Christian POV Nasa office kami ngayon ni Jo-Ann para malagyan ng ointment ang mga kalmot na nakuha niya mula kay Zahara upang di mag ka scar ng balat niya. Makinis pa naman ang balat ng babaeng baka ma bombahan ako nito kong magkalamat ang balat dahil sa akin. "Sir, ito na po ang hinihingi mong medicine kit." Sabi ni Miss Cheng sa akin. Inabot ko naman yon at binuksan ang medicine kit. Naghahanap ako ng bulak, betadine, at ointment para dito. Nang makuha ang kailangan ay mas lumapit ako kay Jo-Ann upang magamot ang mga kalmot niya. "Ako na." Sabi nito. Akmang kukunin ang bulak sa akin ngunit inilayo ko yon sa kanya. "Ako na, di mo abot ang ibang kalmot niya oh." Sabi ko dito. Di naman ito nagpumilit sa gusto. Hinayaan lang ako nitong tapusin ang paggamot sa kanya. "Aray, dahan

