Chapter 32: Worsened
Calix Point of view
Ilang araw na ang nakalipas simula nong ibinalik ang Devil's Hour. Maraming bilang ng studyante ang namatay at ngayon ay wala nang lumalabag sa rule na iyon. Nag iingat na sila at hindi na hinahayaan ang sarili na malate sa pagpasok. Nasasanay narin sila tulad ng mga baguhan pa lamang dito.
Akala ni Eloisa iniwan ko siya noong araw na malapit na siya sa kapahamakan pero hindi niya alam na ako ang lalakeng naka asul ng asul noon.
Nasa isang dorm kami ngayon kasama ko si Neithan kung saan hinihintay namin sina Gin at mga pinsan namin.
Biglang bumukas ang pinto at sinalubong ako ng malakas na sapak na galing kay Gin na ikinabagsak ko sa sahig.
"Hanggang kelan mo tutulungan ang babaeng iyon!" Galit na sabi niya sa akin.
"Hanggang kaya ko! hanggat nabubuhay ako!" Sabi ko na mas ikinagalit niya at aktong sasapakin ako ulit pero pinigilan siya ni Neithan.
"Tama na Kuya!" Pagpigil niya sakanya.
"You've done everything Calix ginawa mo na ang lahat kay Eloisa. Tama na!"
Ilang beses ko ng inililigtas si Eloisa kahit na ikapahamak ko dahil ganun ko siya kamahal. Kahit na alam kong hindi niya ako mahal kahit na alam kong si Brix ang mahal niya. At kahit na naiinis ako ay nananaig parin ang nararamdaman ko sa kanya at handa ko siyang iligtas ano man ang mangyari sa akin.
"Ilang beses mo ng isinakripisyo ang buhay mo sakanya, ilang beses narin na inilagay mo ang buhay mo sa kapahamakan ng dahil lang sakanya Calix?... Gumising kana Calix!" Mainit na dugo niyang sabi.
"Iwasan mo na siya kung hindi ako na mismo ang papatay sa babaeng yun!" Dugtong pa niya kaya ako tumayo.
"Subukan mong galawin ang taong mahal ko at baka makalimutan kong pinsan kita at mapatay pa kita!" Banta ko sa buhay niya.
"Bakit hindi mo sabihin kay Eloisa na ikaw ang lalakeng nakamascara" sambit ni Neithan.
"Ayokong mahalin niya ako ng dahil lang sa pagliligtas ko sa kanya, gusto kong mahalin niya ako hindi dahil sa isip na mahal ko siya at gusto niyang suklian ang mga nagawa ko sa kanya"
Kaya kong ibuwis ang buhay ko para sa kanya. Hindi ko alam kong bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya. Sinubukan ko na pero wala parin. Siya lang ang tinitibok ng puso ko.
"Calix magpasalamat ka at nandiyan si Neithan para iligtas ang ranko mo!" Saad niya tsaka umalis.
Hindi pwede na malaman ng kahit na sinu ang totoong pagkatao namin ni Neithan. Oo isa kami sa pinakamataas na ranko ng gang pero iilan lang ang nakakaalam kung sino kami. Lahat ng to ay may dahilan.
Hindi ko kayang iwasan ang taong mahal ko. Hindi ko kayang nakikita na umiiyak siya dahil sa isang patak lang ng luha niya nadudurog ang puso ko. Kung ano ang ikakasaya niya susuportahan ko ito kahit masakit para sa akin.
Bago palang kami dito sa paaralan na to si Eloisa na agad ang naka assigned sa akin para ---hanggang sa nasanay na ako na siya palagi ang nasa tabi ko.
Siya palagi ang kasama ko sa gulo at kasama sa bawat problema hanggang sa nafall ako sakanya pero huli na ang lahat may nauna na sa akin.
Ang araw na sana ay aamin na ako ng nararamdaman ko pero nagkataon pa na yun ang araw na sinagot na niya si Brix. Masakit para sa akin pero kung saan siya liligaya masaya narin ako.
Yung times na kasama ko siya pero ang bukang bibig lang niya ay si Brix. Idagdag mo pa na ang alam ni Eloisa ay si Brix ang tumutulong sakanya sa kapahamakan pero hindi siya kundi ako.
Ngayon wala na si Brix pinatay siya ng mga gang na kalaban niya. Ginawa ko ang lahat na makakaya ko para iligtas si Brix para LANG kay Eloisa pero nabigo ako. Hindi ko siya naligtas at nasagasaan pa ako ng sasakyan at muntik ko narin iyon na ikinamatay.
Dapat nga ay masaya na ako na wala na ang taong kaagaw ko pero mas mukang mas mabuti nalang sana na ako na ang namatay at hindi si Brix. Buti pa si Brix ay may taong naghihintay sakanya pero sa akin ay wala.
Kahit na nasaktan ako si Brix parin ang iniisip niya kahit na andiyan lang ako sa tabi niya si Brix parin ang nakikita niya.
Umalis narin kami sa dorm na ito at pumasok sa susunod na klase namin dahil magsisimula na naman ang Devil's Hour.
Ilang segundo nalang at oras na. Nandito na kami sa loob at isinara na agad ang pinto.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng may nakita akong nakalutang sa ere na multo. Naka uniform siya duguan ang damit pati muka may mga saksak sa katawan.
Ipinikit ko ang mata ko saka tinignan ulit pero wala na ito. Ibinalin ko nalang ang tingin ko sa harap dahil magsisimula na ang klase.
Habang nagdidiscuss si Teacher Jess ay napahinto ito dahil sa mga malalakas na tilian at nagtatakbuhang mga studyante sa labas at humihingi ng tulong.
Masama ang pakiramdam ko dito dahil parang may mali. Bakit sobrang dami ng tao sa labas.
"s**t!" Napamura na saad ng kaklase naming babae habang nakatingin sa phone
"No cellphone allowed during classes!" Paalala ng guro sakanya.
"May maling nangyayare sa labas we need to help them bago pa mahuli!" Nag aalalang sabi niya sa amin
"Kailan bang hindi naging mali ang ginagawa nila sa labas?!" Sambit ni Michelle
"You shut up Michelle hindi ako nagbibiro!" Galit na saad niya.
"So am I?" Napatayong sabi niya
Biglang tumunog ang phone niya na hudyat na may nagtext at napaiyak nalang siya ng sobra.
"She Died!" Sabi niya na naging dahilan ng tuloy tuloy na pagbagsak ng luha sa kanyang mata.
Kinuha ng katabi niya ang cellphone at tinignan kung ano yun.
"Patay na ang kapatid niya" Sabi niya at kinomfort ang babae.
Tumunog ulit ang phone niya.
"Section 13 Class B is now gone" Sabi niya at nabitawan pa ang hawak hawak na cellphone.
Lumalala na nga ang pangyayari, iniisa isa na nila ang seksiyons pero wala sa rule yun. Something wrong happened.
_*-*_
Eloisa Point of View
One section is now gone.
Palala na palala ang sitwasyon namin dito sa impiyernong paaralan nato na pinamumunuan ni Lucifera. Dinadala niya kase sa pangalan ang pagkademonyo, EVILyn. Am I right?.
Hinintay naming matapos ang klase and finally tumunog na ang bell kaya agad kaming lumabas para tignan kung anong kaganapan sa labas.
Hanggang sa may naririnig kaming kaguluhan kaya hinanap namin ito ni Jaz at Hannah hanggang sa ang naabutan namin ang mga studyante na may pinag kaka gulahan na naman kaya sumingit kami para makita kung ano yun.
Isang babaeng studyante at guro na nasa gitna. nakahawak ng kutsilyong may dugo ang babae.
"What happened?" Tanong ni Hannah sa babaeng katabi namin.
"Siya ang may kasalanan kung bakit namatay lahat ng mga estudyante niya!" Sabi niya.
"Pero paano?" Tanong ni Jaz.
"Hindi nakapasok ang mga estudyante niya sa loob ng silid dahil wala ang guro" Saad pa niya.
"Madaya!" Sambit ng babaeng katabi nito. "Alam kong walang kasalanan ang guro at ang principal na yun ang may kagagawan because she want us to suffer hell!"
Napatingin ako sa estudyanteng nasa gitna dahil nagsalita ito.
"Teacher Ren we treated you as a mother here in campus at ano ang ginawa mo, hinayaan mo kami sa labas!" Galit na sabi niya
"Look I'm sorry hindi ko sinasadya dahil natakot lang ako at sinunod ang utos n-" Hindi natuloy ang sinabi ng guro .
"You shut up! Alam na namin na matagal mona kaming gustong ipapatay!" Sabi niya at tumawa pa.
"Hindi Totoo ang sinasabi mo!" Sambit ng guro.
Kitang kita ko sa mata ng babae ang galit at lungkot. Lumapit ito sa guro para yakapin pero nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Sinaksak niya ito habang nakayakap sa guro.
"Hindi sapat ang kabayaran mo sa ginawa mo!" Sabi ng babae sakanya sa huling hininga ng guro tsaka niya binitawan at natumba sa sahig.
Tinignan kami ng babae na nakangisi tsaka sinaksak ang sarili niya dahil narin siguro sa konsensya.
--
Matapos ang nangyare kanina ay umalis na kami ni Jaz duon.
Andito kami ngayon sa hallway papunta sa dorm namin dahil uwian na.
Habang nalalakad kami pauwi ay nakita ko si Calix na may sugat sa bibig. Mukang napa away ito kaya nilapitan ko siya.
"Anong nangyari sa bibig mo?" Tanong ko sa kanya. I hope di niya nahalatang nag aalala ako dito.
"Huwag mo kong alalahanin, okay lang ako" Ugh nahalata ba niya.
Hindi ako nagconvince sa sinabi niya dahil halatang bago palang ito dahil sariwang sariwa ang dugo niya sa bibig at mukang tutulo narin.
Hinawakan ko ang labi niya at napa ungol naman ito sa sakit.
"Okay ba yan?! Tignan mo oh dumudugo pa!" sabi ko sakanya sabay pakita ng dugo mula sa hinawakan ko.
Napaiwas ito ng tingin at aalis na sana ng kaladkarin ko siya papunta sa isang bench malapit sa dorm namin tsaka pinaupo ito.
"Ano ba kasing ginawa mo?"
"Ehem ehem" kunyaring paglilinaw ng lalamunan ng isang bruhilda sa gilid. Kilala niyo na yata siguro siya halata niyo naman siguro no. Yung palagi kong kasa kasama. Hinayaan ko lang siya.
"Dito kalang huwag kang aalis" madiin na utos ko kay Calix.
Agad kong hinatak ang daan papunta sa dorm namin at mabilis kinuha ang aming first aid kit.
Pagkakuha ko ay mabilisan din akong bumalik. Pagkabalik ko ay hindi ko na nakita si Jaz tanging si Calix nalang ang naiwan doon. Tsk saan na naman kaya yun nagpunta. Tsaka mukang nagsibalikan na lahat ng mga studyante sa kani kanilang dorm.
Nang malapit na ko sa kanya at mukang naramdaman na niya ang presensiya ko ay tumingin ito sa akin tsaka napatingin sa dala dala kong first aid kit.
"Ano yan?" Tanong niya pagkalapit ko.
"Diba halata, first aid kit to!" Nagtanong pa siya, as if I know alam naman na niya. Ang laki ng pulang cross sign oh.
Pag kabukas ko ng kit at pagka lagay ko sa bulak ng alcohol at aktong idadampi ko na sana sa kanya ng bigla nitong hawakan ang kamay ko at aktong kukunin ang bulak sa pagkakahawak ko ng mabilis ko itong inilayo.
"Ako na" sabi niya.
"Hindi ako na maglalagay" ilalagay ko sana ulit ng pigilan niya ulit ako.
"Ako nalang"
"Ano ba Calix huwag ka nang makulit!"
"Ako nalang kasi!"
" Ako na nga Calix sabi eh!"
"Ak-"
"Magsasalita kapa di na kita papansinin!" banta ko na ikinatahimik niya
"Don't worry I'll be gentle" sabi ko.
Tumango lang siya at humarap sa akin.
Hinawakan ko ang mukha nito at mas inilapit sa akin upang malinisan ko ito ng maigi. Habang ginagamot ko ito ay hindi ko maiwasang mailang lalo na't alam kong nakatitig ito sa akin at sa dahilan na napakalapit ng mukha namin sa isa't isa at nararamdaman ko ang malakas niyang paghinga.
Hanggang sa di ko napigilang ang aking sarili na tinignan ko ito sa mata. Ngayon ay magkaharap na magkaharap na ang aming mukha. Nagtitigan kami habang nakadampi parin ang bulak sa kanyang bibig.
Tinititigan namin ang isa't isa nang biglang may tumulak sa akin na naging dahilan ng paglalapat ng bibig namin. Dahil sa gulat ay napadilat ng husto ang aming mga mata habang nakatingin sa isa't isa.
Agad akong lumayo at napatakip sa aking bibig. Agad kong sinulyapan ang may kagagawan nito at napagtanto ko kung sino ang puno't dulo nito.
"Jazleneeeeeee!!!!!!!"
"Abay sumisigaw sigaw ka pa jan hah kayo nga diyan nawala lang ako ng unti dito kung makagawa na kayo ng moment a! May titig titigan pa kayo!" protesta nito na naka cross arms pa na parang hindi naka gawa ng kasalanan.
"Walang hiya ka Jazlene!!"
"Aba'y-------- " subok nitong pagprotesta sana ulit kaso nabigo siya nang napatingin ito sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ahy eh---S-sige bye" sabi nito tsaka kumaripas ng takbo papuntang dorm.
Agad kong binalingan si Calix at nag lakas loob na harapin siya
"Calix pasensya na hah, si Jaz sisihin mo siya ang tumulak sa akin" paghingi ko ng paumanhin sa kanya na mukang natulala sa nangyari kanina. Sinabi ko yun na parang natataranta at parang may ginawang kasalanan. Habang ginagawa ko iyon ay sinubukan kong hindi ipakita ang pamumula ko sa kahihiyan
Tumango lang siya bilang tugon. Kaya naisipan kong umalis na bago pa niya ako makitang namumula sa hiya. Pero nagpaalam muna ako bago tumalikod.
"Sige bye Calix" tsaka agad akong tumalikod at hindi na napigilan ang sarili na mag init ang aking mga pisngi sa hiya habang naglalakad pa alis at nanggigil na kay Jaz.
Humanda ka Jazlene!