Chapter 29 - Devil's Hour

1770 Words
Chapter 29: Devil’s Hour Eloisa Point of View Ngayon na ang araw na kinakatakutan ng marami. Ang araw kung saan maraming buhay ang mawawala at siguradong maraming bakas na dugo ang magkakalat. Maaga kaming pumasok ni Jaz dahil ayaw namin malate sa klase dahil kamatayan na ang naghihintay sa amin pag nangyari ang araw na yon. Pagkalabas namin sa dorm nakita namin ang mga studyante na nagmamadali at kagaya namin ay ayaw maabutan ang pangyayaring tatapos sa aming buhay. Pumunta na kami sa main building ng paaralan na ito at hinatak ang ikalawang palapag papunta sa harap ng classroom namin. Nang andito na kami sa harap ng pintuan ay hinihintay namin na buksan na ng aming guro ang pinto. Narito na lahat ng mga kaklase namin maliban nalang kina Hannah at Neithan. Alam namin na nasa loob na ang mga guro namin every class at hindi pa nila binubuksan kaagad ang pinto dahil ayon sa rule saka lang nila bubuksan ang pinto para makapasok kami pag malapit na ang oras ng Devil's Hour. Ang Devil's Hour ay isang alituntuning sinimulan ng principal ng eskwelahang ito kung saan may p*****n sa loob ng campus o labas ng classrooms like sa mga lobbies, hallways, ground o field ...all around wala silang pinipilang lugar. Pwera nalang sa mga classrooms basta siguraduhing naka lock ito dahil kung hindi ay pwedeng pwede kang pasukin ng mga gangs Ang Devil's Hour ay oras kung saan ay allowed ang pagpatay, it occur during class hours kung saan pag lumabas ka ay mapapatay ka ng mga gangs na pinapalibotan ang buong school. Bawal mag excuse at higit sa lahat bawal malate o mag cutting classes kung ayaw mong mapaaga ang pagtapos ng buhay mo. Tumunog ng napakalakas ang speaker at maririnig dito ang malakas na paggalaw ng orasan. "Today is going to be excited!" Saad ng principal sa speaker. Ano bang nakaka excite sa ganitong sitwasyon? Yan mga p*****n ba ang ikinagagalak niya? How rude Madam Evilyn was? "The Devil's Hour will gonna start for a minute!" "You only have one minute left more to run to your classroom!" Sunod sunod na sabi niya. "Tik...tak" sinasabayan pa niya ang paggalaw ng orasan. Tinignan ko ang relo ko at 30 seconds nalang ay magsisimula na ito pero wala padin sina Hannah. Sabay sabay na binuksan narin ng mga guro ang mga silid aralan nang malapit na ang isang minuto. Pagkabukas na pagkabukas nito ay mabilis na pumasok ang mga kasamahan ko. Ako naman ay napatingin sa mga studyante na natataranta sa ibaba at nagtatakbuhan. May mga naapak apakan at may mga umiiyak dahil hindi na nila naabutan ang pagbukas ng pinto dahil agad na naisara ito once na natapos na ang isang minuto. Dahil kapag hinayaan nilang papasukin ang kasamahan nila sa oras ng Devil's Hour ay mamamatay silang lahat sa loob dahil papasok ang mga gang sa silid na yon kaya ganun na lamang ang kahigpit nila. Di ko namalayang naiwan na pala ako. Hinila ako ni Jaz papasok ng silid namin dahil isasara na nila at mukang kanina pa ako nakatitig sa mga studyante sa baba. Buti nalang ay hindi kami napasokan at hindi nila ako iniwan at sinarhan ng pinto. Siguro ay hinarangan ni Jaz ang pinto at hinintay akong pumasok. Nang nasa loob na kami ay nagsalita si Jaz. "Eloisa wala pa si Hannah" Nag aalalang saad niya. Oo nga wala pa siya. Kailangan ko siyang sunduin. Hindi ko sinagot ang sinabi niya bagkus ay gumalaw ako paalis sana sa room namin nang magsalita si Jaz. "Saan ka pupunta?!" Tanong ni Jaz sa akin dahil aktong aalis na ako sa silid na ito para hanapin si Hannah. "Hahanapin ko si Hannah!" Sambit ko na ikinatakot niya. Hindi ako natatakot sa anumang pwedeng mangyari sa akin pag lumabas ako dito dahil mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kaibigan ko. Minsan na akong nawalan ng kaibigan at ngayon hindi na ako papayag pa. "Eloisa please huwag mong ituloy ang binabalak mo!" Nagmamakaawang saad ni Jaz sa akin. Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin at nanginginig pa ang iba dahil natatakot sila pag binuksan ko ang pinto. "Sorry Jaz pero buo na ang desisyon ko hindi ako matatahimik dito hanggat hindi ko nakikita si Hannah!" "Sama ako!" Saad niya sa akin at  hinawakan niya ang braso ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at tinignan ko ito bago siya napaluha ng malakas. "Jaz huwag na!" Aalis na sana ako pero mahigpit na hinawakan niya ang braso ko ulit. "Eloisa paano kung may mangyari sa yo sa labas!" Galit na saad niya habang sunod sunod ang pagtulo ng mga mapapait na luha niya sa mga mata. "Jaz huwag mo akong alalahanin" Pinunasan niya ang mga luha niya at sinampal ako. Natural na sa min ang pagsampal sa isat isa lalo na sa sitwasyon namin ngayon. "Eloisa hindi ko kaya na mawala ka dahil tinuring na kitang kapatid alam mo yun!" Sambit niya at yumakap sa akin. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa kin. "I'm sorry Jaz kailangan ko tong gawin!" Saad ko tsaka lumayo sa kanya. "Michelle ingatan mo si Jaz!" Utos ko kay Ms. Lopez "Bakit ako?" Napakunot noong tanong niya. "Just do what I said kundi sa punerarya ang bagsak mo!" Banta ko na ikinasimangot niya. "Ok fine!" Napabuntong hininga siya tsaka lumapit kay Jaz na hikbi ng hikbi. Lumapit ako sa pinto at bubuksan na sana pero hinarangan ako ni Calix. "Ano bang iniisip mo at naisipang lumabas!" Galit na saad niya sa akin. Hindi ko siya sinagot dahil ayaw kong mag aksaya ng panahon dito. "Tumabi ka diyan Calix!" Inis na sambit ko sakanya. "I'll come with you!" Saad niya tsaka binuksan ang pinto at sabay kaming lumabas doon. Pagkalabas namin sumalubong sa amin ang malakas na ihip ng hangin at masamang panahon. Nandidilim sa labas at mukang uulan ng malakas pero balewala lang to para sa kinahaharap namin. Nasa likod lang ako ni Calix at sumusunod sakanya ng napahinto siya sa paglalakad. Nagsidatingan na ang mga Gang hawak hawak ang mga matutulis nilang armas. Hinila ako ni Calix para magtago sa gilid at tinakpan niya ang bunganga ko. Nasisiguro kong walang makakakita sa amin dito pero nagkamali ako may dumaan na mga gang at napahinto ito malapit sa amin. "s**t! Natakasan tayo!" Saad niya sa kasamahan niya at umalis. Buti nalang at hindi niya kami nakita. Hindi ko namamalayan na nakayakap na pala ako kay Calix dahil sa sobrang takot ko kanina na baka nahuli kami. Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya dahil narin sa gulat. "Tara na!" Saad ko tsaka umalis na doon at nagsimulang maghanap kay Hannah. Habang naglalakad ako napaatras ako dahil sa nakita kong patay na studyante at nakamulat pa ang mata niya. May mga saksak sa dibdib at umaagos ang dugo niya sa sahig. Lumapit si Calix sa akin at hinawakan niya ang kamay ko na nagbigay lakas sa akin. "New victim!" Nanginig ang mga paa ko dahil may nagsalita sa likuran namin. Humarap kami sa kanila at nakita ko ang mga limang miyembro na may hawak hawak na mga duguang kutsilyo. "Ms. Monteverde right?" Nakangising saad ng kasamahan niya. mas humigpit ang paghawak ni Calix sa kamay ko at inilagay niya ako sa likuran niya. "Umalis ka na dito Eloisa!" Saad niya sa akin habang nakatingin sa mga gang. "Hindi kita pwedeng iwan Calix!" "Just go!" Malamig niyang sabi pero hindi ko parin sinusunod ang utos niya. "Kahit patakasin mo siya mamamatay din yang kasama mo!" Saad ng gang kay Calix at mukang naiinip na at gusto ng pumatay ang lalakeng iyon. "Sa tingin niyo hahayaan ko kayo? Mamamatay muna ako bago niyo siya malapitan!" Sambit ni Calix sa kanila. Kasalanan ko ang lahat ng to kung sana nakinig nalang ako kay Jaz hindi na sana hahantong pa sa ganito. Naghiwalay hiwalay sila  yung iba pumunta sa harapan namin at sa gilid. mas lalo akong kinabahan sa bawat paggalaw nila dahil bihasa sila sa paggamit ng kutsilyo na yun. Humarap si Calix sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko. Umiiyak na pala ako kanina dahil narin sa takot ko hindi ko na namalayan. "I promise I'll save you from death" Saad niya tsaka ako hinalikan sa noo. Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya pero parang ikamamatay ko rin kapag may mangyari sakanya na masama. Mabilis kumilos ang mga gang at nahagisan sa kamay si Calix ng kutsilyo kaya nadaplisan ito. Umagos ang dugo niya sa kamay pero nginitian niya lang ako na para bang wala lang sakanya. Ipinikit niya ang mga mata ko gamit ang kanyang kamay habang ako naman ay nanginig sa takot baka mapano siya. Walang lugar ang mahihina dito dapat magpakatatag ako kung gusto ko pang mabuhay kami. Tinanggal ko ang kamay niya na tumatakip sa aking mata. Pinaghandaan ko ang bagay na ito kagabi. Alam kong mahusay na ako sa paghawak ng baril pero inensayo ko parin ang sarili ko ng tamang pag hawak at paggamit nito dahil matagal na ng huli kong gamitin ang skill ko doon. Kaya ko ulit gagawin ito ay dahil nga sa announcement kahapon. Ang paghahanda sa pagdating ng Devil's Hour. Gagamitin ko ito sa oras na kailangan tulad nalang ngayong pinapalibutan kami ng mga miyembro ng gang. Kaya kinuha ko ang baril sa bulsa ko at nandidilim na tinignan sila tsaka ko sila sunod sunod na napatay. Wala akong intensyon na pumatay pero pag sa ganitong sitwasyon kailangan mong gawin ang mga bagay na labag sa iyo kundi ikaw naman ang mamatay. Biglang nagsidatingan ang lahat ng mga gang dito dahil sa narinig na pagputok ng baril kaya naman hinila ako ni Calix para magtago sa malaking puno malapit doon. "Alam kong may tao dito malapit lang sa amin" Saad ng isa sa kanila. Napatingin ako kay Calix at nakitang tinititigan niya ako. At ako naman ay natutunaw sa mga titig niya kaya tinaasan ko siya ng kilay na ikinangisi niya. Hanggang sa isang bagong studyante ang late na pumasok siguro at pakalat kalat dito hanggang nap YAPadaan siya sa harap ng mga gang na naiinip na ang mga palad nilang pumatay.Mukang wala siyang kamalay malay sa pangyayaring ito. Kitang kita ko ang lahat dahil nakasilip ako sakanila. Naaalala ko sakanya si Jaz na kaparehas niyang sobrang natatakot nong araw na humantong din sa ganito. Matagal nang may rule na ganito at napatigil dahil kay Sofie. "Get her!" Utos sa kanila ng kasamahan niya. Kinaladkad nila ang BABAE na nanginginig na sa takot ngayon at umiiyak na nagmamakaawa. Nanlalambot ang puso ko sa nakikita ko lalo na pag may nangyari sa kanya kaya ibinalin ko nalang ang tingin ko sa baba. Tinignan ako ni Calix at hinawakan niya ang mga kamay ko na para bang ipinahihiwatig nito na huwag na akong maki elam sa mangyayari sa babaeng iyon pero nakokonsensya ako. Nang di na ako makapagtimpi ay tumayo ako sa pwesto namin at nagpakita sa kanila. "Huwag niyo siyang sasaktan!" Lakas loob kong pigil sakanila dahil aktong itutuloy na nila ang pagpaslang sa babae. "Bakit ka naman namin susundin Ms. Monteverde... You are no longer one of the Highest rank!" Pagpapaalala niya sa akin at tumawa pa ang mga ito. Yes, I used to be part of the organization. Kabilang ako noon sa grupo kong saan matatagpuan ang may pinakamataas na ranko at nasisiguro kong sila parin hanggang ngayon. But now ay nahiwalay na ako sa kanila at napunta nasa ibaba. "Get her! isusunod niyo siya!" Utos niya sa kasama niya upang paslangin ako. "Sige patayin mo ako at mamamatay karin!" Saad ko. "Mamamatay ka dahil sa paglabag mo sa number one rule nating mga gang na bawal pumatay sa kaparehong gang lalo na't wala pa ang oras pa doon" Dugtong ko. May araw kasi na maglalaban laban kaming mga gang. Every group iyon hindi individual. Ginagawa yon para tumaas ang rank at ma identify ang pinaka malakas na grupo. "At alam mo rin na bawal ang ginagawa mong pagtulong sa babaeng to!" Saad niya sa akin. Alam kong mali ang ginagawa ko at nakalabag pa ako sa rule na iyon kanina pero hindi ko kasalanan na mapatay ko sila. Kung di nila ako pinagtangkaang patayin di ko naman gagawin yun. "If you protect her means you put your life to death. Mamili ka  Eloisa kaligtasan niya o ang kamatayan MO?" I'll close my eyes at nag isip. "I'll protect her!" Buo na ang desisyon ko tutulungan ko siya. "Kung ganun you'll die!" Imposibleng kakayanin ko silang lahat na labanan dahil marami sila pero susubukan ko parin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD