Chapter 28 - Old Rule

1370 Words
Chapter 28: Old Rule Eloisa Point of View Maaga akong nagising dahil maya maya na ay may pasok na kami. "Patayin mo nga yang alarm clock mo kundi sisirain ko yan!" Banta ni Jaz habang nakakumot parin at ayaw maisturbo. And yes! Jaz is my roommate. Ayaw niyang gumising ng maaga at buong buhay niya kinaiinisan niya ang alarm clock. "Wake up!" Gising ko sakanya tsaka pinatay ang maingay na alarm clock ko. "Don't disturb me!" Sambit niya "Jaz remember may pasok tayo ng maaga bahala ka pag late ka. Naka dalawang warning ka na at sa susunod you're dead paglilinisin ka na talaga, hindi kita tutulungan!" Paalala ko sakanya. "Ok fine!" Sinamaan niya ako ng tingin at bumangon na siya sa kama tsaka naligo. Nakaligo narin kami at nakabihis. Kumain narin kami kanina and ako ang nagluto, ako lang naman ang magaling magluto si Jaz I don't think so. pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami sa dormitory para sa klase namin nang naabutan namin si Hannah na papunta narin sa classroom. "Hannah sino karoommate mo?" Tanong agad ang ibinungad ni Jaz kay Hannah. "A-ah wala" Sambit niya tsaka pumasok. "Anong wala?" Tinaasan ko siya ng kilay kase muka siyang nagsisinungaling sa amin. "What I mean is hindi niyo siya kilala dahil bago lang siya dito" "Ah freshman?" "What?!" Napakunot noong tanong niya dahil sa sinabi ko. May iba ata siyang iniisip at mukang na green minded siya sa sinabi ko. "May problema ba sa sinabi ko?" Tanong ko sakanya. "Nothing I just want to clarify something!" Saad niya tsaka umupo kaya ganun din kami. "And what is that something?" "Nothing!" Sagot niya. Bumukas ang pinto at iniluwal si Neithan na nakangisi kay Hannah at tong si Hannah umiwas lang ito ng tingin sakanya. Ano bang meron sakanila? Natigilan ako sa pagtatanong sa sarili ko nang tumunog ng napakalakas ang speaker sa buong campus na para bang bingi na lahat ang mga andito. Ang creepy ng tunog na iyon! Pagkahinto nito ay nagsalita na ang principal. "Hello students! How's your first day in our dormitory? Is it good or bad?" Bungad niya na rinig sa buong campus. Humalakhak ito at rinig namin ang mga nakakasukang tawa niya. Mga nadedemonyong salitang lumalabas sa kanyang bungaga kaya gusto kong takpan ang mga tenga ko para hindi ko na marinig. "The old rule will be be restored starting tommorow!" Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin niya dahil parang alam ko na ang pinupunto niya. "And that rule is..." Sumunod na saad niya. s**t! sarap sapakin ang pagmumuka niya at iuntog sa kasingkapal niyang pader dahil ang tagal tagal niyang magsalita. "Devil's Hour!" Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Tumahimik halos lahat ng nasa palagid at parang napatigil ang iba sa paghinga kasama ako maliban sa iba naming kasamahan dahil hindi nila alam kong ano ang rule na sinasabi ng principal tulad nalang kay Jaz na wala ring kaalam alam sa nangyayari. Kaya hindi maiiwasang mayroon ding mga nabubulungan tungkol sa kung ano ang devil's hour. "Simula bukas huwag na huwag kayung lalabas o magpapalate sa mga klase niyo dahil alam niyo na ang mangyayari sa inyo sa labas!" Ipinikit ko ang mga mata ko at kinimkim ko ang galit at kaba mula sa loob ko. "Kamatayan!!" Sigaw na saad niya kaya umecho ito at tinakpan ko ang tenga ko dahil narin sa lakas. sumunod pa ang lakas niyang pagtawa. "You should not be late dahil masasarahan kayo ng pinto... Good luck!" Natapos narin ang announcement niya kaya tumigil narin ang speaker sa buong campus. Maririnig ang mga pagsinghap ng mga kasama naming studyante. Napuno ng takot at pagsisisi ang buong campus. Tinignan ko si Jaz na nanginginig sa takot at gustong umiyak pero walang magagawa ang pag iyak niya. "Kaguluhan!" Saad ni Teacher Jessamyn na nasa harap namin. "Kailangan niyo siyang pigilan!" Nanginginig na sigaw ng babaeng kaklase namin kay Teacher Jess. "I'm sorry wala akong magagawa" Sambit niya tsaka aalis na sana pero pinigilan ito ng mga kaklase ko at hinarangan siya ng daan. "Wala?" Saad sakanya ng babae at tumulo ang mga luha niya sa takot "Wala ba talaga or gusto niyo na mamatay na kaming lahat dito!" Sigaw niya sa Teacher at sinampal ito ng Guro. "Kahit kailan ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kayong lahat dito at alam niyong isa lang akong guro dito na walang kakayahan para pigilan ang mga plano niya" Sambit niya tsaka umalis. Oo isa lang kayong guro pero kung talagang gusto niyo magagawa niyo pero bakit si Sofie isa lang siyang pangkaraniwang studyante pero malaki na ang naitulong niya sa amin. Ang sabihin niya takot lang siya na mamatay dahil sa pagtutul niya sa mga suhestyon ng Principal. _*-*_ Hannah Point of View Hindi kaya ito na ang sinasabi sa akin ni Ate Abigail na malapit nang mangyari? Pero anong mangyayari sa akin pag sinuway ko ito? Alam kong kamatayan pero paano? Paano ako mapapatay? Kailangan kong alamin ang bawat pangyayaring ito kundi mapag iiwanan ako. Kailangan kong malaman lahat ng mga katungan na bumabagabag sa isipan ko hanggang ngayon. Natapos narin ang klase namin kaya napagpasyahan kong lumabas muna hanggang sa napadpad ako sa mga studyanteng na may pinagkakaguluhan kaya sumingit ako para makita kong ano yon. Fvck this s**t! Patay na naman! Hanggang kelan ba matatapos ang mga to? Hanggang maubus ba ang tao na nandito sa loob ng impiyernong to?! What should I expect sa paaralan na pinamumunuan ng walang kwenta at pesteng demonyo na principal na iyon. Halos masuka ako sa kakilakilabot na nangyari sa kanya. Ilang kutsilyo ang nakasaksak sa katawan niya halos lahat na ng buong katawan niya may nakatusok na maliliit na kutsilyo a dagger. Umaagos ang dugo nito malapit sa akin. Halos mahimatay na lahat ng nakakita nito at may isinugod pa sa clinic. Iniangat ko ang tingin ko at binasa ang dugong nakasulat sa pader. 'TAKE THE RISK OR YOU'LL BE KILLED!' Ibinalin ko nalang ang tingin ko sa iba at umalis na doon dahil hindi ko narin kaya pang makita ang nakakasuklam na pangyayari na yun. Take the risk or you'll die? Ano bang klaseng rule yon? Paano? Pag alis ko malayo doon nakita ko na naman ang lalake na naka hoodie at nakamascara ng itim at nagmamanman sa akin. Napatingin ako sa palagid ko dito pero walang mga studyante na nakakalat. Aalis na siya kaya hinabol ko ito. Napahinto ito kaya huminto ako. Ilang agwat nalang malapit na ako sakanya. "Sino ka ba at bakit mo ako minamanmanan?" Alam kong hindi niya sasabihin kung bakit pero tinanung ko parin. Hindi niya ako sinagot pero inihagis niya sa akin ang isang dagger. Napatitig ako dito at may wolf na pula ang mata ang nakahugis dito. Tinignan ko siya nang magsalita ito. "Kunin mo yan para sa kapakanan mo" Saad niya tsaka umalis. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba  o hindi pero naisipan ko na itago nalang ito at ilagay sa blazer ko. Nagulat ako dahil sumulpot bigla si Ate Jane sa gilid ko. "What is that?" Tanong niya sa akin tsaka kinuha ang dagger sa blazer ko. Nanlaki ang mga mata niya habang tinititigan ang dagger na bigay sa akin ng lalake kanina. "Akin na nga yan!" Sambit ko tsaka kinuha ito sa pagkakahawak niya. "Paano napunta sa yo ang dagger na yan?" Nagdududang tanong niya. "Why would I tell you?" Sambit ko sakanya na natigilan at mukang may inisip. "Neithan!" Rinig kong mahina niyang sabi. Paano naman nadamay si Neithan sa usapan namin? "Anong sabi mo? Neithan?" Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang susunod na sasabihin niya. "Love is everywhere" Napakunot ako dahil sa sinabi niya tsaka umalis. Ano bang pinagsasabi niya nababaliw na ba siya? Naglakad na ako papuntang Officer's office at naabutang abala silang lahat. Umupo ako sa desk ko at inaalala ang mga sinabi sa akin ng lalakeng naghagis ng dagger na ito. "Hannah" Tawag sa pangalan ko ng isang babae dito. "Bakit?" "Paki tignan nga kung nasa drawer ng desk ni Neithan ang isang documents inayos niya kanina" utos niya sa akin. "Bakit Hindi ikaw ang kumuha may kamay ka naman diba? Sambit ko. "Wala kaming karapatan na galawin at pakealaman ang kahit na ano man sa desk niya maliban sayo" Sambit niya sa akin. "Bakit ako?" "Utos niya sa aming lahat na ikaw lang ang pwedeng gumalaw sa gamit niya!" Clarifikadong sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at pumunta sa desk niya. Binuksan ko ang drawer at nakita ko ang isang dagger na kamuka ng ibinagay nung lalake kanina sa akin. Possible kayang kay Neithan galing ang dagger na binigay sa akin nung lalake. Isinara ko ang drawer ng makuha ko na ang dokumento nang biglang may naramdaman akong yumakap sa likuran ko at kilala ko ang pabango na yun. Nanlaki ang mga mata ng mga kasamahan namin dito at napatulala pa ang iba. "Kumain ka na?" Tanong ni Neithan habang nakayakap sa akin tsaka ako humarap sakanya. "Hindi pa! do you want me to eat you!" Pabalang na tanong ko sakanya. Kase naman ay nakayakap ito. "You are not a vampire right?" "Yes you're right!" Sagot ko. "Then eat me now darling besides my soul and body is yours!" Saad niya sa akin at inilapit pa ang muka niya sa muka ko. kunti nalang magkakahalikan na ang mga labi namin sa sobrang lapit niya. "Tsk!" Saad ko tsaka pumunta sa desk ko nang biglang pumasok si Megan at pumunta kay Neithan. "Neithan may pag uusapan tayo!" Sambit niya kay Neithan at tumingin sa akin si Megan kaya tinignan ko siya ng nakamamatay na titig which is my deadly glare kaya ibinalin niya ang tingin niya kay Neithan. Bakit parang kumukulo ang dugo ko pag nakikita ko ang babaeng yan na lumalapit kay Neithan. I feel Jealous!. Ughh! Why am I feeling like this. Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa. "Let's go Darling!" Sambit ko kay Neithan na ikinalaglag ng panga ni Megan. "Darling?" Tanong sa akin ni Megan. Tumayo si Neithan at lumapit naman agad ito sa akin tsaka ako inakbayan at nginisian pa. "Okay Darling" sabi naman niya tsaka agad agad akong hinila palabas ng Office at iniwan si Megan doon. Woah! Malapit nakung mahulog! Ang bilis naman kasing maglakad eh alam nangang hawak hawak niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD