Chapter 30: Discovery
Hannah Point of View
Plinano kong magpahuli sa klase at maabutan ang Devil's Hour para malaman ko ang mga kaganapan sa labas.
Hindi ako gumamit ng uniform kundi nagsuot ako ng jeans at jacket na may hoodie tsaka suot suot ko ang aking mask para hindi nila ako makita.
Naglalakad na ako sa hallway nang naabutan ko ang mga nakakasuka na bangkay ng mga estudyanteng naka handusay at wala ng buhay. Wala pang ngang isang minuto pero ganito na kadami ang namatay paano pa kaya pag umabot ito hanggang matapos ang klase? This is only the beginning of the Devil's Hour at aasahan mo na hindi lang ganito kadami ang mamatay sa mga susunod na araw.
Nagtago ako sa gilid dahil maraming grupo ng mga armadong gang ang naglilibot dito hanggang sa may isang lalakeng gang ang napadpad sa pinagtataguan ko.
"Huli ka!" Paggulat niya sa akin kaya bago pa niya maipaalam sa kasamahan niya ay naunahan ko na siya. Iniuntog ko siya sa pader kaya nawalan ito ng malay.
Umalis narin sila kaya ganun din ako. Habang naglalakad ako narinig ko ang paghikbi ng isang babae at nagmamakaawa sa mga gang. Hinanap ko ito at nakitang may saksak siya sa binti at pinipilit niyang tumayo. Nagtago ako malapit lang sa kanila at tinignan ko ang bawat pangyayare, gusto ko siyang tulungan pero huli na ang lahat para tulungan ko siya dahil sinaksak na nila ito ng sunod sunod. Kung pumatay sila parang laro lang. They don't know the the significance of life. Hindi nila alam ang halaga ng buhay ng ibang tao. Hindi ko maintindihan kong ano ang laman ng mga utak nila.
Ibinalin ko ang tingin ko sa harap at nagpatuloy na maglakad hanggang sa naabutan ko ang maraming grupo ng mga gang dito at pinapalibutan ang dalawang babae.
Nagtago ulit ako para hindi makita at tsaka lumapit ng kunti para marinig ko ang pinag uusapan nila.
"Huwag niyong sasaktan ang babaeng yan!" Sigaw ng lalakeng nakamascara ng asul at mukang kararating din lang.
Siya ang pangatlo sa pinakahighest according sa sinabi kahapon. Kaya naman binigyan siya ng respeto ng mga gang na nandodoon.
"Alam mong ikakababa mo ng ranko ang ginagawa mo" paalala sakanya ng isang gang na may tattoong agila.
Lahat sila ay may ibat ibang tattoo at meron din magkakapareho. Mukang magkakagrupo ang magkakapareho. Pero ano ba ang ibig sabihin ng mga tattoong yan? Ito ba'y may ipinapakahulugan?
"Alam ko! huwag mo akong paalalahanin na parang bobo dahil alam ko ang lahat ng ginagawa ko!" Sambit ng lalakeng nakamascara ng asul.
"I am just reminding you... Oo nga pala hindi kona dapat pang sinabi kase it's your lost naman dapat pa nga diyan ikatuwa namin ito diba?" Nakangising sambit niya.
"Mag celebrate ka kung kelan mo gusto at nasisigurado kong may kapalit ang kasiyahan mo at yun ay ang kamatayan!" Sumbat naman niya sa lalakeng iyon.
Napatingin ako sa babaeng nakatalikod kaya hindi ko alam kong sino yun pero mukang familiar. Hinintay kong humarap ito hanggang sa lumingon na nga ito kaya nakita kona ang muka niya.
Eloisa?
Nasa kamay na nila si Eloisa. Naabutan niya ang Devil's Hour at kailangan ko siyang ilayo dito. Pero paano maraming gang dito hindi lang lalake kundi pati narin ang mga babae. Lahat sila ay nakaitim ang damit hindi sila naka uniform. Pero bat di nila agad pinatay si Eloisa?
Tumahimik ang lahat nang dumating ang lalakeng naka pula ang mascara at nakalagay ang kamay niya sa kanyang bulsa.
Tumabi lahat ng gang at pinadaan nila ang lalakeng nakapula ang mascara. Lalakeng may pulang tattoo na ahas sa braso.
"Eloisa Monteverde" malamig na sabi ng lalakeng naka pula ang mascara.
Kitang kita ko ang pag aalala sa mata ni Eloisa habang nasa likuran siya ng lalakeng naka blue ang mascara.
Bakit ngayon kulang siya nakita? Hindi kaya siya yung nasa loob ng kotseng naka sara noon nang magpakilala ang mga gangs dito sa campus. Siguro ay hindi nito natuloy ang pagpapakilala sa kanya dahil sa gulong nagawa namin ni Mr. Lucifer.
"Alam kong hindi mo kayang saktan ang kaibigan ng taong pinakamamahal mo!" Sabi ng lalakeng nakamascara ng asul sa nakamascara ng pula.
Si Sofie lang naman ang alam kong kaibigan nila Eloisa. So ibig sabihin ay si Sofie ang taong mahal ng lalakeng to?.
Marami pang mga bagay na hindi sinasabi ni Eloisa sa akin. Alam kong marami silang alam pero tikom parin ang bibig nila sa mga bagay na yon kaya hindi na ako nagtatanong sakanila.
"Matagal na yon at nakalimutan ko narin siya" Sambit ng lalakeng nakamascara ng pula.
"Tsk! You lied to us!" Saad naman ni Eloisa sakanya.
"Do whatever you want to her!" Utos ng lalakeng iyon sa mga gang tsaka umalis.
Sa tingin ko siya nga yung pinakamataas sa ranko at walang magagawa ang lalakeng naka asul ang mascara para pigilan ang mga mababang uri ng gang dahil utos na ito ng pinaka mataas.
Nagulat ako dahil hawak na pala ng babaeng gang si Eloisa at nakatutuk na sa leeg niya ang sobrang tarik pero maliit na kutsilyo na tumutulo pa ang dugo galing sa huli nitong pinaslang.
Hindi pa niya nasaksak si Eloisa kaya dapat na akong kumilos.
Kinuha ko ang gun ko sa bulsa at pinaputukan ang babae kaya nakawala si Eloisa at lumapit sa lalakeng naka mascara ng asul.
Nagulat silang lahat at tinignan kung sino ang nagpaputok ng baril, Lumabas ako sa pinagtataguan ko.
"Ikaw?" Saad ng lalakeng may tattoo na eagle and yes sila ang mga nakalaban namin ni Neithan sa isang street at sa resto at maraming beses na nabigong patayin kami.
"That masked Girl is here again! Who are you???" Saad ng lalakeng kasamahan niya.
"Sinusundan mo ba kami?" Tanong ng isa
"Why would I waste my time with nonsense people like you!" Sambit ko
"You're in the wrong place girl!" Sambit naman niya.
"Well I don't care" Sambit ko tsaka lumapit kay Eloisa at sa nakamascarang lalake na kanina pa titig ng titig sa akin.
"Parang kilala kita?" Sambit ng babaeng gang at tinitigan ako.
I look at her and then I glared. Kung makikilala naman niya ako ngayon well I will give her a very great response that will surely suit her, which is death.
"Sino siya?" Tanong naman ng katabi niya
Hinihintay nilang lahat ang susunod na sasabihin ng babae dahil napaisip pa to.
"Wala nagkamali lang ako ng hinala" Saad niya na nagpadismaya sa mga taong nandito.
Dumating ang isang lalakeng naka silver ang mascara at may tattoong red eagle. Speaking of Mr. Red Eagle kahit na takpan niya ang pagmumuka niya I recognize him. He is Mr. Jake Suares. Nasa kalagitnaan kami ng gang at titig na titig lang sila.
"Mr. Red Eagle also known as Jake Suares right?" nagulat siya dahil sa sinabi ko.
"Yes I am Babe" Sambit niya at gumamit pa ng salitang babe but I don't care.
"Oh come on babe you don't need to hide your hansome face" I said in flirtatious way tsaka lumapit sakanya at hinawakan ang balikat niya.
Lahat ng mga nandito nang iinit ang tingin nila sa ginagawa ko.Tinanggal niya ang mascara niya at hinawakan ang kamay ko tsaka niya inilagay ang isang kamay niya sa waste line ko.
"Are you happy now babe?" Saad niya sa akin.
Sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't isa at pati muka niya kaya inilayo ko ang sarili ko agad sa kanya. Mas mabuti pang si Neithan ang nasa harap ko.
"Huwag na tayong mag plastikan pa dito! alam kong nangangati narin ang mga palad niyong gumanti sa akin and this is the best time for your revenge, but wait....syempre kung kaya niyo?" Matapang at sarkastiko kong sabi sa huli.
Alam kong marami sila pero mga daga lang to. kaya ko silang pagsabay sabayin.
"Ang galing mo naman at nahulaan mo!" Napasingising sambit niya.
"Kayo na ang bahala sa babaeng to" Utos niya sa mga gang kaya umalis na dito at ang tanging naiwan nalamang ay mga kagrupo niya.
Tumingin ako kay Eloisa at sa kasama niyang lalaki at nilapitan ko ang mga to.
"Itakas mo na siya dito" Utos ko sa lalakeng nakamascara ng asul
"Paano ka?" Tanong naman ni Eloisa dahil hindi niya ako nakilala.
"Just do what I said!" Sambit ko.
"Let's go!" Sambit ng lalakeng nakamascara kay Eloisa tsaka umalis na sila.
Pinapaikotan ako ng mga kasamahan niya dito at hawak hawak nila ang mga matutulis na kutsilyo at naiinip na sumaksak sakin. Baka sila pa ang mapatay ko bago nila mailapit yan sa akin.
"Bakit mo pinaalis ang mga iba pang gang bakit hindi mo sila hayaan na lumaban sa akin or maybe you're scared na baka mapatay ko kayong lahat, but don't worry I'll make sure na matitira kang buhay" Saad ko na ikinasama ng tingin niya.
"Hindi porket natalo muna kami noon nagmamayabang kana" Sambit naman ng lalakeng nasa kanan.
"Hindi ako nagmamayabang I am just telling the fact. Alam niyo bang kahit kunti ay may natitira parin akong concern sa inyo?" Fake kong sabi.
Wala akong natitira concern kahit kunti sa mga taong pumapatay ng walang dahilan, ng mga demonyong tulad nila!
Bago pa sila kumilos ay ako na mismo ang nauna. Kinuha ko ang dalawa kong baril at pinatamaan ko ang mga kasamahan niya.
"Ang dami niyo pero matatalo kayu ng babaeng kagaya ko" Saad ko
"You're wrong" Nakangising saad niya
Hindi ko namalayan na may tao sa likuran ko at hinawakan niya ang magkabila kong kamay tsaka inilagay niya sa likod ko. Itinutuk niya ang kutsilyo sa likod ko at pinaluhod hanggang sunod sunod na ang pagdating ng mga kasamahan niya.