Chapter 31: The Truth
Hannah Point of View
Sobrang higpit ang pagkahawak sa akin ng mga gang nato dahil narin siguro na baka makawala ako.
My nose is bleeding dahil sa pagsapak sa akin ng isang dagang lalake na yun. Humanda ka pag ako naka alis dito patay yang muka mo sa akin, sisiguraduhin kong wasak lahat ng muka mo pag nakaalis ako dito!
"Kaya mo paba?" Nakangising tanong niya sa akin.
Iniangat niya ang tingin ko fmgamit ang kanyang hintuturo at inilagay sa aking baba. Umiling ako hindi dahil sa hindi ko kaya kundi dahil sa pagkakahawak niya sa muka ko.
"Pag ikaw ang nasa sitwasyon ko kakayanin mo ba? Hindi diba? dahil matapang lang kayo dahil alam niyong may kasama kayo!" Sambit ko tsaka nila ako pinatayu.
"Tumahimik ka!" Napikon na sambit niya sa akin at nilapitan ako tsaka sinuntok sa tiyan.
"Bakit ka napipikon? Totoo naman lahat ng sinabi ko diba?" Sambit ko na ikinagalit niya at sasapakin ulit sana ako pero may umawat sakanya.
Lumapit si Jake at aktong tatanggalin na sana niya ang mask ko para matukoy kung sino talaga ang taong nasa harap niya. Sa kasamaang palad hindi natuloy ang binabalak niya dahil dumating ang lalakeng naka itim ang mascara na humawak sa kamay ni Jake at ibinagsak ito.
"Nandito kayo para pumatay hindi para maghiganti. You're wasting the time. Dpat nandoon kayo at naglilibot libot!" Sambit niya sakanila.
"Tama ka pero ang taong yan pumasok sa lugar na to at dapat nang namatay!" Galit na saad ni Jake.
Binitawan ako ng mga lalakeng gang na may hawak sa akin pero may isang kasamahan sila na talagang gusto akong paghigantian kaya lumapit ito at isasaksak na sana niya ang kutsilyo sa akin pero nakailag ako.
"You are?" Tinaasan siya ng boses ng lalakeng naka mascara ng itim kaya napababa ito ng tingin.
"Red Val Cruz" Mahinahong sagot niya. "Malaki ang kasalanan niya sa amin kaya dapat lang siyang mamatay!" Dugtong pa nito.
Wow huh ako na pala ngayon ang may atraso sa inyo. Tumulong lang naman ako a. Kasalanan ko ba kong bakit ako magaling at ilang beses ko na kayu natalo.
Inilabas ng nakamascara ng itim ang Dagger sa bulsa nito. Ang dagger na may nakatatak na lobo at pula ang mata nito na kaparehas ng bigay sa akin.
"You should not kill him!" Sabi ni Jake sakanya.
"Gusto mong patayin ko ang kasama mo? If not, then leave, NOW!" sabi niya na agad nilang ikinatakbo palayo sa amin.
Tinulongan niya akong tumayo at hinila papunta sa loob ng Musical room at isinarado ito. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pinto at ganun din siya.
Saktong nasa loob na kami nang bumuhos ang malakas na ulan at kasabay pa nito ang pagkidlat. Madalim ang paligid at tanging nagpapaliwanag lang dito ay ang ilaw sa labas.
"Hannah?" Bulong nito na ikinagulat ko.
Alam niya kong sino ako pero paano?. Tinignan ko siya at nagkunwaring hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Tsk! huwag ka ng magtago Darling dahil kilala ko ang taong mahal ko" Saad niya sa akin.
Binalewala ko ang sinabi niyang mahal niya ako dahil alam kong hindi yun totoo. Napakunot lang ang noo ko dahil sa itinawag niya sa akin na Darling, dahil si Neithan lang ang alam kong tumatawag sa akin ng ganun.
"Sino ka ba?" Tanong ko sakanya.
Tinanggal niya ang mascara niya at kitang kita ko na kung sino ang nasa tabi ko.
"Neithan?"
Si Neithan ang lalakeng nakamascara ng itim na pumatay kay Mr. Lucifer ng dahil sa akin at siya rin ang nagdala sa akin sa Operating room.
Napatahimik kami dahil narinig ko ang mga apak ng mga grupo ng lalake na dumaan dito. Hinawakan ni Neithan ang kamay ko at tinignan niya ako.
"You should not be afraid Darling as long as I'm here with you" Bulong niya tsaka hinalikan ako sa noo.
Rinig ko ang pagsigaw ng mga studyanteng malapit dito. Mga sigaw na natatakot, gusto kong tumulong kahit na ikamatay ko pero hindi pa ako pwedeng mamatay hanggat hindi ko naipaghihiganti ang pagkamatay ni Mom.
Napaluha nalang ako dahil sa awa at dahil narin sa wala akong magawa at hindi sila matulungan. Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko nakasandal na pala ako sa balikat ni Neithan.
"Gising kana?" Tanong niya kaya tumango ako.
"It's already done Darling" Dugtong pa nito.
"Done?" Napakunot noong tanong ko.
"Yes titigil saglit ang Devil's Hour pag break time na kaya you should change now bago marami pang makakita sa yo" Sambit niya tsaka tumayo.
Pagkatayo ko nagulat nalang ako dahil may dugo sa sahig. Tinignan ako ni Neithan.
"May sugat ka sa braso" Nag aalalang sambit niya sa akin tsaka hinawakan ako.
Hindi ko naramdaman na may sugat ako dahil takot ang nararamdaman ko kanina. Naging mas matimbang ang takot ko kesa sa sakit na to.
Binuksan ni Neithan ang pinto at hinawakan niya ang kamay ko tsaka lumabas doon.
Pagkalabas namin maraming bakas na dugo sa palagid ang makikita. wala narin ang mga bangkay ng studyante. May maaamoy karin na malansa sa palagid.
Napasuka ako sa mga nakikita ko kaya tinakpan ni Neithan ang mata ko gamit ang kamay niya tsaka kami pumunta sa locker ko para magpalit.
"Kaya ko na to Neithan" Sambit ko sakanya at pumunta sa Cr para magpalit.
Habang nagpapalit ako ng uniform may naririnig akong humihikbi kaya naman minadali ko ang pagpalit ng damit. Lumabas ako sa cubicle at hinanap kung sino yun hanggang sa nahanap kona. Nasa gilid ito ng Cubicle. Nakasara ang pinto kaya naman kumatok ako hanggang sa biglang bumukas pero walang tao
Shit! Minumulto na naman ba ako. Nagtaasan ang mga balahibo ko kaya lumabas na agad ako hanggang sa napadpad ako sa kinaruruan ni Neithan.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin.
"Minumulto lang ako" Sambit ko kaya napatawa siya.
Akala ba niya nagbibiro ako, kainis!
Nakapagpalit narin siya ng Uniform at Hinila niya ako papunta sa clinic para magamot ang kunting sugat ko.
Pagkapasok namin ay naabutan naming tahimik sa loob nito. Walang tao pati narin ang mga nurses at doctor wala dito.
Pumasok kami sa isang room doon at kumuha ng first aid kit si Neithan tsaka ginamot niya ang sugat ko.
"Bakit wala sila?" Tanong ko kay Neithan.
"Pinaalis sila ng Principal" Sambit niya tsaka nilagyan ng band aid ang sugat ko.
"Pero bakit?"
"Dahil sa kagustuhan niyang mapatay ang lahat ng mga nandito at walang gagamot sakanila" Sambit niya.
So palabas lang ang lahat ng yun. Dahil maraming bago dito sa paaralan na kinuha ang Principal na mga school nurses at papaalisin ito pag ganitong sitwasyon.
Lumabas na kami at nang tumunog naman ang bell hudyat na breaktime na kaya nagtungo kami sa Canteen.
Tinanggal ko ang pagkahawak ni Neithan sa kamay ko na ikinanuot niya ng tingin tsaka ako pumunta sa mesa nina Eloisa.
"Eloisa" tawag ko sa pangalan niya.
Tumayo ito at niyakap nila ako.
"Saan ka ba galing?!" Galit na tanong ni Eloisa sa akin.
Tumingin ako kay Jaz at halatang umiyak ito kanina.
"Hindi na importante yun ang importante andito ka at buhay" Sambit ni Jaz at napangiti ito.
Umupo ako sa tabi ni Eloisa. Umupo din si Neithan sa harap ko na katabi ni Calix na kasama nin aEloisa at Jaz. Tinignan ako non yung kasama nila. siguro ay dahil sa pagtanggal ko sa pagkahawak ni Neithan sa akin kamay.
"Gusto mong ikunin kita ng pagkain Hannah?" Aya ni Calix sa akin.
"Ako na ang kukuha ng pagkain niya" Sambit ni Neithan sa kanya.
Hindi ako nakapagsalita dahil agad itong tumayo at umalis.
"Ano bang meron sa inyo ni Neithan?" Tanong sa akin ni Eloisa.
"Wala"
Wala naman diba?
"Sigurado ka? Dati nga ako inuutusan ni Neithan para kumuha ng pagkain niya at ngayon ko lang siya nakitang ganyan" Saad ni Calix.
Pagkatapos ng ilang segundo ay andito narin si Neithan at inilapag na niya ang pagkain ko sa table. Bakit ang bilis niya makakuha ng pagkain samatalang ako pipila pa ako ng matagal.
Pinagtitinginan ako ni Jaz at Eloisa.
Wala akong ganang kumain. Nasa isip ko parin ang mga bagay na nangyari kanina.
"What are you doing?" Galit na tanong ni Neithan sa akin dahil nilalaro ko lang ang pagkain at hindi ginagalaw.
"Wala ako sa mood para kumain" sagot ko.
"Hannah alis muna kami" Sambit ni Eloisa
"Saan kayu pupunta?" Tanong ko sakanila.
"Kina Michelle diba Calix?" Sambit ni Eloisa at tumango naman si Calix. Hindi ko sila napigilan kaya naiwan kami dito sa table ni Neithan.
Tumingin ako sakanya at hindi pa niya ginalaw ang pagkain niya.
"Kailangan mong masanay sa ganitong sitwasyon Hannah" Payo ni Neithan sa akin.
"I know" Walang emosyon kung sabi.
"Kumain kana ng marami kase ang payat payat mo!" Sabi niya na ikinakulo ng dugo ko.
"Excuse me Mr. Neithan Luke Fostanes hindi ako payat besides Hannah is the meaning of Sexy and that is me!" Galit na sambit ko na ikinatuwa niya.
His laugh is so sexy. Hindi ko alam kong bakit ako nagagalit pag sinasabi niya akong payat eh hindi naman.
"Fat is now the new sexy" Sagot niya sa sinabi ko.
"Eh don ka sa mga mukang letchon!" Napikon na sabi ko.
"Ayoko sayu parin ako" Sambit niya.
"You're not mine either!"
"But I'm yours" Sabi niya.
"Kumain kana kung ayaw mong tutuhanin ko ang sinabi mo kahapon" dugtong pa niya sa akin.
"What did you said?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
"Eating you!"
"Hindi ako pagkain" Sambit ko
"You are a high class of food that everyone want to taste" Nakangising sambit niya.
"Fvck you!" Galit na saad ko.
"Then Fvck me now Hannah. I'm always ready" Sambit niya kaya sinamaan ko ito ng tingin. Ang green niya!
"Seriously?" Saad ko tsaka lumapit ng upuan malapit sakanya.
"I'm not joking, Darling" Bulong niya sa tenga ko.
Nakatitig lahat ng tao dito sa cafeteria sa amin at tinaasan ko sila ng kilay kaya ibinalin nila ang tingin sa pagkain nila.
"I'll eat it!"
"Me?" Sarkastikong sambit niya.
"This food" Sambit ko tsaka kumain.
Napangisi ito at kumain rin.
Maya maya may umupo sa harapan namin.
"Did I disturbed you?" Tanong ni Ate Jane sa amin.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Neithan.
"Huwag niyo na sana ituloy ang mga nararamdaman niyo sa isa't isa dahil ikapapahamak niyo lang ito, lalo kana Neithan!" Paalala niya sa min.
Napatingin ako kay Neithan at kitang kita ko na nag iba ang aura niya. Ngayon ay muka na itong galit.
"Kung ayaw mong mangyari ulit sakanya ang nangyari kay Kass-" Hindi natuloy ang sinabi niya dahil hinila ako ni Neithan paalis don.
Ano bang sinasabi ni ate Jane? Gusto kong magtanong kay Neithan pero alam at ramdam kong ayaw niya itong pag usapan kaya shut up nalang ako.