Nasa isang resort kami dito sa Batangas. Nag- aya ang mga magulang ni Christian na mag bonding daw kami. Sinang- ayunan naman agad ito ni Christian. Sobrang saya din ni Jaia nang malamang pupunta kami sa isang resort. Kaya wala na akong magawa kondi ang sasang-ayon na din sa gusto nila. "Ang ganda dito daddy. Pwede bang dito nalang tayo?" Ang cute nang anak ko habang sinabi yon. Tumingala pa ito sa ama niyang kararating lang galing sa villa na para sa aming mag-ama. Nagpapaalam kasi itong may kukunin sandali. Nasa dagat kami ngayon nagtampisaw ang anak ko habang nasa gilid lang ako nanonoud sa kanya. Naka rushguard ang anak habang naka short lang si Cristian. Ako naman ay naka yellow 1-piece bikini. Di naman siya malaswang tingnan dahil plain bikini lang yon at walang kung ano-anong de

