naglakad ako papunta sa classroom ko ng sumalubong sa akin ang mga studyanteng nagsistakbuhan palabas ng mga classroom nila at mukang may sasalubungin sila. Hindi ko sila pinansin kundi ay ipininagpatuloy ko lang ang paglalakad.
"Hannah" biglang wika ng babae na napagod sa kakatakbo. Isa siya sa mga nakaaway ko noon. Remember? kasama niya ang mga kaibigan niya na ngayon ay mga alipores kona. Actually, it is not my choice, it is their choice nagpumilit sila. Isa sila sa mga nagtatakbuhan. Halos lahat ng mga students dito sa campus.
"Anong meron?" Tanong ko sakanilang tatlo. Di na kasi matigil tigil ang pagtakbo nila.
"Tara tignan natin" aya nila sa akin kaya sumama ako sakanila at dinala nila ako sa kung saan ang mga kasama naming studyante.
"Tumabi kayo!" sabi ng mga alipores ko sa mga studyante tsaka sila tumabi. Halos nasa gitna na kami at ang mga kasama kong studentyante naman ay nasa gilid gilid at mukang may inaabangan.
"Sino ba ang hinihintay natin?"
Rinig kong tanong ng isa sa mga studyante nang biglang napahinto silang lahat sa pagbubulungan at nabigyang katahimikan ang paligid nang dumating ang sunod sunod na pagharorot ng mga magagarang kotse. Pati si Principal ay lumabas para tignan kong sino yung mga yun..... or...... alam na niya.
Pinagmamasdan ko ang Principal nang bigla akong hinila ni Drake papuntang gilid.
Shit! Kilala ko ang plaka ng isa diyan mga nakalaban namin ni Kuya Ridge nong pauwi na kami. Ano ang ginagawa nila dito?!
"Good Morning Good Christian Academiers" Malawak na ngiting bati sa aming lahat ni Teacher Chelsie na nasa harap ng mga sasakyan.
Ang dami ng mga sasakyan dito. Anong meron?
"Good morning" Bati rin nila except kay Drake at ako.
Hanggang ngayon hindi parin lumalabas ang ilan sa mga ito.
Ang ibang studyante dito ay kalmado lang pero mayroon ding mga studyente na hindi nasisiyahan dito at kitang kita ko ang kaba nila. Bakit kaya?
"Let's give a warm welcome to the gangs!" Nakangising wika ni Teacher Chelsie na hawak hawak ang microphone tsaka nakatitig sa akin ng masama.
Kung makatitig siya ng masama akala mo kung sino! Teacher pa naman Tsk. Dahil nabwisit ako ay nginisian ko rin siya pabalik nang biglang umiwas ito ng tingin. tsk yun lang wala na! ha-ha-ha tsk.
Iniba ko ang aking tingin nang biglang sunod sunod na nagbukas ang mga sasakyan at iniluwal ang mga grupo ng mga lalakeng nakaitim at naka maskara ng puti.
Anong meron sa kanila?
"Ang cool nila!" Kinikilig na wika ng mga kaparehas kong mga newbie dito.
May 3 pang sasakyan ang hindi nabuksan. Ano bang hinihintay ng mga to at bakit ayaw pa lumabas?. Nagpapaimportante pa siguro!
Habang hinihintay kong magbukas ang pinto ng sasakyang iyon ay bigla nalang may nagtulak sa akin kaya napunta ako sa gitna kung saan anduduon ang mga gang. tuloy lahat ng mga tao dito nasa akin ang atensiyon. May mga studyanteng pinagtawanan ako at meron ding ibang nagtsismisan na.
Napatigil sila sa pagtsitsismisan at pagtatawa nang bumukas ang isang sasakyan at iniluwal nun ang lalakeng nakaitim na Blue ang maskara.
"The top 3 of the Highest and the Luckiest 13 Ranking of the Gangs!" Saad ni Teacher Chelsie kaya lahat sila ay nagbigay pugay maliban sa akin.
Bakit ko naman sila bibigyan ng pugay? Wala akong pakealam kong sino sila.
Sumunod na bumukas ang isa pang sasakyan at lumabas ang lalakeng nakaitim ang maskara. At tulad nang isa ay binigyan rin siya ng pugay ng lahat.
"The second of the Highest and luckiest 13!" Saad ni Teacher Chelsie.
I know him! Siya ang tumulong sa amin sa isang restaurant dati. Tinititigan niya ako na ng matagal bago nito ibinalin ang tingin sa iba. Parang iba ang aura niya ngayon mas matindi na parang nadidimonyo. Hindi kaya namumukahan niya ako? Impossible! Baka kase nandito ako sa gitna.
Aalis na sana ako sa pwesto ko nanh may lumapit sa akin na isa sa mga gangs at inakbayan ako.
"s**t!" I curse bago ko siya sinikmuraan.
Ano sa tingin niya hindi ko siya kakalabanin? He's wrong. Paano ba naman na hindi ako magagalit sa nakaputing lalakeng ito na nakamascara eh mukang minamanyak na niya ako.
Nagulat ang lahat sa ginawa ko and yes nasa akin na naman ang mga atensiyon nila. I'm not an attention seeker!
Lumapit ang isa sa mga Gang ulit at sinamaan ako ng tingin bago magsalita.
"You're?" Tanong niya sa akin
"Satan!" Wika ko na ikinatawa ng lahat. Tsk
"So Ms. Satan kung gusto mong matahimik ang buhay mo, doon ka sa gilid!" Naiinis na saad niya sa akin.
"Mr. Lucifer matagal nang hindi tahimik ang buhay ko dito so huwag mo akong utusan na parang alalay mo! Tsaka sino ka ba para sundin ang utos mo?!" Sumbat ko sakanya na ikinagalit niya.
"Tsk! Get lost!" Sigaw niya sa akin tsaka kinuha ang baril niya at aktong babarilin niya ako pero naagaw ko ang pagkakahawak niya sa baril at sinipa ko siya kaya napahiga siya sa sahig.
"Mr. Lucifer, I just want to remind to all of you na wala akong pakealam sa kong sino man kayu!" Galit na saad ko tsaka sinipa ang tiyan niya nang biglang may humawak sa magkabila kong kamay tsaka ipinaluhod.
"Ms. Satan you're Dead!" Giit at sarkastikong bulong sa akin ng kasama niya nang biglang nagsalita ang lalakeng nakaitim ang maskara at lumapit sa akin.
"Stay away from her!" Utos niya sa mga may hawak sa akin kaya binitawan nila ako.
Lumapit ito sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
"I Don't need your help!" Galit na tanggi ko sakanya at hindi ko hinawakan ang kamay niya at tumayo akong mag isa. Hindi ko kailangan ng awa ng iba dahil kaya ko ang sarili ko.
Biglang bumangon ang lalakeng sinipa ko kanina at sinipa niya ang baril sa noo ko kaya dumugo ito.
Ginalit mo ako ngayon ng subra pwes makikita mo ang tunay na katauhan ko.
Lumapit ako sa kanya. Sinusubukan niyang ipaputok ang baril niya pero sa kamasamaang palad wala itong bala.
"Kilala mo ba ang taong kinakalaban mo?!" Sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi niya tsaka tinanggal ang maskara niyang puti.
"I don't care kung sino ka man! Mess with me and good luck b***h, Hell is my teritory" Saad ko tsaka ko siya sinakal sa leeg until sa nanghihina na ito kaya binitawan ko na.
"Magpasalamat ka hindi kita tinuluyan kung hindi bangkay na ang abot mo ngayon!" banta ko sakanya at umalis.
Nagulat silang lahat sa ginawa ko
At binigyan ako ng daan ng mga studentyante tsaka sumunod ang mga alalay ko daw na walang ginawa kundi manood. I understand them takot lang ang mga to!
"H-hannah!" Nauutal na wika ng isa.
"What?!" Nataasan ko siya ng boses kaya napayuko silang tatlo.
"Sorry kung wala kaming nagawa ,hindi namin sila kaya dahil---" Hindi ko siya pinatapos.
"I want you to leave me now!" Utos ko sakanila.
"Pero nasa panganib k-"
"Get out!" Sinigawan ko sila at umupo sa desk ko dito sa office tsaka pinunasan ang sugat sa noo ko pero kunti lang naman hindi naman malala mas malala yung inabot niya.
Treat me like a queen if you want to be treated as my dog!
-*-*-
Eloisa Point of View
Late na kaming nakapasok dito sa school dahil kay Jaz.
Naglalakad kami papunta sana kay Hannah ng narinig ko ang usapan ng mga studyante dito malapit sa main building ng school.
"Grabe si Hannah kanina, kunti nalang patay na yung gang na nakasalamuha niya" Sabi ng isa.
"Anong nangyari?" Tanong ko na ikinagulat nila.
"M-may nakaaway si Hannah na gang" nauutal na saad niya sa akin.
"Ang malala pa sa harap pa ng buong studyante at sa harap ng mga kataastaasan na mga miyembro ng gang" sambit ng isa.
Hannah ano bang pinasukan mo. Mapapanganib na mga tao ang kinakabangga niya.
Umalis na kami sa kinakatuyaan namin at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Kailangan nating hanapin si Hannah ngayon!" Nag aalalang sabi ni Jaz.
"Siguradong hindi sila titigil hanggat hindi sila nakakaganti kay Hannah" walang emosyon kong saad tsaka tumakbo para mas mabilis ang paghahanap.
Hanggang sa nakarating kami sa harap ng Office nila at bumungad sa amin ang duguan sa pinto.
"F*ck!" Kinakabahan na saad ko tsaka binuksan ni Jaz ang pinto papasok doon, bumungad sa amin si Nicky.
"Nasaan si Hannah?" Nagtitimping tanong ko sakanya.
"She's in the hand of her Mr. Lucifer " nakangising sambit niya.
Luciper? Nagbibiro ba ang babaeng to. Lumalakas ang kutob ko na baka may nangyari kay Hannah pero hindi pwede akong panghinaan ng loob baka mapatay ko tong nasa harapan namin.
"Nasaan siya?" Sigaw ni Jaz.
Nagulat ako sa ginawa ni Jaz. Inilabas niya ang baril nito at itinutok kay Nicky.
"Sumagot ka ng maayos Nicky kung ayaw mong tuluyan na kita ngayon!" banta ni Jaz sakanya.
Minsan nang natalo ni Nicky si Jaz at this time I think Mali ang ginagawa niya. Masyadong mataas ang posisyon ni Nicky sa gang kaya hindi maaari na ituloy ni Jaz ang ibinabalak niya dahil alam na niya ang magiging katapusan niya.
"Bakit niyo siya sa akin hinahanap?" Tinaasan niya pa kami ng kilay.
"It's just happen na kararating lang namin dito nambibintang kana agad" Saad ng alipores niya sa amin.
Kinuha ko ang hawak ni Jaz na baril at ilinayo sakanya dahil mukang sasabog na ito sa galit.
"Siguraduhin mo lang Nicky at once na malaman ko na may kinalaman ka---"Hindi natuloy ang sasabihin ni Jaz ng nagsalita si Nicky.
"Ano papatayin mo ako?" Nakangising tanong niya tsaka umupo sa desk.
"Oo kahit na ikapahamak ko!" Banta ni Jaz tsaka lumabas sa lugar na yon.
Nilibot na namin ang buong campus at nagtanong sa mga studyante pero walang nakaka alam. Nasaan kana ba Hannah?