Chapter 26 - The Beginnings

1081 Words
 Chapter 26: The Beginnings Hannah Point of View Alam kong pinagdududahan ako ng mga kapatid ko, lalo na si Kuya Ridge pero hindi pwedeng malaman nila ang kalagayan ko sa paaralang pinasukan ko. Madami na nga kaming kinakalaban, dadagdagan ko pa ba. Kaya ko tong tapusin at malalampasan ko to. "Hannah tawag ka ni Neithan" Wika sa akin ng isang babae kaya tumango ako bilang response tsaka pumunta sa Office. Ilang araw ko narin na hindi siya nakita simula nong araw na makabangga ko si Mr. Lucifer. Speaking of Mr. Lucifer, ano kaya ang nangyari sakanya ng araw na kinalaban niya ako? Maybe he's dead or alive. Whatever! Pagdating ko sa SSG office naabutan ko si Neithan na abala ulit sa mga dokumento. Sa dami dami ba namang nag aaral dito ay hindi agad ito natatapos. "Pinatawag mo daw ako?" Tanong ko sakanya at huminto naman siya sa ginagawa niya at tinignan ako. Bigla kong naalala sakanya ang lalakeng nakamascara. "Ok ka na ba?" Tanong nito sa akin. Wait! The way he said that words kaboses niya yung lalakeng nakamascara. Impossible kayang siya yun? "Oo, bakit mo pala ako pinatawag?" Tanong ko sakanya. "Dalhin mo to sa admin" Saad niya at iniabot ang files Uutusan lang pala niya ako. Ano bang ieexpect ko sa taong to. Why I feel confused about this s**t! Kinuha ko yung files at lumabas na don. Ang init tsaka malayo layo ang admin dito. Bahala na nga. Naglalakad ako papunta sa admin nang may humarang sa dinadaanan ko. "Huwag ka ngang humarang sa dinadaanan ko!" Saad ko sa babaeng tinatawag nilang baliw pero I think she's not. Maybe tinatawag nila siya na baliw ang babaeng to dahil sa mga nalalaman niya na dapat ay matagal nang ibinaon sa limot. "Hannah anong relasyon niyo ng lalaking naka itim ang mascara?!" Nakasimangot na tanong niya. "Ano bang sinasabi mo?" Ano na naman ba ang sasabihin ng babaeng to? Nilalaro ba niya ako. Well I'm not a toy! "Well hindi mo nga siya kilala pero bakit bakit ka niya tinutulungan?!" tanong niya. "Tinulungan? Saan?" Sambit ko tsaka pumunta sa punong malapit doon para sumilong kase naguusap kami sa kagitnaan ng init! "Pinatay niya ang gang na nakasalamuha mo at nakalaban mo!" Tinitigan niya ako ng masama at nagulat ako sa mga sinabi niya. "Yung tao na dapat na papatay sayu, ngayon patay na!" Dugtong nito sa akin tsaka niya ako hinawakan sa kamay. "Tama na!" Nataasan ko siya ng boses dahil naguguluhan na ako. "May panganib na naghihintay sayo at sakanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sayo!" "At anong panganib ang sinasabi mo?" "Malalaman mo yan mamaya!" Pagbitaw niya ng salita tsaka niya ako iniwan. Hindi dapat ako panghinaan ng loob dahil hindi ko alam kong anong pwedeng mangyari sa akin sa bawat oras at minuto sa paaralan na ito. Isang maganda at ideal na paaralan sa paningin ng iba. "Hannah anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Drake sa akin. Napatingin ako sa malayu at nakita ko na nandun parin ang babae at pinagmamasdan niya ako. "Dadalhin ko lang to sa admin" "Ako nalang total doon ako papunta" Saad niya sa akin at kinuha ang hawak kong mga files. "Ako nalang tsaka sa akin naman nila inutos yan baka pagalitan niya ako" "Si Neithan ba?" Tanong nito sa akin "malakas ka naman don... Sige na alis na ako" dugtong nito Ano bang pinagsasabi neto. Hindi na ako nagtanong pa kundi bumalik nalang ako papunta sa office pero hindi ko naabutan si Neithan. "Nasaan siya?" Tanong ko sa kasama namin dito kanina. "Kasama niya si Megan" ani nito tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Inutusan niya ako dahil may gagawin sila ng babaeng yun. Tsk sinasabi ko. Nagseselos ba ako? No way! Lumabas na ako para hanapin sina  Jaz total wala naman akong kasama ngayon. Naabutan ko sila sa classroom namin at aktong aalis na sana pero hinarangan ko sila. "Bakit ka andito?" Tanong ni Eloisa sa akin. "Bakit ayaw niyo ba akong makita?" Saad ko sakanila. "Hindi pero bakit siguro wala si Neithan noh?!" Nang aasar na tanong ni Jaz. "Ano naman kung meron si Neithan hindi na ba ako pwedeng pumunta sa inyo?" Sambit ko sakanila. "Pero totoo noh wala si Neithan?" Tanong ulit ni Jaz. "Paano niyo nalaman?" Tanong ko sakanila tsaka lumabas kami don. "Nakita namin siya kasama niya si Megan with matching holding hands at naka intertwined pa ang mga kamay nila kanina!" Sambit nila sa akin na ikinakulo ng dugo ko. "Wala akong pakealam sa kanila kahit na magkahalikan pa sila sa harap ko!" Napataaas na boses na sabi ko sakanila. "Talaga?!" Asar ni Jaz sa akin. "Ano ba! Maka alis na nga" napikon na ako sa kanila kaya nag walk out na ako. Aalis na sana ako pabalik sa Office nang makita ko si Neithan na nakasandal sa gilid at naka cross arm. Nandiyan lang pala siya malapit sa amin at mukang narinig niya lahat ng mga sinabi ko. Tinignan niya ako at ngumisi pa sa akin. "Are you jealous?" Nakangising tanong ni Neithan. "It is none of your business!" Snob ko sa kanya at aalis na sana pero hinawakan niya ang kamay ko and nag intertwined ang mga kamay namin. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ano bang nararamdaman ko? Don't tell me I'm fuckingly in love with this guy! No maybe this is just nothing. Ughh! -*-*- Third Person Point of View Naglalakad ako papunta sa cafeteria nang tumunog ang speaker ng paaralan na to at pinapatawag ang lahat ng mga students na pumunta sa harap ng admin. Nalalapit na ang araw nang simula ng mga kaguluhan sa paaralan na to at masasabi kong ngayon na ang araw na yon. Naabutan ko lahat ng mga students doon at pumunta sa harap para makita kung ano yon. Lumabas si Madam Principal kasama ang mga guards niya. "Good afternoon Good Christian Academiers... I have a special announcement" Sabi niya sa aming lahat. Ume echo ang boses niya at siguradong rinig ito ng lahat. Paulit ulit na nagsisink in sa utak ko ang mga sinabi niya na para bang mahihipnotized ako. Maraming natutuwa dito lalo na sa mga bago pa lamang. Mayroong ding natatakot at alam na nila ang susunod na sasabihin ng Principal gaya ko. "The Dormitory is now open!" Shit! talagang binuksan na nila ang dormitoryo. Hindi maari!! "Maaga kayong madidismiss ngayon dahil lahat kayo ay titira sa dormitory simula bukas... Pumunta kayo sa locker niyo at nandoon na lahat ng mga naka assign na susi sa inyo at sa room number niyo kung saan doon ang kwarto ninyo!" Maraming nagsigawan dahil sa excitement pero hindi nila alam kung anong naghihintay na mangyayari sa aming lahat pag simula ng pagiistay namin sa paaralan na ito. "What are you waiting for? Go and look for your rooms!" Nakangising sambit ni Madam principal kaya lahat ng mga tao dito ay tumakbo papunta sa kani kanilang locker. Hindi ako pwedeng maki alam sa plano ni Madam Principal dahil kamatayan ang naghihintay sa akin pag pinakealaman ko sila.             -*-*- Ridge Point of View Maagang nagpasundo si Hannah sa akin galing sa school nito kaya sinundo ko siya agad. Nang nasa bahay na kami ay ipinark ko na ang sasakyan at  sabay kaming lumabas ng kotse bago pumasok sa bahay. "Dad?" Tawag agad ni Hannah kay Dad. "Yes my Princess?" Tanong ni Dad habang nakatitig sa laptop niya. "Dad mag iimpake na ako"  pag papa alam ni Hannah kay Dad at agad naman bumaba ang mga kapatid namin galing sa taas. "Hannah hindi matutuloy ang pag alis natin sa Los Angeles!" Saad ni Xavier sa kanya. "Los Angeles?" Nagtatakang tanong niya "Anong gagawin ko don?" Dugtong na tanong niya sa amin. Nadulas si Xavier. Hindi na dapat malaman pa ni Hannah ang mga napag usapan namin. "Biro lang ni Xavier yun!" Sambit ko sakanila tsaka kami umupo sa sofa. "Bakit ka mag iimpake?" Tanong ni Kuya Hans kay Hannah. "Titira na daw kami sa Dormitory ng school" ani ni Hannah sa amin. "May dormitory pala sa school niyo sounds creepy huh!" Sambit ko na ikinagulat ni Hannah. Malapit na Hannah, malalaman namin lahat ng tinatago mo sa amin. "What are you talking about?!" Tinaasan pa ako ng kilay ni Bunso. "It's nothing" saad ko sakanila. Kilala mo ako Hannah. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang mga sikreto mo. Kilala kita Hannah pag naglilihim ka sa amin. Alam kong malaki ang problema na yan. "Ganun ba? Pwede namang hindi diba?" Tanong ni Xavier sakanya. "mas maganda nang doon ako para hindi ako palaging malalate sa klase ko Kuya" sagot ni Hannah "Ihahatid kita ng sobrang aga" Sambit ni Kuya Clifford. Ayaw nilang paalisin si Hannah ah. Well pati rin naman ako. This is going to be the first time na hihiwalay siya sa amin. "Ikaw ba Hannah gusto mo ba talaga?" Seryosong Tanong ko "Huwag kayong mag alala tatawag naman ako pag gusto ko nang umuwi at palagi akong  makikipag chat sa inyo. I'll promise" Sambit ni Hannah "Sige papayag na si Daddy pero may kondisyon" Sambit ni Dad kay Hannah. "Ano yun Dad?" Tanong ni Hannah "Mag iingat ka palagi" Sambit ni Dad tsaka Yinakap naming lahat si Hannah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD