Nakipagsukatan ako ng tingin kay Zahara. Kahit na nag-aalab ang tingin niya sa akin ay di ko binitawan ang titig sa kanya. "Ang kapal ng mukha mong magpapakita dito. At talagang dito pa sa kompanya nila Christian." Mariing sabi ni Zahara sa akin. "Why not? I have permission to work here." Proud na sa kanya. "Really?" Nang- uuyam na sabi niya sa akin. "The last time I checked, you're a thief in this company." Sabi nitong nakataas ang kilay. Napasingham naman si Perina na nasa tabi ko lamang. Wala kasi itong alam sa mga nangyari noon kaya malamang nagulat ito sa mga sinasabi ni Zahara na wala namang katutuhanan. "At talagang naniwala ka yon?" Saksastikong sabi ko sa kanya. "Malay ko ba naman sayo. Magnanakaw." Sabi nito sabay talikod upang pumunta sa office ni Christian. "Teka, ma'

