Chapter 35: Killer King
Hannah Point of view
It's already 5 o'clock in the afternoon at marami pang estudyante ang hindi pa natapos ang gawain nila and kasama ako don.
We only have seven hours left para tapusin ang mga naka assigned sa amin pero wala akong pakealam kong hindi ko pa matatapos ito.
Marami narin ang umuwi sa mga dorm nila dahil natapos na nila, meron ding estudyante na nagugutom dahil hindi sila kampanteng kumain at walang gana siguro kase iniisip nila na baka hindi nila mamalayan na nandiyan na pala ang taong tatapos sa buhay nila or kaya ay magpapahirap sa kanila.
Ang mga studyanteng nagkukumpol lang sa gilid at nanginginig sa takot. Gusto ko silang tulungan pero hindi ko kaya na mag-isang lalaban para sa kanila. Naglalakad lang ako dito at minamanmanan sila hanggang sa nakasalubong ko si Neithan na gulong gulo ang buhok niya at nakahawak ng papel at minomonitor ang mga pangalan ng mga namamatay kada oras. Siya na yata si Kamatayan.
Huminto ito sa paglalakad at tinignan niya ako ng malalim bago nagsalita.
"What are you doing here... I told you that you should not come here outside at this time without my permission" Pangaral niya sa akin.
"Are you tired Darling?" Magiliw kong sabi sabay takip ng bibig dahil sa tinawag ko sakanyang darling na ikinangiti niya.
"Ow this is the first time that you call me Darling in a sweet way and you know what? I love it" Nakangisi at nang aakit na saad niya.
"Bakit bawal ba kitang tawagin na Darling?" Sabi ko tsaka lumapit sakanya.
"No besides Im your boyfriend Darling" Biro niya siguro sa akin.
"Tsk! Neithan dont make a joke" Inis ko sabay talikod ng bigla siyang mahulog sa sahig.
"Oh s**t! Neithan don't make fun with me hindi maganda yang ginagawa mo!" Nag aalalang sabi ko sakanya.
I tried to wake him up pero hindi siya gumising kaya nagpatulong ako sa isang lalake doon at dinala namin siya sa clinic.
"Don't worry Miss Emmerson, he's okay and he just need a rest" Saad sa akin ng Doctor dito habang chinecheck ang heart beat niya.
God dammit Neithan pinag alala mo ako ng sobra sobra akala ko kung ano ang nangyari sayo buti na lang okay ka na
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun ni Teacher Jessamyn.
"What happened?" Nag alalang tanong niya sa doctor.
"Nahimatay lang siya pero mamaya gigising na siya" Saad ng doctor sakanya at tumango si teacher jess at lumabas na dito.
Napaupo si Teacher Jess sa tabi ko.
"You have a caring boyfriend" Sabi niya tsaka tumingin sa akin.
"Kanina ko pa siya nakikitang nahihilo at masama ang pakiramdam kaya nga pinagpahinga ko siya pero ikaw ang iniisip niya" Dugtong pa sa sinabi niya sa akin.
"What do you mean Teacher Jess?" Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi niya.
"Kase sabi niya hahanapin ka niya muna bago ito magpahinga" Ibinalin niya ang tingin sa sahig at huminga ng malalim.
Kaya pala nung nakita ko siya kaninang pagod na pagod at mukang matamlay. Pero bakit Neithan, bakit mo to ginagawa sa akin mas lalo akong napapamahal sayo. I hate this feeling. I hate to be loved, I hate what am I doing right now and most of all I hate myself when there was something wrong happened to you especially because of me.
Ayoko na dumating ang araw na mapahamak ka ng dahil lang sa akin. Ayokong masanay ako na nandiyan ka palagi sa tabi ko, I'll just let our feelings on being like this, mas maganda ng maging ganito lang tayo na walang relasyon. I'll love you but I'm sorry I can't let my love to destroy you sa kung sino at sa kung ano ang meron ka ngayon.
"Alam mo na pala ang mga kaguluhang mangyayari dito" Sambit niya sa akin.
"Bakit hinahayaan niyo lang ito...Bakit wala kayong ginagawa para tutulan ang mga pinaggagawa ng principal... Bakit ginagawa niya ito... Bakit?!" Sa wakas nailabas ko narin ang isa sa mga katanungang bumabagabag sa isipan ko.
"Hannah before I came here as a professional teacher I'm so proud to myself dahil makakapasok ako sa paaralan na pinapangarap ko, akala ko magiging masaya ako but everything that I expected is destroyed. And it became worst. Nasaksihan ko ang mga bagay na hindi ko inaasam asam, halos araw araw na iniiyakan ko ang mga inosenteng studyante na namamatay araw araw lalo na kung nandito ako pero ni kahit isa sa kanila wala akong mailigtas dahil isa akong duwag!" Naiiyak na saad niya sa akin.
"Merong araw na nakielam ako dahil hindi ko na natitiis pa ito pero binalaan nila ako. They warned me if I say anything or magsusumbong ako sa mga pinaggagawa nila ay pupugutan DAW nila ako...so I just keep silence hanggang sa nasanay na ako" Saad niya tsaka pinunasan ang mga luha niya.
"Kung malaman kona sana agad na inenroll ka pala dito sana napigilan kita but it's too late Hannah... I'm sorry kung wala akong nagawa"
"Wala akong maisasagot sa mga tanong mo Hannah, sabayan nalang natin ang mga pinaggagawa niya para hindi tayo mapahamak" Payo niya sa akin tsaka tumayo.
"Kailangan ko nang umalis baka may makakita pa sa akin dito" Dugtong niya.
"Ano naman ngayon kapag may makakita sayo?" Tanong ko.
"Bawal kaming maki elam sa mga studyante Hannah ang tungkulin lamang namin ay magturo dito tsaka palihim lang ako umalis" Sabi niya tsaka umalis na.
Maya maya nagising narin si Neithan kaya nilapitan ko siya sa hinihigaan niya.
"Are you okay now?" Tanong ko sakanya at umupo naman ito.
"Makita lang kita okay na ako" Sambit niya.
"Neithan bakit? Bakit mo pa ako hinanap. Sana ay nagpahinga ka na? Bakit mo to ginagawa?" Seryosong tanong ko kaya nagseryoso rin ito tsaka bumangon sa pagkakahiga.
"Isn't it still obvious?.. Cause I like you Hannah" Malamig niyang sabi na nagpatahimik sakin saglit. All this time I thought biro lang ang mga pinapakita niya sa akin.
Nabigyan ng katahimikan dito at tikom parin ang bunganga namin. Wala akong masabi sa sinabi niya at lalong ayokong pagusapan ang mga bagay nato.
Dahil kanina pa ako tahimik ay napag isipan na niya sigurong magtanong.
"How was your Dare?" Tanong niya sa akin habang nakatitig ito pero hindi ko siya kayang tignan.
"I'm not done yet" Sabi ko tsaka umupo sa tabi niya.
"Let me see the paper that you picked"
Kinuha ko ang bag ko sa chair at binuksan para kunin yung papel hanggang sa nakuha ko na ito at parang may iba.
Bakit ganito? Mukang napalitan dahil iba na ang nakasulat. Ang dating kill him ay napalitan na ngayon ng Kiss him at iba pa ang code name na nakalagay 'Killer king'?
Hindi kaya may nagpalit sa akin nung nasa Comfort room ako kanina. Ramdam ko na may tao kanina doon at pagkalabas ko nakabukas na ang bag ko pero wala ng tao doon.
"There's something wrong happen?" Tanong ni Neithan kase kanina pa ako nakatulala at nag iisip.
"It's just nothing" Sabi ko tsaka umiling.
"Ano bang nabunot mo?" Tanong niya tsaka ako humarap sakanya.
"To kiss someone"
Lumapit ito sakin at naka kunot noong kinuha ang papel sa pagkakahawak ko. Hinayaan ko siya at pagkabasa at pagkabasa niya palang ay parang itong nabuhayan.
"Do you know him?" Tanong ko sakanya dahil nagseryoso ito.
Lumapit ito at nagkalapitan ang mga muka namin tsaka niya ako hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at nakapikit naman ito.
Halos manlambot ako sa ginagawa niya at parang may kuryenteng dumadaloy sa loob ng katawan ko. Sh!t Nakakaadik! Parang isang wine na parang malalasing ako sa bawat halik niya. Napahawak ang mga dalawa kong kamay sa batok niya at napahawak din siya sa waist ko. He's a good kisser. Sinabayan ko ang pagkakahalik niya sa akin. Hannah! What Am I doing?
Pagkatapos ang ilang minuto ay huminto ako kaya ganun din siya. Omy gosh why I felt embrassed. Namula na naman ang mga labi ko at kitang kita ko sa mga labi niya ang pamumula rin. Nakakamatay ang halik na ginawa niya.
"You're Mr. Killer king?" Awkward na sabi ko.
"Yes Darling" Nakangising saad niya sa akin "Youre done" Dugtong niya.
"I should go now" Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
"I want you to stay here at my side Hannah" Sabi niya.
Bakit parang nahihiya ako sa ginawa ko. I want to scream and shout at parang sasabog ang dibdib ko. Kinilikilig ba ako? Urg! Ipinahiga niya ako sa balikat niya at hinawakan ang kamay ko at interwined ang mga daliri namin. Kung pwede lang sanang itigil ang mundo at ganito nalang tayo.
I wish someday maiintindihan natin na hindi tayo para sa isat isa. Ayokong maging kumplikado lahat at dumating ang araw na baka ikaw ang sumuko at iwanan ako. Ayokong madamay ka sa sitwasyon ko sa buhay at magiging kahinaan natin ay ang isat isa.