Nang sumara ang elevator kung saan laman si Hera pabalik sa department nito ay umikot ako upang makapunta sa opisina ni Christian. Exclusive for CEO lang ang palapag na ito kaya wala masyadong tao maliban secretary nito. May nakita akong dalawang mesa sa harap ng opisina nito. Bakante pa ang isang mesa, kaya I assume ito ang magiging mesa ko. Lumapit muna ako sa isang babae na nakaupo sa isang mesa. Di ko kilala ito. Marahil ay nakapasok ito sa kompanya noong mga panahong wala na ako dito. Maganda ito kahit nakikita mo ang kasimplehan ng pananamit nito. Hindi katulad ng mga secretary dati ni Christian na halos luluwa na ang dibdib at kunting tuwad lang makikita na ang puwit sa sobrang seksi kung manamit. " Hello, good morning." Bati ko dito. Nag angat ito ng tingin sa akin. "Good mornin

