┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Natapos ang masaganang handaan. Ang ibang mga bisita ay nagpaalam na rin maliban lamang sa magkakaibigang bilyonaryo. Nanatili sila sa resort dahil sa imbitasyon ni Marcus, kaya lahat sila kasama ang mga asawa nila maliban lamang sa mga anak nila ay nanatili sila ng resort. Lahat sila ay tulong-tulong na nagdala ng mga kahoy para sa gagamitin nilang bonfire. Ang mga tauhan naman ay nagdala ng malalaking cooler na puno ng iba't ibang uri ng alcohol at dinala sa kung saan sila magsisindi ng bonfire. "Bilisan ninyo diyan, nakahanda na ang aking palaro. Excited na ako," wika ni Althea at kumindat pa ito sa kanyang asawang si Marcus. "Kinakabahan talaga ako sa palaro ng asawa mo. Pakiramdam ko ay may kalokohan siyang gagawin,' wika ni Josh at sumulyap ito kay Althea na kausap

