"Daddy! " Sigaw ni Jaia habang ini- enjoy ang tubig sa swimming pool. First time nitong makaligo sa pool. Nandito kami ngayon sa bahay ni Christian sa Quezon City. Nang makakita si Jaia ng swimming pool ay parang ito ng pakpak. Ang bilis niyang nakarating doon. Mabuti nalang ay may pambata ding pool si Christian dito sa bahay niya. Ang plano ay matapos maipakilala si Jaia sa ama ni Christian ay babalik na kaming Bacolod ngunit nakiusap ang ama ni Christian na dito muna kami ni Jaia upang makakasama pa nila ang apo nila. "Baby, tama na yan. Kanina ka pa dyan." Saway ko sa anak kong di mo na mapaahon sa tubig. "No. I still want to swim. Daddy, pwede po ba ako doon sa malaking pool?" Paalam dito sa ama nitong nasa gilid ng pool nakaupo. Waring binabantayan lang ang anak. Naka short lan

