Chapter 33: Way
Hannah Point of view
Dumidilim na ang paligid at pauwi na kaming lahat sa mga dorm namin kase tapos na ang klase.
Pagpasok ko sa dormitory hinatak ko agad ang room ko at pumasok hanggang sa nainip ako at wala si Neithan kaya naisipan ko munang lumabas.
Nagpalit muna ako ng damit tsaka lumabas. Habang naglalakad ako napansin ko ang mga grupo ng lalakeng gang na palabas ng campus.
Nakurious ako kung saan sila pupunta kaya sinundan ko ito at sinuguradong hindi nila ako mapapansin.
Inilagay ko ang hood ng jacket ko at pati narin ang mask. Nasa labas na ako ng campus at nagtaka ako dahil iba ang daang tinatahak nila kaya mas lalo akong kinabahan sa natutuklasan ko.
Dumaan sila sa gilid ng school na to kung saan matatagpuan ang bundok. Sinundan ko sila at pagkaapak ko sa bundok na to nakikita ko ang mga naglalakihang puno. Medyo madilim ang daan kaya ikinakabisado ko ang mga dinadaanan ko dito para hindi ako malito pag lalabas na ako.
Habang naglalakad ako dito napahinto ako dahil naramdaman kong may gumagalaw at nakapatong sa sapatos ko. Itinikop ko ang bibig ko at tinignan kong ano yun.
Isang palaka! s**t! Nandidiri ako kaya ayun inihagis ko ito. Grave naman ang bundok na to bakit ba kase sila pumupunta dito baka mamaya ahas na ang nasa tabi ko.
Itinuloy ko ang paglalakad hanggang sa napadpad ako sa harap ng malaking gate at may dugo dugong hugis na kamay na nakabahid sa pader.
Hindi ako magkakamaling dito sila pumasok dahil bukas ang gate. Habang pinagmamasdan ko ang gate na yun ay may nakita akong nakasulat sa plainwood na nagsasaad dito na 'One Step here, I'm reminding you, you're pacing the wrong direction'
Nagtago agad ako sa malaking puno dito dahil narinig ko na may paparating. Sumilip ako at nakita ko ang mga gang pero iba itong grupo. Tulad ng naunang grupo ay dito rin sila pumapasok.
Ano bang meron sa lugar na to at lahat sila ay dito pumupunta. Tumahik narin ang paligid at mas lumalim na ang gabi. Hindi ako pwedeng umalis dito hanggat hindi ko nalalaman ang mga katanungan sa utak ko.
Pagkapasok nila sa lugar na ito naghintay muna ako ng ilang minuto tsaka hinatak ko ang loob. Para ng luma sa labas pero pag pumasok ka mararamadam mo ang nakakapangilabot na dating ng strakturang ito.
Parang isang paaralan to pero hindi siya pangkaraniwan lang. Lumakas ang ihip ng hangin. Iniikot ko ang tingin ko dito at nakita ang nakasulat na 'Buenavista University' na nakatatak sa taas.
Isang paaralan pala ito. Malawak dito at hindi ko alam kong ilang hektarya ang lawak nito pero masasabi ko na mas malawak ang paaralan na to kesa sa GCA which is God Christian Academy.
Inikot ikot ko ang paaralan na to hanggang sa nakapasok ako sa main building dito. Tahimik ang lugar at parang hindi ito paaralan kase madami ang pintuan and each one of them ay nakabukas. Isa na atang dormitoryo to.
Nagtago ako sa gilid dahil may babaeng gang ang lumabas sa dorm na iyun. Sumilip ako at nakita ko ang alalay ni Nicky. Isa silang gang kaya? pala ganun na sila katapang at mayabang pa.
Umalis narin ako sa pinagtataguan ko dahil kailangan ko nang bumalik sa Dorm tsaka Malalim narin ang gabi baka malito pa ako sa daanan paalis dito dahil gubat ito at may pagkalayu layu.
Kanina pa pala ako dito na naglilibot libot pero hindi ko pa nalibot lahat.
Nasa harap na ako ng malaking gate dito at papaalis na sana ng may nagsalita.
"Newbie?" Saad niya kaya nilingon ko ito.
Isang lalakeng may tattoo na red snake sa braso, maputi, red lips, cute eyes at idagdag mo pa ang rosy chicks niya. Yeah I admit it that he is handsome and hot but sorry he's not my type.
Tinitigan ko siya ng tinitigan at ganun din siya hanggang sa umiwas na ito ng tingin at napapikit. I laugh pero hindi kita dahil nakamask ako. Hindi pala siya magaling sa titigan ah. Kahit na sino mang lalake ang titigan ko ay napapaiwas ang mga to. I don't know why? Maybe because of my sexy eyes.
"What are you doing here?" Tanong niya sa akin.
"Uhm I'm standing here in front of you" pilosopo kong sabi.
"Cool girl!" Napangisi niyang sabi tsaka tinignan ako ng head to foot.
"I know, by the way thanks for your compliment" Sambit ko.
"Where are you going?" Pagpigil na tanong niya dahil aktong lalabas na ako ng gate.
"Going home!"
"Tsk! Once na nakaapak kana sa lugar na to you must join the gang member or else you die!" Nakangising sabi niya.
"Paano kong hindi ako sasali papatayin mo ko?.... If you can!" Sabi ko kaya inilabas ang baril niya pero hindi ako papahuli inilabas ko ang dalawang baril ko sa magkabilang side na bulsa ko.
Nakatotok sa amin sa isat isa ang hawak naming baril pero mas lamang ako.
"Do you think kakayanin mo ko?... No!" Sabi ko at pinaputukan niya ako ng sunod sunod pero nakailag ako.
Gumanti naman ako at pinaputukan siya pero sinadya kong hindi ito tamaan. Ewan ko ba kung bakit?
He look at me kaya ganun din ako.
Nawalan na siya ng bala kaya naisipan kong lumabas ng patas. Inilagay ko ang hawak kong mga baril at ibinulsa sa likod.
Lumapit ito sa akin na parang may binabalak kaya umatras ako hanggang sa napasandal ako sa pader at nilagay niya ang kamay sa malapit sa akin at inilapit pa niya ang muka niya malapit sa muka ko.
"You should not come here Darling!" Sambit niya sa akin.
"Bye baby!" Pagpapaalam ko sakanya na ikinangisi niya.
Agad akong lumabas sa gate at hindi narin siya makapagpaputok ng bala kase naubusan na siya. Pagkalabas ko naramdaman ko ang paglapit ng mga gang sa lalakeng iyon at narinig ko pa ang sinabi ng isa.
"Blade what happened?" Rinig ko na tanong niya dahil hindi parin ako nakakalayo.
So Mr. Red Snake ay Blade ang pangalan. Cool name! Blade like what he looks like.
Tumakbo na ako at malayu layo narin ako doon pero parang pabalik balik lang ako. Nawawala na ata ako pero nandito parin ako sa bundok.
"Are you lost?" Saad ng kung sino kaya nilingon ko ito.
Si Ate Jane ay nandito hindi kaya gang rin siya?
Inihagis niya sa puno ang kutsilyong hawak niya at tinamaan niya ang isang ibon.
"Nice try!" Sambit ko sakanya.
"I know sweetie" Sambit niya tsaka kinuha ang kutsilyong nakatarik sa puno.
Tinignan niya ako ng malalim.
"I know who you are!" Saad pa niya sa akin kaya I raised my eyebrow.
"You're Hannah right?" Nagulat ako sa sinabi niya.
Alam niya kung sino talaga ako pero paano. Nakamask naman ako.
"Nagtataka ka ba kung bakit?" Tinanong pa niya kung bakit.
"Magaling akong kumilala sa mga taong nasa palagid ko!" Sambit niya tsaka sinamaan niya ako ng tingin.
"Well kung ganon good for you" Sambit ko na ikinangisi niya.
"Tsk! You forgot what I've told you before"
Napakunot ako dahil sa kung ano ang tinutukoy niya. Lumapit ito sa akin at bumulong sa tenga ko.
"Call me Ate, Sweetie!"
Yun lang naman pala kaya sinamaan ko siya ng tingin at napatawa ito.
"Don't worry I know how to keep secrets!" Sambit niya tsaka naunang naglakad at itinuro niya ang daan.
Alam niya ang pasikot sikot dito, baka matagal na ata siyang nakatira don.
Pagkatapos niya akong inihatid sa main gate ng GCA umalis narin ito kaagad kaya pumasok nako.
Habang naglalakad ako nakabangga ko sina Nicky na paalis sa campus. Tinitigan niya ako baka narin siguro dahil hindi niya ako kilala dahil naka mask ako and hoodie.
"Who are you b***h!?" Tanong niya sa akin.
"Do you think I'm going to tell you who am I? Aren't you using your small brain!"
Nagalit siya sa sinabi ko kaya itinutuk niya ang baril tulad ng mga alalay niya sa akin.
"Akala mo kung sino kang tao nasa teritoryo kita kaya dapat mo akong galangin!" Sambit niya.
"Ano bang gusto mong igalang ko sayu? sabihin na you're Highness? Madam? Or whatever you want! Well wala akong pake!"
Inilabas ko ang baril ko at pinaputuk pati narin sila pero kahit isang bala hindi ako natamaan pero natamaan ko ang mga alalay niya.
"Huwag kasi kayong umarte na parang ang galing galing niyo kase you will never reach my level!"
"You should go now bago pa magbago ang isip ko at mapaaga pa ang paglibing sa inyo!" Dugtong ko sa sinabi ko.
Kitang kita ko sa muka niya ang galit at inis.
"I'll count!....one...two" lumapit ako sakanila at napaatras ang mga to.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo!" Banta niya.
"It won't happen baka nga magpasalamat kapa sa akin!" Sambit ko tsaka sila umalis.
Tinanggal ko ang sapatos ko dahil maputik yung dinaanan ko sa gubat tsaka ko binitbit ito hanggang sa nasa harap na ako ng pintuan ng dorm ko.
Pagbukas ko wala si Neithan kaya pumas ako hanggang sa may nagsalita.
"Where did you went?!"
Nasa tabi pala siya ng pinto malapit sa pader.
"Neithan bat kaba nanggugulat!" Inis na sabi ko.
"I told you na huwag kang lalabas sa gabi Darling!" Galit na saad niya.
"I'm sorry it won't happen again"
Itinago ko ang sapatos ko na may putik sa likod ko dahil ayokong malaman niya na nagpunta ako sa lugar na iyon.
Hindi ko maipapangako ang sinabi ko dahil babalik ako sa lugar na yon dahil meron pa akong gostung malaman.
Lumapit ito at naamoy ko ang alak.
"What the heck! Are you drunk?!" Inis na sambit ko sakanya.
"I'm sorry Darling!" Paumanhin niya tsaka yumakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit niyayakap niya ako na parang magkasintahan kami pero hindi ko maiwasang maramdaman na gusto ko ang itinuturan niya sa akin.
May bumabagabag sa isip niya at dahilan siguro ng paglalasing nito. I like you Neithan pero hindi ko alam kong tama ba ang nararamdaman ko sayo.