bc

WAKE ME UP...

book_age4+
3
FOLLOW
1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Hindi naging madali para sa lahat ang covid-19 pandemic, nagdala ito ng sari-saring sakit, pagod at hirap sa bawat pamilya—at bawat isa. Isa ako sa mga nakaramdam ng labis na paghihirap dahil sa mga napagdaanan ko sa murang edad.

chap-preview
Free preview
WAKE ME UP...
WAKE ME UP WHEN... —Kaizer Constello “Anak, lumabas na ang resulta..” sambit niya mula sa kabilang linya na nagpakaba sa‘kin ng sobra. “Papa, negative naman diba?” Hindi ito nagsalita at bigla ko nalang narinig yung paghahagulgol niya. “Anak, sorry tandaan niyo nalang palagi na kahit anong mangyari mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo lalo na si mama mo, paki ingatan siya anak.” ‘Yon na ang mga huling pag uusap namin ni papa at makalibas ang ilang linggo ay binalita nalang sa‘min ng mga kapatid niya na wala na si papa. Wala kaming nagawa kundi ang umiyak nalang at maging malakas kahit mahirap. Dalawang buwan na ang nakalipas Sobrang magulo parin ang nangyayari sa bansa Mas lalong lumalala ang kaso ng mga infected ng virus “Nasaan si mama?” Tanong ko sa bunso namin. “Wala po siya dito kuya, umalis nanaman,” sagot nito. ---- Simula nung nawala si papa, si mama na ang nagtataguyod sa amin, lagi siyang wala para maghanap ng sideline para makakita at may pang gastos kami sa araw-araw. Habang inaasikaso ko yung bunso namin nagulat ako nung napatawag si Ate. “Kyle, ikaw na muna bahala kay Elle ha hindi ako diyan makakauwi pati na rin si mama.” Biglang namatay yung tawag at kinabahan ako, sinubukan ko ito ulit tawagan ngunit hindi na ma contact. “Kuya? Anong nangyari kina Ate Jelrose?” Tanong nito na tila walang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap. “H‘wag kang mag alala bunso, hindi ka pababayaan ni kuya” Makalipag ang ilang linggo wala parin ako balita kina mama at ate ni hindi man lang sila tumawag sa‘kin. Sinubukan ko silang tawagan ng ilang beses pero hindi ko na sila ma contact. Hindi ko na alam gagawin ko ‘pag pati sa kanila may mangyaring masama. Habang nag iisip ako ay biglang tumunog yung cellphone ko, dali dali ko itong kinuha at sinagot. “Ma? Ate?” “Kyle si tita mo ito, may ibabalita sana ako pero lakas mo yung loob mo ha,” rinig ko ang pagbuntong hininga ni tita na tila bang kumukuha pa ito ng bwelo sa ibabalita niya. “Yung Ate mo at mama mo, positive sa covid.” Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa nabalitaan ko, halos maibuka ko yung bibig ko ngunit kahit anong salita walang mailabas ito dahil sa pagka bigla. Pinaliwanag sa‘kin ni tita na yung amo nina Ate at Mama ay nagpositibo sa covid at sa hindi inaasahang pagkakataon kahit anong ingat nila ay nahawaan parin sila sapagkat nasa iisang bahay lang sila. Halos magunaw mundo ko sa nabalitaan ko Napaiyak nalang ako habang yakap yakap yung bunso naming natutulog. “Bakit kami nagkakaganito?” Pinilit kong lakasan loob ko, umaasa akong malalampasan nina mama at ate ‘yon pero nagkamali ako kagaya din ni mama matapos mabalitaan na nag positibo sila ay ‘di nagtagal ay nawala na din sila. Yung mga tita at tito namin yung nag asikaso ng lahat at sa pagkakataong ito hindi ko alam anong gagawin ko, kung papaano haharapin ang bawat bukas na wala na yung mga mahahalagang tao sa buhay ko. Nagdesisyon akong iwanan muna si bunso kina tita at lahat ng pera na natitira ay binilin ko do‘n para may ipang gagastos sila kina bunso kahit papano. ----- Segundo Oras Araw Linggo ang nakalipas at heto ako laging nakatulala sa bahay, wala sa sarili, umiiyak nalang bigla, hindi na magawang kumain ng maayos. Hindi ko na alam paano aayusin yung sarili ko, yung buhay ko. Dahil sa virus na ito nawala yung papa kong laging nagpaparamdam sa‘kin na proud siya na meron isang ako sa buhay niya, yung mama kong inalagaan ako at minahal ng sobra, yung ate kong palaging andiyan para sa’kin at pinoprotektahan ako. Wala na sila.. Kung ganito lang din naman ayaw ko ng mabuhay pa. Kumuha ako ng blade at wala sa sariling sinugatan ko yung kamay ko. Napakaraming dugo, pero physical pain won't affect me anymore. Mas mabigat parin yung nararamdaman ko at heto yung sakit na kailanman hindi ganoon kadaling alisin. Ginamit ko ang dugo ko upang isulat ito sa dingding ng kwarto ko. WAKE ME UP WHEN THE CORONA VIRUS ENDS Bumalik ako sa higaan ko at umiyak nanaman hanggang sa makatulog ako. Kung gigising lang din naman ako na ganoon parin yung nangyayari sa mundo mas mabuti pang manatili nalang tulog, kasi sa pagtulog matatakasan ko ang lahat ng sakit at hirap. Kahit man lang sa panaginip maging kompleto at masaya ulit kami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook