Chapter 25 - Hannah

1358 Words
Chapter 25: Hannah Hannah Point of View Minulat ko ang mga mata ko pero nandidilim parin ang nakikita ko. Nahihilo ako at hindi ako makabangon. Hindi ko alam kong bakit pero may kakaiba sa nararamdaman ko. "Ok kana ba?" Tanong ng isang babae sa akin. Tinignan ko siya pero malabo kong mapagtanto kung sino ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman kong may itinurok sila sa akin. Wala akong maramdamang sakit sa katawan ko at ramdam ko ang panghihina ko. Pagkatapos nila akong tinurokan ay nakatulog ulit ako at pagkagising ko okay na ang pakiramdam ko. Nakita ko ang mga Nurse na nagbabantay sa akin dito. Madami sila at may kanya kanyang ginagawa. "Nasaan ako?" Tanong ko sakanila na ikinatuwa nila. Kitang kita ko ang mga naglalakihang mga ilaw na pang operations siguro ang mga toh at iba pang gamit dito. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit marami ang nagbabantay sa akin? "Salamat at gising kana, kundi malalagot kami kay-" hindi natuloy na sagot ng isang nurse sa akin dahil tinapik siya ng katabi niyang nurse. "Kanino?" Tanong ko sakanila pero umiling lang ang mga to ng biglang may pumusak dito. "Ok na ba siya-" Hindi natuloy na tanong ng nakamaskara ng itim sa kanila.  Nanlaki ang mga mata niya dahil siguro nakita ko ito. So siya ang nagdala dito sa akin at siya ang tumulong sa akin pero bakit niya yun ginawa. Siguro ay may kapalit ang bawat pagtulong niya sa akin. Aalis na sana ito pero pinilit kong bumangon at hinabol ko siya. "Teka lang!" Pagpigil ko sa kanya at huminto naman ito. Nilingon niya ako kaya lumapit ako sakanya. "Sino ka at bakit mo ako tinulungan?" Sarkastikong tanong ko sakanya. Hindi ako basta basta naniniwala sa kung sino man dito pati narin kina Eloisa at Jaz na kahit tinuturin ko na silang kaibigan dahil hindi ako yung tipo ng tao na basta basta nalang naniniwala sa iba. I don't easily trust a person kaya pag ako nagbigay ng tiwala sa iyo don't waste it bihira lang ako magbigay ng tiwala. Minsan nang naging demonyo ang angel. Alam niyo ba kung bakit? It all started nong bata ako wala akong naging matinong  kaibigan. Lahat sila nagtraydor sa akin kaya simula noon hindi na ako nakipagkaibigan sa kung sino hanggang sa nakilala ko si Eunice ang unang naging matalik kong kaibigan sa loob ng 2 taon pero patay na siya ngayon. Siya lang ang tumanggap sa akin. Sa problema namin. Kahit alam niyang pwedeng siyang mapahamak. Kaya ayun isinakripisyo niya ang buhay niya ng dahil sa akin. Kasalan ko kung bakit namatay siya sa pagsabog ng gusali sa lugar kung saan kinidnap kami ng mga kalaban ni Dad. Kung kailan nakahanap na ako ng tunay na kaibigan nawala pa ito. Ayokong may madamay ulit ng dahil sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay lumayo ulit ito sa akin. Biglang nanghina ang pakiramdam ko sa paghahabol sa kanya. nang di ko na kinaya at lumalabo na ulit ang mga mata ko ay matutumba na sana ako pero biglang may sumalo sa akin binuhat niya ako papasok sa Operating room. "Get well soon" Saad niya sa akin tsaka ginulo ang buhok ko at umalis. Bigla kong naalala ang nangyari  sa akin kahapon tsaka ako tuluyang nakatulog *Flashback!* Iniwan na ako ng mga Alipores ko at umupo narin ako sa desk ng biglang may pumasok na mga naka puti na maskara at nagtangkang damputin ako. "Sabi ko na nga ba hindi ka matatahimik hanggat hindi mo ako nagagantihan" saad ko sa lalaki na sinakal ko kanina. "Tama ka at ngayon wala ka ng kawala!" Banta niya sa akin at dinampot ako ng mga kasamahan niya at dinala sa harapan niya. Ramdam ko ang paghina ng katawan ko dahil sa itinurok sila sa akin kaya hindi ako nakakilos para lumaban para sa sarili ko. Sinapak niya ako ng isang beses at sasapakin na sana ulit ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang lalakeng nakamaskara ng itim. Wala na akong nakita pa dahil tuluyan na akong nanghina at nandilim ang mga paningin ko. *End of flashback* Paggising ko ulit nandito parin ang mga nurse sa paligid ko. Umupo ako sa pagkakahiga at tinignan nila ako. "Pwede na ba akong umalis?" Tanong ko sakanila. "Hindi pa pwede mahina pa ang katawan mo" paalala niya sa akin. Pinilit kong tumayo at sa wakas nakaya ko. "Hindi ka pa pwedeng umalis" nagulat ako dahil biglang pumasok ang lalakeng nakaitim na mascara at humarang sa pinto at napa cross arma pa habang nakasandal sa pader. "Ayoko na sa lugar na to!" Inis na sabi ko sakanila. Hindi ko alam kung ilang araw na akong tulog dito, anyway nakakasakal magstay dito. "Dalawang araw ka nang nandito at tulog" Sabi ng isang nurse sa akin. "Ano bang nangyari bakit ang tagal kong nakatulog?" "Naturukan ka ng anesthesia!" Saad nito at iniwan kaming mag isa ng lalakeng nakamaskara ng itim "Aalis na ako sa ayaw at sa gusto mo!" Saad ko sakanya at lalabas na sana pero hinawakan niya ang mga kamay ko at niyakap niya ako. Hindi ako nakapagpigil sa yakap niya dahil sa sobrang higpit nito. Bakit niya ba ako niyayakap? This s**t! "Sasamahan na kita" Saad niya sa akin tsaka hinawakan niya ang kamay ko at lumabas sa kwartong yon. Wala ang salamin ko dahil nabasag daw ito sabi ng Nurse sa akin. Ok lang hindi naman malabo ang mata ko. Paglabas namin don tila malayu layu ang nilakad namin bago kami makalabas sa clinic. Sumalobong sa akin sina Eloisa at Jaz tsaka sila lumapit. Umalis na pala kanina ang lalakeng yun. "Saan ka ba galing?!" Inis na tanong nila bago nila ako niyakap. "Wala" I said and rolled my eyes. "Namiss namin ang kamalditahan mo" asar nila sa akin at niyakap ulit To be honest with namiss ko rin sila pero marunong akong hindi ipahalata. -*-*- Ridge Point of View Nagtataka na ako dahil dalawang araw nang wala si Hannah. Tinawagan namin si Ate Jess pero sabi niya nasa kaibigan daw niya ito kaya hindi na kami nag alala pa. Mas mabuting wala siya dito kahapon dahil ayaw namin na madamay pa ito sa laban dahil akala ng kalaban matagal nang patay si Hannah sa pagsabog ng gusali. "Kuya si Xavier?" Tanong sa akin ni Jaylord na nakawak ng pamalo. "Bakit at para saan yang hawak mo?" "Pinakuha niya kanina" "Jaylord nasaan na?" Saad ni Xavier na kararating lang "Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko sakanya "Tara sundan niyo ako may bago akong nadiskobre" Sumunod kami sakanya at dinala sa ilalim ng bahay na ito sa underground at sinira ni Xavier ang pinto. Nabuksan namin ito at nakita ang malawak na room kung saan may mga bomb at mga baril don na nakatambak "Ano ang mga to?" "Mga gagamitin nating bagong mga armas" Kinindatan kami ni Xavier. "Huwag ka ngang magkindat para bang r****t?" Biro ni Jaylord sakanya. "Anong ginagawa niyo diyan?" Nagulat kami sa pagsalita ni Dad sa likuran. "Dad ano to?" "Para sa inyo yan ni Xavier dahil alam kong kahiligan niyo yan" Nakangising sambit ni Dad sa amin. Mahilig kami ng kambal kong si Xavier na pag exexperiment since bata pa kami. "Tara Alis na tayo dito" saad ni Dad sa amin tsaka lumabas dito. Nakita namin si Hannah na kararating lang at may sugat sa noo. Dati sa leeg ngayon sa noo na namn, ano ang nangyayari sakanya? "Saan ka galing? Anong nangyari sa sugat mo?" Nagtatakang tanong ni Dad sakanya. "Sa bahay po ng kaibigan ko" saad ni Hannah at huminga ng malalim "Sa sugat ko naman ay nauntog lang ako sa pinto pero huwag kayong mag alala okay nako" dugtong nito. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya, nararamdaman kong may tinatago ka sa amin Hannah. Ako ang mas nakakakilala kay Hannah sa aming magkakapatid lalo na sa mga kaguluhan and yes I'm a trouble maker pati na si Hannah. "Ganun ba, Mag ingat ka kase prinsesa namin" saad ni Dad kay Hannah at niyakap ito. Alam kong nahalata rin niya. "May Mali" bulong sa akin ni Jaylord na magaling makiramdam. "Tumahimik nalang kayo at aalamin natin ang lahat ng to" Saad ko sakanila at pumunta na sa Kitchen para mananggabihan. Hindi narinig ni Hannah at Dad ang pinag usapan namin nina Xavier at Clifford. Hindi kami papayag na may manakit na sino man sa bunso namin at sisiguraduhin kong hindi na makikita ang taong umaway sakanya. Natapos na rin kaming kumain at lumabas muna ako para magpahangin ng may nakita akong lalakeng nagmamanman sa amin sa labas ng bahay. Hindi niya ako nakita dahil magaling akong makipaglaro. Play with me and I'll make sure you're regret! Hindi niya namamalayan na nasa likod na niya ako at itinutuk ko ang matarik na kutsilyo ko sa leeg niya na ikinanginig ng tuhod nito sa kinatatayuan niya. "Sino ka?!" Walang imik na tanong ko sakanya. "Binabalaan kita umalis na kayo dito hanggat hindi pa huli ang lahat dahil isa isa kayung mamamatay" babala niya sa akin "Anong pakay mo dito!?" "Wala akong masamang intensyon!" Saad niya. Wait.... binitawan ko ito at humarap siya sa akin. "Uncle?!" Saad ko sakanya. "I miss this. gaya ng dati pinagkakamalan mo parin akong kalaban " Saad niya tsaka tumawa ng malakas Shit! Muntik ko na siyang mapatay kanina ah. "Don't play with me uncle Dan!" Naiinis na saad ko. Si Uncle Dan pala ang pinsan ng papa ko. Kasama namin siya sa paglipat lipat ng bahay at isa siya sa mga nagbabantay sa amin. Wala na siyang pamilya ngayon dahil napatay ang kaniyang mag iina sa car accident na hanggang ngayon hindi maidentify kung sinong gumawa non at alam ko na may kinalaman ang mga kinakalaban nila Dad dito. Kaparehas namin si Uncle Dan na may iisang hangarin kundi ang maipaghiganti ang mga taong pinatay nila ng walang kalaban laban. "Just kidding Ridge" saad niya sa akin tsaka ginulo ang buhok ko. "Kailan kapa umuwi dito sa pilipinas uncle Dan?" "Kahapon lang" saad niya sa akin . Hindi kami sabay sabay umuwi dahil huli niyang naayos ang passport niya.   "Nasaan ang papa mo?" "Nasa loob po" Sagot ko tsaka pumasok kami sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD