Tulad ng nais ni Christian ay nasa bahay na lang muna ako habang mainit pa ang issue tungkol sa amin ni Zahara. Maging sa kompanya kasi ay pina-uusapan ang pangyayaring iyon. "Nanay, wala kang work po?" Tanong ni Jaia nang mapansin niyang nakapambahay lang ako. At kasuluyang nakatabi sa kanya dito sa kama. "Wala po, baby." Malambing na sagot ko sa anak ko. "Talaga po nanay?" Masiglang sabi niya. "Yes, baby. Diba, gusto mo yon." Lambing ko sa kanya. "Yes po. Pero po si daddy din sana. Wag na din po siyang magwork." Nakangusong sabi nang anak ko. "Kapag po di mag work si daddy anong kakainin natin?" Tanong ko sa kanya. "Sabi po ni daddy tayo daw po ang may-ari ng kompanya. Kahit daw po, di siya mag work ay may pera daw po siya." Sabi ng anak ko naikatawa ko nalang. Si Christian ta

