Chapter 27 - Abigail

1180 Words
Chapter 27: Abigail Hannah Point of View Binuksan na nila ang dormitory at pumasok na lahat ang mga studyante hawak hawak ang mga maleta nila. Pagkapasok ko dito hinatak ko kaagad ang daan papunta sa Room 112 kung saan dito ang magiging dorm ko sa loob ng impyernong to. Hanggang sa nasa second floor na ako ng dormitoryong ito at ngayon ay nasa harapan na ako ng pinto ng aking kwarto. Pumasok ako at inayos ko kaagad ang mga gamit ko, hindi ko alam kong sino kadorm ko dito. At dahil wala pa siya ay napagpasyahan kong lumabas na muna don. Mamaya ko nalang ililigpit ang mga dinala kong mga gamit. Pagkalabas ko ay naglakad lakad lang ako hanggang sa naabutan ko ang mga studyanteng nasa labas. Lahat sila at mukang may pinagkakaguluhan o ano pa man iyon. "Excuse me!" Saad ko sa mga studyante at binigyan naman nila ako ng daan. "Hindi na dapat pa kayo pumasok dito!" Sigaw ng babae na tinatawag nilang baliw. "Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ng babae na nasa tabi ko. "Marami nang namatay sa paaralan na ito at kayo ang isusunod nila!" Banta niya. "Baliw ka lang!" Sigaw ng babae sa kanya. Maraming natakot sa sinabi niya at pinag usap usapan pa ito. Marami din ang nakampante lang dahil sa isip na nababaliw lang ito. "Go to your rooms right now!" Utos sa amin ni Nicky na kararating lang at sinunod naman nila ito maliban sa akin. "Anong ginagawa mo pa dito?" Saad niya at tinasaan ako ng kilay. "Bulag ka ba? Nakikita mo na ngang nakatayo ako!" Sambit ko sakanya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa yo Hannah!" sambit niya "Muka ba akong nagbibiro?"  "Well ganun na nga" Saad ni Nicky bago niya ako sinamaan ng tingin "Kung lahat sila sumusunod sa yo, pwes, ibahin mo ako!" Sambit ko  "Sa ngayon Oo kase hindi mo pa ako tuluyang kilala at pag nalaman mo na kung sino talaga ako baka mamaya lumuhod ka pa sa harapan ko para magmaka awa!" Sambit niya tsaka ngumisi. At ang mga alalay naman niya ay tuwang tuwa sa inasal ng kanilang boss. "Na ah, alam mong hinding hindi ko gagawin yun" Palaban na sagot ko sakaniya. Totoo naman. Wala akong sinasanto sa paaralan nato  kahit na sino. "Sigurado ka?" Lumapit ito at binulong niya sa akin "Yes b***h!" Saad ko  "Tatandaan ko yan Hannah sana lang walang magbago sa mga sinabi mo" Pagbitaw niya ng salita tsaka umalis na sila. Tumunog na ang bell kaya pumasok na kami sa klase namin. Habang nagdidiscuss si Sir naisipan kong lumabas kase mukang wala namang kwenta ang sinasabi niya. Lahat ng mga sinasabi niya alam kona kase. Ganun ako kagaling. "Where are you going Ms. Emmerson?" Tanong ng guro sa akin kase tumayo ako at aalis na sana. "I need to go to the bathroom Sir" Saad ko tsaka umalis na. Alam kong mali ang hindi ko pagpapaalam agad bago umalis. Di ko lang alam na bigla nalang akong tumayo at umalis at hindi na naisipang magpaalam pa. Buti nalang ay pinastop ako ni sir agad kahit papano kaya natauhan ako. At buti narin dahil pinagsawalang bahala ni Sir ang aking inasal. Naglakad na ako paalis at malayo layo narin ako nd napuntahan ng may umagaw sa atensyon ko. May lalakeng nagtatago at nakatingin sa akin na nasa malayo at parang minamanmanan ako nito. Ngunit umalis rin ito kaagad kaya ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko nang biglang may humila sa akin sa loob ng stock room dito. Nakita ko ang babaeng tinatawag nilang baliw at sumandal ito sa sahig at may tama siya ng baril sa braso at sikmura. "Anong nangyari sa yo?" Alalang tanong ko at napatingin naman ito sa akin. Kitang kita ko na ang totoong itsura niya ngayon dahil yung buhok niya ay inilagay ko sa likod ng kanyang tainga dahil napupunta ito sa sugat niya. "Hannah makinig ka sa akin ng mabuti" nanghihinang saad nito sa akin kaya tumango ako. "Ano ba yon?" Tanong ko sakanya na mukang marami ng umaagos na dugo sa tiyan niya "kailangan mona kitang dalhin sa clinic nanghihina kana" ani ko sakanya at tutulungan ko na sana siya na tumayo nang magsalita ito. "Huwag Hannah please lang" Pagpigil niya sa akin May narinig akong apak ng paa sa labas ng stock room nato at itinikom niya ang bibig ko na para bang tatahimik ako. Isang guard ang dumaan at mukang may hinahanap. Hindi kaya siya ang hinahanap niya? Pero bakit?. "Tara magpatulong tayo sakanya" ani ko na ikinatakot niya. "Hindi ka pwedeng magpatulong sa kahit na sino man dito dahil lahat sila mga kalaban" Saad niya sa akin "Sa tingin mo ba kung dinala mo ako sa clinic ngayon gagamutin nila ako?, Hindi Hannah nagkakamali ka dahil lahat sila ay sakop ng principal nayun"  bulong na dugtong niya ng biglang may pumasok dito. "Abigail tara na!" Saad ng babaeng blonde ang buhok, maputi at mukang angel. Tinignan niya ako at sinamaan ng tingin. May hawak siyang kutsilyo na may dugo at baril na nasa kanang kamay niya tsaka inihagis niya ang kutsilyo malapit sa akin. "Sino ka?!" Tanong nito sa Akin. "Siya si Hannah ang sinasabi ko sayo Jane!" Saad ni Abigail. So Abigail ang pangalan nitong kasama ko. At sino naman yang Jane na yan at malapit na niya akong tusukan ng kutsilyo. "Tsk! Never mine kailangan na kitang ilabas dito hanggat tulog pa ang mga pesteng aso!" Saad niya kay Abigail. "Aso?" Tanong ko sakanya at tinignan naman niya ako. "Dog is the other name of the principal's guards" Sabi niya sa akin. Gumagawa siya ng sarili niyang vocabularyo. It's a cool thingy. "Ok" "Gumamit ka ng Ate kase masmatanda kami sayo ok!" Paalala niya tsaka tinulungan namin si Ate Abigail na tumayo at inilabas dito. Pagkalabas namin nakita ko ang mga guard na nakahandusay sa sahig tsaka ko tinignan si Ate Jane. So siya ang pumatay sa kanila. Nakaya niya yan? Mag isa lang ba siyang lumaban sa mga naglalakihang katawan ng mga to? Hindi lang siya pangkaraniwang tao, she's also good on this. Nasa harap na kami ng gate ng paaralan nato at may sasakyan na nakaparada sa harap ng gate. agad na ipinasok namin si Ate Abigail sa loob ng sasakyan. Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko ang lalake na nagmamaneho siguro kasabwat nila Ate. "Ikaw na bahala sa kaibigan ko at huwag mong hahayaan na may manakit sa kanya kahit na sino!" Paalala ni Ate Jane sakanya at tumango naman ito tsaka pinaharorot na ang sasakyan. Pumasok na kami sa loob ng paaralan dahil baka may makakita pa sa amin dito sa labas. May mga patak ng dugo sa dinadaanan namin kanina. May nakasalamuha kaming isang studyante na mukang nakita ang ginawa namin sa mga guards. "Kayo ang may kagagawan sa mga guard ni Principal" sabi nito sa amin ni Ate Jane. "And so what?!" Tinaasan ni Ate Jane ng Boses ang babaeng ito. "Isusumbong ko kayo!" Banta nito sa amin. "Well kung ganon good bye girl see you in hell" Paalam ni Ate Jane tsaka inilabas ang baril niya at pinaputukan ang babae ng tatlong beses sa puso pa! Pagkatapos non kinuha niya na ang kanyang panyo sa bulsa nito at pinunasan ang pagkahawak niya sa baril tsaka ipinahawak ito sa babaeng wala nang buhay. Mautak din siya ginawa niya yun para palabasin na yung babae ang pumatay sa mga guards ng principal. "Pumasok ka na bago pa tayo mahuli dito" saad niya tsaka umalis. Pumasok na ako sa susunod na klase ko at maaga rin namang natapos kaya nagtungo na ako sa dorm. Pagkapasok ko ay nakita ko ang isang maleta na siguro ay pagmamay ari ng ka roommate ko. Pupunta na ako sa Cr nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal si.... Neithan?! Napapikit ako at napatili dahil naman naka towel lang ito. Tumakbo ako palabas ng dorm at hinintay ko siya na matapos magpalit. Si Neithan ang ka dorm ko! I taught babae but lalake pwede ba yun? Binuksan ko kunti ang pinto "Tapos ka na?" Tanong ko habang nasa labas ako ng pinto. "Oo" Sambit niya kaya pumasok na ko. Pagkapasok ko sa pintuan naabutan ko siyang naka upo sa kama niya na malapit sa kama ko. May kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito at pinapasok si Teacher Chelsie. "Ma'am bakit po lalake ang ka roommate ko?" Tanong ko kay Teacher. "Bakit ayaw mo ba?!" Sambit niya tsaka tinaasan pa ako ng kilay. "What are you saying?" Napakunot noong tanong ko. "Nakalagay dito sa rules na magka room mate ang President at ang kaniyang Vice president, malas nalang kong babae at lalake kayo kaya nagsama kayo" Saad niya "Pero paano kung-" Hindi natuloy ang sasabihin ko ng takpan ni Neithan ang bibig ko. "What are you doing here!?" Tanong ni Neithan Kay Teacher Chelsie. "Don't worry aalis naman ako agad. I just want to check kung maayos ba ang lahat?" Pag cla clarify niyang. "Yes. Makakaalis ka na" Saad ni Neithan sakanya kaya umalis na ito. Takip takip parin Neithan ang bunganga ko kaya tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko at humarap ako sakanya at sinamaan siya ng tingin. "Ano bang problema mo?!" Napakunot noong tanong ko. "Sa tingin mo may pake alam sila sa ating mga studyante?" Tanong niya sa akin. "I know Neithan, you don't need to remind me" "Well" lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa Noo. "Good night Darling" Nginisian niya ako. Darling? Those words are killing me right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD