Chapter 36: The SSG Officers
Eloisa point of view
Ilang araw na ang nakalipas nang magsimula ang larong Death or Dare na ginawa ng principal namin dito. Hindi lang isang laro yun kundi isang peligro, well nakita niyo naman kung gaano kadumi ang larong yun.
Pansamantalang pinatigil muna ang Death or Dare at ang Devil's Hour dahil narin sa dami ng namatay at halos makalahati na ang bilang ng studyante dito.
Naglalakad ako papunta sa classroom namin nang naabutan ko ang mga studyanteng nag aantay dito.
"Anong meron?" Tanong ko sa isang babae dito.
"Hindi mo ba alam? Ngayon na ang araw na maipapakita ang mga nakapasa sa top 100 at kung sino ang bagong SSG officers" Sambit niya sa akin.
"You're Eloisa diba?" Dugtong na tanong niya sa akin.
"Oo"
"Tsk! I've heard maraming bumaba sa top 100, may natanggal at may bumaba" Nakangising saad niya.
Ano naman ngayon kung bumaba talaga ako! Well let's see b***h. Inismiran ko lang siya.
Nandito lahat mga studyante at dumating narin si Principal at may kasama siyang lalake na may katandaan. Nasa harap kami kaya kitang kita ko ito.
"Good morning everyone, are you excited to know who are included in the top 100 right now" Nakangising sabi niya at bati kaya bumati rin slang mga studyante sa kanya maliban sa akin at yung taong kausap ko kanina.
"But bago niyong makita kong anong ranko niyo may I introduce to you you're new Teacher?" Sabi niya sa amin.
Siya ang pumalit kay Teacher Ren na pinatay ng isang studyante. Bakit parang kilala ko na siya at mukang malapit ang loob ko sakanya. All this time na may bagong dumadating na guro o whatever na may kinalaman kay principal masama ang tingin ko sakanila but ngayon parang hindi.
"I'm Jonathan Marquez, your new professor for this semesters" Pagpapakilala niya at hindi namin ito nagtunan ng pansin dahil kinakabahan kaming lahat sa magiging resulta.
"Now let's see who are included in the rank and Who are going to be punished!" Natatawa pang sabi ng principal at bumukas ang malaking screen na nakakabit sa taas.
Pagkabukas nito ay unti unting ipinakita ang nasa highest rank at walang nagbago kung sino yung una. It's still the same, Neithan is the number one with the average of 100. Gosh! Sabi na nga ba siya parin at walang sino man ang makakatalo sa kanya. He's so genius and handsome kaya naman madaming babaeng baliw dito sakanya.
Sunod na ipinakita kung sino yung nasa second rank and still the same, si Blade. Unti unti nang ipinakita kong sino yung nasa top 10 na ikinagulat naming lahat dahil nasa third ranking si Hannah at ang maganda pa don, ilang puntos lang ang agwat nila ni Blade. She is going to be safe dahil walang dapat pumatay sa mga top 3 dahil yun ang nakasaad na rule pero depende na kung babaguhin nila.
Maraming hindi nagandahan sa resulta dahil halos kalahati ng dating rank ay bumagsak at bumaba at kasama si Jaz don maliban sa akin. I'm at the top 10, should I be proud dahil nakapasok ako sa top 10? ....Not, this is only useless for me.
Biglang napatay ang malaking screen at nagpakita ang mga itsura ng mga studyante na napabayaan ang study nila, Lima silang babae.
"No...no...no!" Nanginginig sa takot na saad ng isa kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"We all know that we have rules here and you broke it" Nakangising saad ni Nicky na nasa gilid na mas lalong ikinatakot nila.
"Please give me another chance... I'm begging you please! We will never do it again" Pagmamakaawa niya at lumuhod pa.
"People do not deserved a second chance... Get those five and put it on the Psycho's Prison" Utos ni Nicky sa mga kadadating na gang na may maskara at agad na kinuha ang mga limang babaeng bumagsak at nahimatay pa ang isa doon.
Ang Psycho's Prison or Jail ay isang kulungan na kinakatakutan ng marami. Ginawa ito ni Madam principal para sa mga studyanteng bumagsak at mababa lang ang grado. Hindi lang ito basta basta kulungan kundi kinikilala itong isang impiyerno na kung saan makakasama mo ang mga baliw, basagolero at mga taong magaling makipag away kaya't nagpapatayan sila sa loob. Dito ay madilim at nakatago na kulungan na hindi mo basta basta mahahanap at makikita dito. Kapag nalaman mo naman ang daan ay maliligaw ka dahil matatahak mo ang masukal, mapanganib at nakamamatay na daanan.
Nanatiling tahimik parin kami dahil kapag nakielam ka ay isasama ka nila. Wala narin sila dito kaya ibinalin namin ang tingin sa malaking screen dahil binuksan na naman ulit ito.
"Now it's time to know who are the new SSG officers of our school" Sabi ni Madam Principal na nakangiti ng malawak na may pagkademonyo ang pananamit niya. Pulang kakulay ng dugo ang dress niya at pati narin ang takong nito tsaka sobrang pula ang lipstik niya. Bagay sila ni Lucifer at parang mag asawa lang sila.
"For the position of the SSG president... Mr...." Sabi niya at halata na lalake yun at sino kaya?
Napatingin kaming lahat sa malaking screen dahil ipinakita na ang litrato ng bagong presidente dito.
"Mr. Neithan Luke Fostanes is the new president" Pumunta sa harap si Neithan and mukang hindi siya masaya at mukang walang ekspresyon na ipinapakita. He looks cold at kampante.
Napatingin kaming lahat sa sumunod na ipinakitang litrato sa malaking screen at si...
"Mr. Blade Daniel's Grand is the Vice President"
Pumunta ito sa harap at kaparehas ni Neithan na walang kibo. Mukang mas magiging intense ang taon na ito dahil nasa VP na ang dating President pero I can say na mas malakas parin si Blade kung tutuusin dahil siya ang pangulo ng mga Gang. And yes, siya ang pinuno ng lahat ng mga gangs. Kinakatakutan siya and yes kasama na ako don na takot kay Blade. He is strong and powerful.
"For the position of Secretary is a girl... Isang baguhan lang dito at alam kong kilala niyo na siya ngayon..... Si Ms. Hannah Lyn Riley Emmerson. She is your new secretary" Nakangising sabi ni Principal.
Tumingin kami sa paligid pero wala siya. Nasaan kaya si Hannah. By the way I'm so lucky dahil first time kong magiging kaibigan ang isang SSG Secretary.
_*-*_
Hannah Point of view
Nasa loob ako ng Officer's Office at pinagmamasdan ang mga studyanteng nag iimpake. Wala akong alam kong bakit sila nag aayos kaya hindi ko napigilang magtanong sa kanila.
"Anong meron?" Tanong ko sakanila at napatingin silang lahat.
Kararating ku lang at late akong pumasok dahil narin sa tinatamad akong bumangon at walang ganang pumasok pero hindi pwede.
"We should leave this place now in 30 minutes according to the order of the Highest supreme student Government" Sabi niya sa akin.
Meron na palang SSG kaya naman pala ganito sila kalungkot dahil wala na silang lugar dito at kasama na ako doon kaya tumayo ako sa kinauupan ko at mag aayos na sana pero pinigilan ako ng babaeng kinaiinisan ko na kararating dahil hinarangan niya ang mesa ko at doon umupo.
"Get off from my desk you bullshit!" Inis na sabi ko kay Nicky na nakaupo sa mesa ko.
"Congratulations" Nakangising sabi niya.
"You're destroying my day!" Sabi ko pa na nagpatawa sa kanya.
"Are you crazy b***h! Ano ang pinaggagawa mo dito?! you should be there!" Sabi niya sa akin kaya napakunot noo ako.
"You are now the new Secretary!" Dugtong pa niya sa sinabi niya.
"Why would I believe you?!"
"Tsk! Hindi ba kapanipaniwala ang mga sinabi ko? Pero totoo naman nakakapagtataka at ikaw ang napiling secretary and you did not deserve it!" Pangaral niya at tumayo sa kinauupuan.
"I don't wish to be in that position and kung gusto mo sayo nalang yun!" Saad ko at lumabas doon para magpahangin at hindi ko alam na nakasunod pala siya sa akin.
"Don't act like you're better and stronger than me 'cause I'm still the highest and you cannot beat my level!" Sabi niya sa akin at umalis.
Beat you're level? Diba role ko yun, tsk! Poor Nicky kahit na ikaw pa ang pinakamataas na kinikilala nila, for me you're just an insect na pagala gala at isang tapak lang patay kana. Yes! you're right, hindi kita ka level kase I'm a killer and professional. Lagpas na lagpas ang kataasan.
Naglakad lang ako hanggang sa narinig ko ang pangalan ko na ipinatawag sa speaker sa buong campus.
"Ms. Hannah Lyn Riley Emmerson you need to go to the admin immediately!"
Tsk! Bakit pa kailangan na I announced sa speaker huh!? Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nadadaanan ko at yung iba umiwas pa sa dinadaanan ko. I just ignored them tsaka naglakad lakad ng ilang minuto hanggang sa nasa admin na ako. Pagbukas ko sa pinto naabutan ko ang mga mukang nakaka bad mood. It's Madam principal again and the guy na nakalaban ko sa Buenavista University na si Blade ay nandito.
Hindi lang sila ang nandito kundi si Neithan , Nicky tsaka si Ate Jane. Umupo ako sa tabi ni Neithan dahil yun lang ang bakante tsaka ayokong tumabi sa kahit na sino man sa kanila maliban kay Neithan.
Tinignan ko si Blade na nakatitig lang sa pinapaikot nitong dagger na may nakatatak na red snake.
"Alam kong alam niyo na ang gagawin as SSG official but their was a newly here... Hannah and Neithan, just read that book kung saan nakasulat any mga kailangan at mga batas na kailangan niyong sundin" Sabi sa amin ni Madam Evilyn.
"To be qualified as a SSG official's, note that wala ring dapat mamagitan na relasyon ang bawat isa sa inyo... right Hannah?" Nakangising saad ni Madam evilyn habang nakatingin sa akin.
Nakahawak si Neithan sa kamay ko kaya itinago ko ito agad sa likod at hinarap siya na larang wala lang.
"Well kung ganun, nice rule" sabi ko habang nakangiti ako pero ang totoo ay peke lang lahat na ipinapakita ko.
"I think napagusapan na ang dapat na pag usapan pa kaya we should go now" Sambit ni Blade at tumayo napatingin siya sa'kin at umiwas naman ako bago siya umalis. Magsasalita pa sana si Madam Evilyn pero lumabas na kaming lahat. The SSG has no respect on her!
Iba iba ang dereksyon na tinatahak namin paalis. Hinila ko si Neithan at pumunta kami sa lugar na nasisiguro kong walang tao.
"Do you need something darling?" Pambibiro niya dahil narin siguro dito ko siya inilagay.
"Neithan we should stop now...Tigilan na natin kung ano ang meron tayo" Seryosong sabi ko na ikinatahimik niya.
"For what Darling?! Wala akong pakealam kung malaman nila na may namamagitan sa atin" Cold niyang sabi.
"Pero Neit-"
"Please lang Hannah ayokong pag usapan ang tungkol diyan!" Sabi niya at yumakap sa akin.
"I don't care if I lose my position, I prefer losing my life than that position... Hannah you're my life, my future, my happiness, my soul and my everything... I love you Darling" Bulong niya sa tenga ko.
Siguro nga ay kailangan ko ring ipaglaban ang namamagitan sa amin.
Ba't ba di ako nag isip ng maigi.
"I won't leave you Darling, I promise" Pagpapangako ko sakanya pero sana hindi ko masira ang ipinangako ko.
"I love you Neithan" Dugtong ko na nagpalawak ng ngiti niya.